CHAPTER 12

1945 Words
Akala ko titila rin agad ang ulan. Pero doon ako nagkakamali dahil mas lalo lang lumakas ang ulan sa labas. Magda-dalawang oras na rin akong nakaupo dito sa upuan ko at nakapahalumbaba. Habang ang kasama ko ay prente lang na nakaupo malapit sa bintana at naka-earphone habang nagbabasa ng libro. Kulang nalang ata kape para sa kaniya ah. Feel na feel ang ulan e.  Kung nasa bahay lang ako ngayon, ganyan rin sana ako habang naka-pajama. Haaays bakit ba kasi pinilit ko pang magpunta dito. Ayan tuloy nakasama ko pa ‘tong lalaking ‘to. Sinipa ko naman ang upuan na nasa harap ko. “Aray!” sigaw ko habang nakahawak sa paa ko. Sa sobrang pagkairita ko nalimutan ko na gawa pala sa bakal lahat ng upuan dito sa school at naka-stick na sya sa group kaya naman agad akong napahiyaw sa sakit. “Tsk.” Rinig ko mula sa isang taong hindi ko gustong makasama ngayon. Tiningnan ko naman siya ng masama pero hindi na siya nakatingin sakin at nakatuon lang sa binabasa niyang libro. “Tsk.” Ulit ko sa sinabi niya at mukhang narinig naman niya ‘yon dahil masama rin niya akong tiningnan. “What? Do you have a problem with me?” galit niyang sabi sakin habang nakataas pa ang isang kilay. “Why? Got a problem with that”” irita ko naman na sagot sa kaniya. Actually, tanong ko rin pabalik sa kaniya ‘yon. Nakita ko naman na biglang nag-igting ang panga. Short-tempered rin talaga ‘tong taong ‘to e. “Then can you stop doing stupid thing? You look like nuts. Tsk.” Ang suplado talaga ng lalaking ito. “Abaaa,anong stupid things? And for your information, you’re the one who looks like nut right now, stupid.” Galit ko ng sabi sa kaniya. Nawawala composure ko dahil sa lalaking to e. Nakaka-highblood talaga! Tinanggal naman niya ang earphone na nakasaksak sa tenga nya at hinarap ako ulit. “Tsk. Why am I even talking to you.” Huli niyang sinabi saka dali-daling kinuha ang mga gamit niya at umalis palabas ng classroom. Walk out lang sir? Ahahahha mabuti nga at umalis na ang lalaking ‘yon. Hindi ko talaga ma-take na kasama ko siya. Feeling ko palagi akong namumula sa galit kahit wala pa siyang gawin haaays. Bigla naman nag-ring ang phone ko. Nakita ko naman na si Tri ang tumatawag sakin, so I answer it. “Couz? Nandiyan ka pa rin ba sa school?” bungad agad sakin ni Tri. “Sadly yes.” Malungkot kong sagot sa kaniya. “Hays e si Brenz? Nandiyan pa rin ba?” tumatawang tanong niya sakin. Nag-text rin kasi ako sa kaniya kanina at sinabi na kasama ko ‘yong Brenz na iyon. “Pwede ba huwag mo na nga hanapin sa akin ang lalaking ‘yon. Mabuti na lang at umalis na ‘yon. Ang sama kasi talaga ng ugali e.” naiirita ko nang sabi sakanya. Bumalik naman pagkairita ko ng maisip ang mukha ng lalaking ‘yon. Narinig ko naman ang lakas ng tawa ni Tri sa kabilang linya kaya inilayo ko muna sa tenga ko ang phone. Sobra makatawa ‘tong babaeng ‘to ah. “Happy moa ta girl? Tapos ka na?” pambabara ko sa kaniya. Isa rin ito e sobra kung mang-asar. “Dama ko kasi galit mo girl at saka nai-imagine ko na away niyo ni Brenz.” Natatawa pa niyang sabi. “Wow! Thank you ah ginawa mo pa talagang katatawan away namin ng lalaking ‘yon.” Imbes na seryosohin ang usapin nitong magaling kong pinsan ay dahan-dahan ko nalang kinuha ang laptop na nasa bag ko at binuksan ‘yon. “Enough na nga ang tungkol doon sa impaktong ‘yon. Natapos mo na ba iyong research proposal mo sa IPAR?” Pag-iiba ko sa usapan. Baka kasi saan pa mapunta ang chekahan namin. Saka mabuti ng may ginagawa ako habang naghihintay na makaalis dito sa school. “Hindi pa, actually, mabuti at pinaalala mo sakin. May itatanong rin sana ako sayo about sa research proposal.” Seryoso na niyang sabi habang naririnig ko na may tinitipa siya. Siguro nakaharap rin ‘to sa laptop niya. “What?” “May copy ka pa ba ng mga research methods natin noong senior high? Need ko lang ma-check kung tama ba ‘tong ginamit ko.”  “Ha? Search mo kaya sa internet girl. Saan mo ba nilagay copy mo noon? ‘Yan kasi saan-saan nilalagay mga gamit mo e.” panunuya ko sa kaniya. Masyado kati ‘tong balaura ‘tong babaeng ‘to e. Saan-saan nilalagay mga gamit niya. “Huway ka na nga diyan. E sa mas gusto ko mag-base doon kasi hindi na mahirap maghanap.” Asus dahilan mo talaga girl ang tamad mo lang talaga. Natatawa naman ako sa isip ko dahil sa asal nitong pinsan ko. “Oo na. E-sesend ko na po sa email mo memsh. Teka hanapin ko lang.” hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya dahil nakakapagod na makigpagtalo kapag hindi rin magpapatalo ang kausap mo. May kinalikot lang ako at hinanap ang file ko ng mg documents ko dati. Hindi kasi ako nagde-delete ng files lalo na kung importante siya. Naisip ko naman na baka nasa back-up drive ko ‘yon. “Oh my God! Meeeell!!!” sigaw ni Tri sa kabilang linya. Mabuti nalang at naka-speaker siya at wala sa tenga ko nakatapat. “Ano? Huwag ka nga sumigay diyan.” Natatawa kong sabi sa kaniya. “May bagong article na naman about you and Brenz. Check mo dali.” Nagmamadaling sabi niya sakin in loud voice, but still I could feel na nag-aalala rin siya. Agad ko naman sinunod ang sinabi niya. After I opened my social media acc ay tungkol agad sa amin ni Brenz ang bumungad samin. Sa f*******: ay nakita ko ang picture naming ni Brenz. Pero kanina lang ‘to ah. Ito ‘yong suot ko ngayon at ni Brenz. Agad naman akong napatingin sa paligid ko at natakot na malaman may nakatingin at nagmamasid lang sa akin. Sanay naman ako pero this time it really creeps me out kasi wala naman gaanong tao sa building ngayon. Nakita si Brenz na nakikipag-usap sa amin. Iba’t ibang pictures ang nakita ko. Nandito ‘yong nagkasagutan kami kanina. Nag-scroll pa ako kung ano pang meron. Hindi naman ako nag-aalala dahil wala naman kaming ginawang masama. “Nakita mo na?” rinig kong tanong sakin ni Tri pero hindi ko siya sinagot at tiningnan pa ang ibang Twitter at i********: accounts ko.  Mga photos namin ang bumungad sakin sa i********: messages ko. Halos lahat ng kakilala ko ay nagtatanong kung kami ba talaga. Habang sa Twitter ko nakapost ang ibang photos naming na may kasamang link ng pinagmulan ng article sa comment sections. “Mel, still there?” nag-aalalang tanong ni Tri. “Oo. Tinitingnan ko lang social media accounts ko.” Mahina kong sagot sa kaniya. Masyado kasi akong nanlumo na may bago na naman issue na kumakalat tungkol sa amin. Ang bilis ata makakalap ng information ng media ngayon. Haays akala ko tapos na lahat. “Hayys hindi pa talaga kayo tinatantanan ng media hanggang ngayon. May favoritism ata ‘tong website nato at ikaw lagi ang laman ng news nila. Bakit walang tungkol sakin.” Tumatawang sabi ni Tri, pero alam ko naman na pinapagaan niya lang ang atmosphere dahil mas lalaki na ang problema ngayon at nakita na naman kami.  Pero magkaklase naman kami kaya hindi dapat ito problema. Pero si mom at dad? Ano na naman iisipin nila ngayon. Lalo pa at kasama kong na-stranded ang lalaking ‘yon dito sa school. Marami pang ibang sinabi si Tri pero hindi na nakatuon doon lahat ng atensyon ko ng makita ang photo na nasa article na pinagmulan ng issue. It’s not just a simple photo for me na kung saan nakaupo kami dalawa minding our own business o noong nag-away kami kanina. I don’t know why, pero may kakaiba sa tingin ni Brenz.  Nasa photo kasi na habang nakapahalumbaba ako kanina ay mataman akong tiningnan ni Brenz. As always hindi ko mabasa kung anong iniisip niya habang nakatingin sakin. Pero I see a glimpse of seriousness. I don’t know pero parang iba ang tingin niya sakin dito kaysa sa kung paano niya ako tingnan.  “Mel, nakikinig ka pa rin bas akin?!” bigla naman ako nabalik sa katinuan ng sumigaw si Tri. “Ha?” nagtataka kong tanong. “Ha? Sa dinami-dami ng sinabi ko, ha lang sasabihin mo? Are you sure okay ka lang?”paninigurado niya. Sasagot na rin sana ako ng biglang may pumasok sa pintuan na nasa harap ko lang. Agad bumungad sakin ang nanlilisik na mata ni Brenz. Agad ko naman kinuha ang phone ko. “Talk to you later Tri.” Seryoso kong sabi sabay patay sa tawag namin. “Is it really normal to you na laging nasa balita?” kalmado niyang tanong pero kakaiba sa kung paano niya ako tingnan. Parang kahit anong oras kakainin niya ako. “I’m sorry about that, I’ll handle this again. Don’t worry.” Assurance ko sa kanya. Pero bigla akong napaatras sa kinauupuan ko ng dahan-dahan niyang itinukod ang dalawang kamay sa lamesa na nasa harap ko at inilapit ang mukha sa mukha ko. Pinagkrus ko naman ang dalawa kong kamay sa harap ng dibdib ko para hindi na siya makalapit sakin. “No need to do that. I think I’ll have fun with this.” Sabi niya saka nag-smirk sakin. Nangilabot naman ako sa ginawa niya. Kung iba sigurong babae ay siguradong kinikilig na sa ginawa niya, pero takot naman ang naramdaman ko. This man is really something. “What do you mean?” nagtataka kong tanong habang nakatingin sa mata niya. On the second thought, parang gusto ko nalang tingnan ang mukha niya lalo na ang mata niya ng ganito. It’s really eww but hey girl, now I know why the whole school said he’s handsome. Kasi ngayon nakita ko na ng malapitan ang mukha niya, I could see how perfect his face is. Mas makinis pa nga ata sa mukha ko. Bigla naman ako na-conscious na itsura ko. “Stop drooling, will you?” sabi niya habang may mapang-asar na ngisi sa mukha niya. Nabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya at agad siyang tinulak palayo sa akin. On the third thought, binabawi ko nang sinabi kong gwapo ang lalaking ‘to. “Drooling your face.” Irita kong sabi at agad na umayos ng upo. Mabuti nalang at naka-pants ako ngayon kaya komportable ako sa itsura ko. Ngumisi ulit siya and at this time gusto ko na talaga siyang sapakin. “And for your information, this situation is not for me.” Sabi ko habang nanglilisik ang matang nakatingin sa kaniya. “Suit yourself, anyway, I don’t really mind on what you think. The point is, it is fun for me.” Tanging sabi niya sabay alis ulit sa classroom. “It’s not fun, you idiot!” sigaw ko sa kaniya pero hindi na siya bumaling pa or nagsalita ulit. Sa halip ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad paalis. “Fun your face, impaktong mokong na akala mo kung sinong gwapo at pa-cool. Unggoy!” pahabol kong sigaw at wala akong pakielam kung marinig niya ‘yon. Ugh! Sirang-sira na talaga araw ko. “Lord.” Naiiyak ko ng sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD