CHAPTER 2

1037 Words
Kasalukuyan akong nag-aantay pa rin sa tabi ng pader. Syempre kailangan natin talaga mauna sa gawing ito. Dahil dito sila dadaan kaya ginusto kong dito mag-intay. Agad akong napabalikawas nang marinig ko ang sigawan at tili ng mga kababaihan. Alam ko na nandito na ang inaantay ko. Naandito na ang KAZU at big sabihin ng Kazu ay bilang o numbers sa lingwahe ng hapon. Mabilis kong inayos ang aking uniporme saka tinignan ang padaang tao sa gawi ko. "Seven!" halos lumabas na ang ngala-ngala nito sa pagsigaw niya kay Seven. Meet Seven Abalos siya ang panghuli sa KAZU. Top Five sa klase ng Class A mula sa kanilang kurso. Kung idi-discribe ang pagmumukha nito ay hindi sapat ang salitang cute para maisabi sa kanya. Sapagkat pag ito ay nangiti ay nakikita ang kanyang lubog na lubog na dimple at gano'n na lamang na din ang matangos nitong ilong. Maputi ang kanyang balat at kulay itim naman ang kanyang buhok. "Yi! Pansinin mo 'ko, Yi!" sigaw ng isang babaeng may inaabot kay Yi na isang inumin. Ngunit hindi siya nito pinansin at tumuloy lamang ng lakad. Meet Ying Kai Nian o mas kilala bilang 'Yi'.  Ang pang una sa KAZU. Sa lingwahe ng Chinese ang Yi ay One. Batugan siya sa lahat ng KAZU. Hindi ito namamansin sa kahit kanino maliban lang sa kapwa myembro nitong KAZU rin. Kung idi-discribe ko siya ay singkit ito, dahil sa half-chinese ito at ang kulay nito ay nahiya ang bond paper sa puti. Matangkad ito at laging lukot ang uniporme nito para sa 'kin ay isa siyang salaula. "Singko! Singko!!" halos paiyak na sabi ng isang babae mula sa gawi ni Singko. Sa araw-araw na nangyayari ay laging ganito ang makakahanatnan mo. Meet Woroyo Shima 'Singko' ang panglima sa KAZU. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano connect ng Singko sa pangalan nito ngunit naisip kong nakuha nila ito sa Shima. Parang ngongo na Lima sa atin. Kung idi-describe ko ito ay mapupungay ang mga nito at singkit dahil half-japanese ito. Mas nakilala ito sa kanyang color brown hair na side bangs. Mas makilala mo ito dahil lagi itong may bitbit na pagkain. "Para sa 'kin ba ito? Salamat!" sabi ni Singko habang kinukuha ang pagkaing bigay sa kanya ng mga kanyang taga hanga. "Kinuha ni Singko! Ahh!!" halos pwede nang kunin ang babaeng to ng panginoon sa sobrang saya. "Ayan na siya! AR!" mula sa babaeng nasa gilid lamang din. "Hi!" sabi ni Ar at saka ito nginitian. Meet Archi Tawo 'Ar' ang pangalawa sa KAZU. Sa lingwahe ng mga chinese ang 'AR' ang two sa bilang nila. Kung idi-describe ko ito ay siya ang pinaka masiyahin sa KAZU lagi itong nakangiti at laging natawa. Siya ang pinakabata sa buong KAZU. "Tres!" tawag ng babae kay Tres ngunit dumidiretso lamang ito sa paglalakad. Meet Troen Escave ang pangatlo sa KAZU nakuha ang Tres sa Troen Escave. Syempre alam ko 'yan. Kung idi-describe ko si Tres? Uhmm... Wala akong masabi dahil tahimik lang ito. Laging may nakasabit sa tainga nito na earphone kaya't hindi niya naririnig ang pagtawag ng mga taga hanga niya. Isa si Tres sa mga lalaking wala kang masasabi, dahil wala siyang sinasabi talaga! Hindi siya palasalitang lalaki. Baka pumuti na lang ang uwak pag nagsalita ito at tumawa. "SI! SI! SI!!" paulit-ulit na sigaw ng babae kay Si. Meet Sitro Herrera ang pang-apat sa KAZU nakuha ang Si sa panguna at pangalawang letra nito sa pangalan niya. Ang Si ay Apat sa lingwahe ng mga chinese. Kung idi-describe ko siya ay 'di maitatagong pogi ito talaga sa tangos ng ilong nito at kissable lips at kulay grey ang buhok. Mas makilala mo siya dahil lagi itong nahikab lagi itong natutulog kahit pagnakain sila sa cafeteria ay makikita mong tulog ito. "Roku! Pansinin mo 'ko! Roku!" gulat ng babae ng halikan ni Roku ay kamay nito. Meet Roku Takisama ang panganim sa KAZU. Ang Roku ay anim sa lingwahe ng hapon. Kung idi-describe ko ito ay talagang gwapo ito kaya nga ang lakas ng apog nitong maging playboy, e . Oo! tama kayo ng nabasa.  Kaya mag-iingat kayo kay Roku, dahil maraming naiyak na babae nang dahil sa kanya. Ang pitong iyon ay dumaan na ngunit hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko. Katulad ng iba ay inaantay ko lang ang gusto kong makita. Halos mabali ang ulo kakatingin sa dinaanan ng Kazu kung padating na ang inaantay ko ngunit wala pa rin ito. Ngunit gano'n na lamang ang bilis ng katawan ko ng ma-alerto akong may kamay na hahawak sa 'kin upang itulak ako mula sa likod ko. Agad kumilos ang kamay ko at agad hinawakan ang kamay nito at agad ding inikot papunta sa likod nito ngunit gano'n na lamang ang bilis niya ng hawakan nito ang kamay ko mula sa pagkakahawak ko sa kamay nito. Agad niya kong hinarap sa kanya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "Hell!" sigaw ng babae. "Oh, no! Lagot siya!" halos bulong ng babae ngunit rinig ko pa rin. Maraming bulungan pero tanging kaba ko lang ang naririnig ko. Tinignan niya 'ko simula ulo hanggang paa at saka ibinalik ang tingin sa mga mata ko. Isang nakakatakot na tingin kaya naman agad akong napalunok. Bakit kasi doon siya dadaan sa likod! "Mabilis ka." bitin na sabi nito sa akin at muling inangat ang tingin niya. Gano'n na lamang ang kabog ng dibdib ko nang hilain ako nito at malakas na sinandal sa pader at sinuntok ang pader na malapit sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya... halos rinig ko ang pagtama ng kamao niya sa pader. Diretso ko lamang ito tinignan. "Sa susunod ay 'wag kang haharang-harang kung ayaw mong sa mukha mo tumama ang kamao ko," sabi nito saka umalis. Napatingin ako sa gilid ko ng maraming nakatingin sa 'kin. Napatingin ako sa pader na sinuntok nito nang makita kong may dugo ito! Hala! Napalakas ang suntok nito! Pero nu'ng maalala ko ang mukha nito habang hawak-hawak niya ang kamay ko ay... "Hinawakan niya kamay ko!" halos pabulong kong sabi. Kinikilig ako! Hinawakan niya ang kamay ko! Omg! Napakaswerte ko! Napatingin ako sa gawi niyang naglalakad pa punta sa building nila.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD