Chapter 17

2278 Words
I’m doomed! Ilang Segundo lang din ang lumipas nang mahimasmasan na ako at kaagad na inayos ang sarili. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pinag-iisip ko ang ganoong mga bagay. Yuck…kadiri talaga. Ang dumi-dumi na ng utak ko. Aish! Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Agad naman tumambad sa akin ang ibang mga students na alam kong Political Science students din. ‘Yong isang lalaki halos katangkaran lang ni Brenz at may itsura din naman, infairness. Ang alam ko senior namin siya. Nakita ko na siya dati sa isang course party namin. Hindi naman sa marami kaming nag-eenroll sa course na ito, ang ilan kasi halos hindi mo na rin makita dahil sa laki ng school. May isa ring lalaki na sophomore naman. This time, kilalang kilala ko na. Paano ba naman kasi, anak din siya ng isa sa mga kaibigan nila mom sa showbiz. “Hello, good morning Miss Tuazon!” masayang bati ng dean sakin. “Good morning Madam.” Pagbati ko rin sa kanya. Tinuro muna niya ang upuan na kaharap noong dalawang mas bata sakin. May isang upuan lang kasi doon, habang si Brenz ay nasa harap ng table naka-upo pero may distansya mula sa amin. “I’m sorry if I interrupted you with your class,” paghingi ng tawad habang isa-isa kaming tiningnan. “Don’t worry Madam. Is there anything we could for you?” pagsasalita ko ng walang umimik sa tatlo. Lumiwanag naman ang mukha ng dean ng magsalita ako. Siguro ini-expect na niya na walang magsasalita sa tatlong lalaki. Gusto lang ata making. Naku! Mukhang mapapasubo ako nito ah. Masyado pa namang talkative ‘tong dean namin. Tsk tsk, “I’m sorry, iha. Hindi kita agad na-inform. Hindi ka kasi sumasagot kagabi kaya nag-alala ako o ‘di kaya ay busy ka,” natahimik naman ako sa sinabi ni dean. Tiningnan ko muna si Brenz. Naalala ko kasi ang kagagahan ko kanina at pag-iisip ng kung anu-ano. Haaayst! “Is there anything wrong, iha?” pansin ko ang pagtataka sa boses ni dean kaya agad akong napatingin sa kanya at ilang beses na tumango. Bakit feeling ko para akong tanga sa pinaggagawa ko ngayon. Napansin ko naman ang pag-iling nang senior naming at pagtawa ng konti nang katabi niya. Ang cute ahahahhaha. Habang wala naman imik si Brenz. “Nothing madam. So where were we?” pag-iiba ko agad ko usapan. “Oh…as I was saying, kayong apat ang napili ng department natin na mag-represent sa school ngayong darating na University Competition. Alam niyo na ang ibig kong sabihin, ‘di ba? Tatlong magkakasunod na taon na ang ipinalo ng unibersidad natin pagdating sa debate tuwing ganitong kompetisyon. Kayo ang napili namin dahil alam naman ng lahat na mas may alam at hasa na kayo sa ganitong kompetisyon,” bigla naman akong na-pressure na sinabi ng dean. Feeling ko sobrang bigat ng pinagagawa samin. “Si Carlos, pangalawang kompetisyon na niya ito dito.” Sabay turo niya doon sa senior namn. Ahhh Carlos pala pangalan niya. “At alam kong hindi na kayo magkaka-problema pa dahil nandiyan siya kung sakaling may kailangan kayo. Pero alam ko naman na kaya niyo na lahat. Pero, that does not mean, you don’t need our guidance and even a practice. Kapag um-oo kayo dito what you all need to do is read and read, practice and practice, debate and debate. All of those things for one month.” Ano kaya benefits namin kapag manalo kami? Hindi naman sa reward lang iniisip ko, but preparing for the competition won’t be that easy. Also, we need motivation. Okay lang naman kahit ano basta meron lang kahit 1 week vacation kapag manalo kami. Okay na okay na ‘yon. “Yes, iha?” “What else can we get from this competition, madam if ever we win?” sabay naman na napabaling ang tatlong lalaki sa akin. Siguro hindi nila inaasahan na itatanong ko pa iyon. Ngumiti naman ang dean at tumayo sa inuupuan niya. “Good question, iha. If ever you win into this competition, of course, you’ll have some incentives. A small token from the school kumbaga. But, we won’t tell it to you for now. So, go ba kayo?” Pa-intense naman ‘to si madam ohh ohh. “I’m in Madam,” Brenz said. “Me too,” Carlos. “And me,” the sophomore. “Good Vincent!” masayang tugon ni madam. Then, the four of them slowly turn their head to me. Like they’re waiting for my answer. Ang intense naman masyado ng mga tingin nila. Tiningnan ko ulit si madam and kita ko na pinipilit niya akong sumali dahil sa facial expression niya. Haaaays ano pa ng aba magagawa ko? Sasali naman talaga ako, opportunity na rin ‘to para ma-enhance pa lalo ang speaking skills ko. “I’m in.” nakangiti ko naman sabi kay madam. “Yes!” sigaw ni madam. Kailangan ba talagang sumigaw? Parang sobrang saya niya ata ahahhahahahha. Anyways, I’ll do my best for this competition. After kami kausapin ng dean ay agad na akong dumiretso sa next class ko. This time, hindi ko na kaklase si Tri, unfortunately, kaklase ko ‘yong isang paasa. Wait, did I say paasa? Wala naman talaga siyang ginawa. Ako lang talaga ‘tong umaasa. Still, may kasalanan siya duh. Ramdam ko naman na may sumusunond sa akin. Nang tumingin ako sa likod ko, nakita ko si Brenz na pa-cool na naglalakad sa likod ko. Nakasabit sa isa niyang balikat ang bag niya habang ang kamay ay abala sa cellphone niya. Masyado syang focus sa ginagawa niya, baka mabunggo siya niyan.   Pero duh, pakealam ko ba. Kasalanan niya ‘yan.  Ang bitter ko yata these days. Haayyss napipikon lang talaga ako kapag nakikita ko siya. Kahit anino niya hindi ko gusto e. ‘Di nga? E bakit affected ka masyado ka sakaniya? Haaays lumalabas na naman ‘tong inner self ko. Masyadong pakielamera.  Tumahimik ka nalang diyan. Ikaw ba ako? Aba oo. Sino ba ako kung hindi ako ikaw? Nalito naman ako sa sarili ko. Naku naku! Kulang nalang magsalita ako nang mag-isa. Tsk tsk. “Hey!” Rinig kong sigaw nang tao sa likod ko. Hindi ko kasi namamalayan na huminto na pala ako sa paglalakad. Naka-phone ang gung-gong kaya nabangga tuloy siya. “Ano ba! Dahan-dahan ka nga sa paglalakad,” angal ko sakaniya habang inaayos ko ang buhok ko na tumama sa dibdib niya. “Excuse me, Miss Tuazon. You’re the one who suddenly stopped walking, it’s your fault,” pangangatwiran niya. “Excuse me rin, Mister Rosales. Ikaw kaya ang gumagamit ng phone sa atin bahang naglalakad kaya hindi mo mapansin na huminto nasa harap mo.” Gigil kong sabi sa kaniya. Buti nalang at walang mga estudyante sa paligid naming dahil kung meron tsismisan na naman ang mga iyon.  “I’m using my phone because I’m in the middle of an important matter,” madiin niyang sabi. Pake ko ba kung important matter ‘yang ginagawa niya. Important matter din na binunggo niya ako, ano! “I don’t care if it’s important or not, sa susunod kasi huwag kang mag-phone habang naglalakad. Saka ang laki-laki ng daan bakit nakasunod ka sakin?” hirit ko sa kaniya. “I don’t care if I’m walking behind you too. I can walk wherever I want to,” pansin ko naman ang pagka-irita sa boses niya. I just rolled my eyes to him and mahinang bulong, “Palibhasa kasi influential ang family niya kaya akala mo kung sino.” “What?” pikon niyang tanong. Kumunot pa talaga ang noo e ‘no. In fairness gwapo pa rin. “Sabi ko bingi ka,” pinag-krus ko naman ang mga kamay at pekeng ngumingiti sa kaniya. “That’s not what you said.” Tinanong pa ako, ayaw niya rin naman pala maniwala. Tsk, ang hirap din utuin nito. “Wala, wala. Bahala ka nga diyan. Mala-late ako dahil sayo. Che,” inis kong sabi sa kaniya. Tumalikod na ako at naglakad ulit habang nakakunot din ang mga kilay. Nakakawala ng mood ang lalaking ‘yon e. Nabigla naman ako ng mga biglang tumakip sa dalawa kong mata. Ano na naman ba trip nitong lalaking ‘to? “Ano na naman ba trip mo ha, Brenz!?” pasigaw kong tanong sa kaniya sabay hawak sa kamay niya na nakatakip sa mga mata ko. Pero nang hawakan ko na ang kamay niya, napansin ko na masyadong maliit ang kamay na nakatakip sa akin at mas soft. Teka… “Brenz?” ramdam ko ang pagkagulat at pagtataka sa boses niya. …si Trina. Kinuha naman niya ang kamay niya mula sa mata ko at agad akong iniharap sa kaniya. I’m doomed again! “Hoy babae, akala ko ba walang something na nangyayari sa inyo ni fafa Brenz? Bakit name niya agad sinabi mo nang takpan ko mata mo, ha?” nagtataka niyang tanong sakin habang naka-krus pa ang mga kamay sa harap. Pagkatapos nang nangyari kanina ay biglang nag-ring ang bell dahil may biglaang meeting ang mga teachers para sa mangyayaring competition next month. Ang dami ding swerte ng pinsan ko at ako naman palaging malas. Matutusta ako ng buhay nito, e.   Pahamak talaga ‘yong lalaking ‘yon. Kahit pangalan niya, napapahamak na ako. Pero, bakit biglang nawala ‘yong lalaking ‘yon? Nasa likod ko lang siya kanina. Ang bilis naman niyang maglakad. “Ano!?” nabigla naman ako ng bigla niyang pinalo ang dalawang kamay niya sa lamesa. Nandito kami ngayon sa field. Marami rin ang mga estudyanteng nakatambay ngayon kasi nga lahat ng teachers and faculty kasama sa meeting.  Napatingin naman ang iilan na nakarinig sa ginawa ni Trina. Masyado talagang eskandalusa ‘tong babae na ‘to. “Sorry, sorry,” paghingi niya ng tawad sa ibang estudyante na naistorbo sa ginawa niya. Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sakin at pinalo ang balikta ko, “Aray! Sinisi mo pa talaga ako.” “Tsk. Napasigaw kasi ako dahil sa iyo e.” Mahina na niyang sabi sakin pero may halo pa ring pagka-inis. “Alam mo, hindi naman ako magagalit kong maging kayo ni Brenz. Pero diba dapat alam ko kasi ako ang cousin mo and…” agad ko naman tinakpan ang bibig niya at kung ano pa lumabas na hindi dapat. Pinandilatan ko naman siya bago niya inalis ang kamay ko sa bibig niya, “Okay, okay. Tatahimik na.” Mabuti naman. Kung anu-ano kasi sinasabi, wala namang katotohanan. Baka may makarinig, akalain pa nila na totoo sinabi ni Trina,e hindi naman. Baka g**o lang ulit dala noon. “Kung anu-ano pinagsasabi mo. Fake news naman, tsk tsk.” Sabi ko sa kaniya kasabay nag pag-iling ko. “Oo na. So, ano nga ang nangyari? Bakit si Brenz agad tinawag mo kanina?” nagtataka niyang tanong sakin. “Nag-away na naman kasi kami kanina before ka dumating. Kaya akala ko talaga ikaw ay si Brenz kanina at akala ko pinagti-tripan na niya namana ko,” pagpapaliwag ko sakaniya. “Ahh, kaya pala. Palagi na kayong nag-aaway ng lalaking ‘yon ah. Pero noong ibang araw okay naman kayo diba. Sabi mo pa nga mabait siya dahil nag-usap kayo noon sa welcome party ng lolo niya,” pag-eexplain niya habang may kasamang paggalaw ng mga kamay niya. “Noong time na ‘yong lang. Tsk, hindi na ako nagtataka pa. Baka nga nakainom lang siya kaya ganon. O ‘di kaya that’s his way of saying sorry dahil sa ginawa ay pinagsasabi ng lolo niya sa akin. I’m sure he was just guilty dahil doon,” mahina kong pagpapaliwag din sa kaniya. Tinitigan naman ako ng maigi ni Trina, “Bakit parang malungkot ka ata? Sabihin mo nga sakin, do you like Brenz? Not as a friend or as a classmate, do you see him as a man?” Nagulat naman ako sa mga binitiwan niyang mga tanong. Alam ko naman na palagi na niyang tinatanong sakin ‘yon dati. But now, I could feel that there’s a hint of worries in his voice. She knows everything about me dahil para na rin kaming kambal dalawa at palaging makasama. She knows me. And what I’m thinking right now, I know she knows everything. “I…I…I…” tiningnan ko naman siya ng mabuti. And I want to tell her what I feel right now, pero kahit ako hindi ko rin alam. O baka alam ko na ang sagot pero ayaw ko lang din aminin dahil takot akong umasa at masaktan. “You know I can’t,” tanging sagot ko sa kaniya. Bigla naman lumungkot ang mga mata niya sa sinabi ko. “You can’t…but I know what’s stopping you. Alam mo Mel, maybe he’s the answer to all your questions. Maybe he’s the solution to every problem you have. Baka siya ang kayang pumuno sa lahat ng kulang na nararamdaman mo,” malungkot niyang sabi sakin. “I can’t…we can’t. At kung sumugal ako, susugal din ba siya? Paano ako makakasigurong pareho kami ng nararamdaman? It’s too late Trina. I’m like this now, and I can’t,” tanging tugon ko sa kaniya. If I play all my cards, tell all of my problems, pains and worries to him…if I tell him about me, would he like me? I doubt that. It’s too late for me to love anybody now. My life is different from others. Gusto kong umiyak but I can’t. Parang kanina lang, I’m happy and then suddenly naging ganito. Sanay na rin naman ako. This is my life. But, it doesn’t mean sinisisi ko ang Diyos dahil sa buhay na meron ako. I just live like this…unhappy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD