CHAPTER 23

1925 Words
“Ang haba ng tinulog ni Hell,” Sabi ni Singko na ngayon ay nakatingin lamang kay Hell. Kahit ang mga isip ko ay kung paano ko gagantihan ang mga ‘yon ang tingin ko naman ay na kay Hell. Iniisip ko na hindi ako parte ng Kazu kaya hindi ko kailangan hintayin ‘to bago gawin ang gusto ko. Makikita nila ang ginawa nila, tritriplihin ko ang ginawa nila sa mahal ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at saka inilagay iyon sa aking pisngi. Ang likod ng kamay niyang nakalagay sa pisngi ko ay nagbalot ng sobrang kilig sa aking katawan. “Ayaw ni Hell ng hinahawakan siya,” Dagdag ni Roku kaya naman ay napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin. Hindi ko man alam kung bakit ito nakangiti, dahil sa pagsasabi nito sa aking ayaw ni Hell ng hahawakan siya. Hindi ba at nakakatakot iyon? Iba si Hell sa lahat, kinatatakutan ng iba at kinahuhumalingan ng lahat. Dahil itsura niyang hindi mo masasabi kung normal lang ba sa dugo nila ang itsurang ubod ng gwapo. Oo nga at ang iba nitong kaibigan ay gwapo rin pero mas nauuna at nangunguna ang gwapo nitong mukha kaysa sa iba. Sa aking paningin ay siya lamang ang nangunguna. “Nahalikan ko na nga ang ilong nito, e.” Ngiting sabi ko nang maalala ko ang nangyari nitong nakaraang araw. Aminado ako sa maikling panahon na nakasama ko si Hell ay lahat ng iyon ay masaya. Walang araw na hindi ako naging masaya sa tabi niya. Gano’n nga siguro pagmahal mo talaga, kahit ang pangit na araw ay mapapaganda nito at bibigyan ng kulay kung ito ay nakakalungkot. Masarap magmahal kung alam mong masaya ka sa ginagawa mo. Ako kasi tanggap ko na… Hindi ako nito mahal at laging sinasabi sa sarili ko na malabo niya akong magustuhan pabalik pero hindi ko pwede pangunahan ang puso niya. Dahil hindi natin alam kung kailan pwedeng magbukas ang puso niya para sa akin. “Yi! Narinig mo ‘yon?!” Di makapaniwalang tanong ni Si na pumapalakpak pa at natawa. Bahagya itong tumayo at lumapit sa gawi ko. Hinawakan nito ang aking mga balikat at hinilot-hilot. “Idol ko na talaga ‘to!” tawang sunod ni Si sa akin at inilapit ang mukha mula sa likod ko. Agad niya kong nilingon at tinignan bahagya ang mukha ko. Inalayo ko ang aking mukha sa kaniya habang nakatingin ako sa mga mata niya. “Mayroon talagang kakaiba sa ‘yo, e.” dagdag nito sa akin at ngumiti, ngunit bigla itong humikab. Antukin talaga! “Ilang oras na lang ay darating na ang dalawa.” si Roku na ngayon ay parang pinaghahandaan niya ang sarili. “Hays... Gugulo nanaman ang kwarto,” sunod ni Si sa tabi ko at umupo sa tabi ni Singko. Nakuha ng atensyon ko si Tres na nakatingin lamang sa akin na parang kinikilatis ako nito at pinag-aaralan. “May itatanong sana ako sa ‘yo.” Nawala ang tingin ko kay Tres nang magtanong si Singko. “Ano ‘yon?” Sagot ko. “Marunong ka bang mag-self-defense? Taekwondo? Karate? Kung Fu?” Sunod sunod na tano’ng nito sa akin halos wala iyong hinto. Napalunok na lamang ako ng tanungin niya iyon sa akin. Hindi ko rin alam ang isasagot ko, dahil hindi ko rin naman talaga alam kung marunong ako sa lahat ng sinabi niya. “Ahmm… ano,” Napatingin ako sa kuko kaya naman ay nakayuko at iniiisip ko kung magkekwento ba ‘ko sa kanila? Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Paano ko makekwento sa kanila, dahil hindi naman ako story teller at hindi ako palakwento. Kahit pa ang sabi ng kuya ko ay isang akong palakaibigan na babae at mahilig makipagkwentuhan. Muli kong inangat ang tingin ko sa kanila at ngumiti. “Actually, h-hindi ko pa ano… Hindi ko pa kilala ang sarili ko ng buo,” Ngiti kong sabi iyon. Totoo ang sinabi ko, hindi ko pa lubusang kilala ang sarili ko. “Tulad niyo madami rin akong tanong sa sarili ko,” sunod ko na kwento sa kanila. Kita kong naningkit ang mga mata ni Yi habang sinasabi ko iyon. Hindi nila alam ang kwento ko at kahit ang lalaking nakahiga rito sa tabi ko ay hindi alam ang buong kwento ko. For the first time kong ikekwento ang sarili ko sa mga taong malapit sa mahal ko. “Nagka-memory lost ako,” Ngiting sabi ko at bumaba ulit ng tingin. Alam ko sa sarili ko ang pagkukulang ko. Pagkukulang sa buong katauhan ko. Hindi ko alam ang sarili ko kung sino nga ba ako? Bakit ako malakas? Bakit kaya ko makipaglaban? “I’m back to zero,” At muli kong inangat ang mga tingin ko sa kanila. “So? You mean. No? Wala kang naaalala sa nakaraan mo?” tanong ni Roku sa akin. Halatang hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ko. “Wala,” tipid kong sagot at doon ko naalala ang lahat nang nangyari sa akin years ago. Hirap na hirap akong alalahanin ang lahat pero… “I was going to end my life,” sunod kong muli, totoo iyon. Ginusto ko ng tapusin ang buhay ko, dahil ayoko mabuhay sa mundo ng may pagkukulang. “Pero...” Tinignan ko bahagya si Hell at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay. Saka pinisil-pisil ang mga daliri nito. “But, when i saw him?” Ngumiti ako habang nakatingin kay Hell saka ko nakaramdam ng kilig mula sa aking t’yan. “Doon ko nakita na pwede muli ako magsimula,” Saka ko binigyan ng pansin Kazu. Nakaawang mga labi ni Singko at dahan-dahang pinalakpak ang kan’yang mga kamay. Si Roku naman na nag-iinarteng pinunasan ang kaniyang mga imaginary luha. Si Yi na nakatingin lamang sa kan’yang kuko at si Tres naman na hindi niya pa rin inaayos ang tingin sa akin. Parang pinagdududahan niya ang kwento ko at inaalam ang totoo. Alam ko ang tingin na ‘yan. Nawala ang tingin nito sa akin nang mapunta iyon sa kung saan kaya naman ay sinundan ko iyon ng tingin. Nilingon ko ang gawi na iyon at doon ko nakita ang babaeng naka tayo sa pintuan. “Mavie,” Biglang tayo na sabi ni Yi at saka ito pinuntahan ang babae. Halos hindi makapaniwala si Mavie na nakapunta ako ng mas maaga pa sa inaasahan niya. “Bakit ka narito?” Kaswal nitong tanong sa akin, ngunit hindi ko na ito pinansin sapagkat ay tinuon ko ang atensiyon ko kay Hell na hanggang ngayon ay walang malay. “Hindi ka ba talaga nadadala?” Doon ko naramdaman ang papalapit na kamay nito sa akin mula sa likod ko. Talagang buntirya niya ang likod kong hindi pa maayos, ah! Hindi ko na hahayaang maliitin niya ko kaya naman ay bago pa nito malapat ang kamay nito sa akin ay agad ko itong sinalo. Mabilis kong nahawakan ang kamay niya na hindi niya inasahan. Oo nga at nakatalikod ako, ngunit gano’n ako kabilis nakaharap sa kaniya nang hawakan ko ang kamay niya. Sinalo ko ang pulsuhan nito at saka tumayo. Sinadya ko talagang diinan ang pagkakahawak ko at doon ko nakita ang inis sa kan’yang mukha. “Ngayon ay nalaban ka?” Tanong nito sa akin na kinakalas ang sa isang kamay ko ang pulsuhan niya. “Isa,” Rinig kong sabi ni Yi na ngayon ay binibilangan na ako para bitawan ang kamay ng pinakamamahal niya. Ngunit hindi ko iyon pinakinggan. Wala akong takot ngayon para sa ganitong scenario na ipapahiya mo ‘ko ulit at sa harapan nila. “Alam mo kung bakit ‘di kita pinapatulan?” Saka ko binitawan ang kamay niya na ngayon ay hawak-hawak niya ito. Nasa likod nito si Yi na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Parang uusok na siya ano mang oras. Naiintindindihan ko iyon, dahil nasaktan ko ang mahal niya pero hindi niya alam ang kagaspangan ng ugali nito sa akin. “Dahil mahina ka,” Taas tingin kong sabi sa kanya na pinanlakihan niya ng mata. Halatang nagulat ito sa sinabi ko at hindi nito matanggap sa kan’yang sarili. Agad niyang itinaas ang kamay niya na akmang sasampalin ako. “Mavie, stop.” Pigil ni Yi na ngayon ay hinahawakan na siya sa braso. Ngunit hindi siya nito pinapansin ang mga mata ni Mavie ay nakatuon lamang sa akin. Tingin na may halong inis at galit. “Sige na at gawin mo at ibabalik ko ang ginawa mo sa akin ng triple,” Kalmadong sabi ko at binuhusan lamang ito ng tingin. “Simula sa paghampas mo sa akin ng tray sa ulo. Sa pagpunit mo ng damit ko at sa paghampas mo sa mismong sugat ko,” Pagpapatuloy kong sabi. “Mavie, totoo ba ‘yon?” Muling tanong ni Yi, ngunit hindi siya nito pinansin. Nakita kong napalunok si Mavie nang sabihin ko iyon sa harap ng Kazu. Ngayon ay para siyang na aaligaga sa tingin sa kanya ng Kazu. Lumunok ito muli at humarap sa akin. Akmang magsasalita pa sana siya, ngunit inunahan ko na siya. “Lahat ng ‘yon ay hindi kita pinatulan pero ‘yung gawin mo sa akin ang kagaspangan ng ugali mo sa harap ni Hell. Sa tingin mo mamahalin ka niya, dahil nagtatapang-tapangan ka?” Marangya akong natawa at tinignan siyang muli. “Shut up!” Malakas na tinig ni Yi ang bumalot sa buong kwarto. Kaya naman ay napatingin ako sa kanya. “Ihahatid na kita.” Paghihila niya kay Mavie ngunit nagpupumiglas ito. “No! I said no, Yi!” Iritang sigaw nito. “Mavs, umuwi ka na, please? Hindi ka nakakatulong ditto,” Dagdag ni Seven na ngayon ay nakatingin kay Mavie. Magkakasabay silang dumating dito. Si Ar at Seven at ang babaeng ito. “You! You will pay for this,” Diniin nito sa akin ang pagkakasabi nito sa akin 'you' habang tinuro niya ako at saka niya inayos ang bag niya na isinabit niya sa kan’yang braso. “Kahit bigyan pa kita ng tip,” Mataray na sagot ko. “Ahhrr!” Inis na sabi nito at padabog na lumabas. Binangga nito si Seven na ngayon ay hindi makapaniwalang ginawa iyon sa kaniya. “Wow! Stacy!” Manghang tawag ni Singko, habang napalakpak pa sa akin. Manghang- mangha sa aking ginawa, ngunit ang ginawa ko lang naman ay ipinagtanggol ang sarili ko. “You are insane!” Dagdag naman ni Archi na ngayon ay natatawang sabihin nito sa akin. “Kita mo ‘yon, Bro! Hindi ako makapaniwala!” Si Singko kay Archi. Hindi ko na sila pa pinansin at umupo muli sa tabi ni Hell. Sigurado ako kung gising ka at nakita mo iyong ginawa ko ay magagalit ka sa akin. “Hindi pa rin siya nagigising,” Sabi ni Seven na ngayon ay malungkot na tinig na pagkakasabi niya iyon. “Hindi rin natin magagantihan ang Kasim na ‘yon,” Inis na sabi ni Singko at ngumuso. “Hayss...” Kita kong umupo si Seven sa sofa at ipinikit ang kan’yang mga mata. Napatingin ako kay Hell at unting-unting bumaba sa mga kamay niya kaya naman ay hinawakan ko ulit ‘yon. Hindi ako papayag na habang ikaw ay narito ay sila naman natutuwa, dahil nagawa ka nilang pabagsakin. Kinuyom ko ang aking mga kamao at kinagat ang aking ibabang labi. “Aalis lang ako,” Hindi ko na sila hinintay na tanungin ako. Agad na lamang akong lumabas. I’m not giving mercy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD