NAALIMPUNGATAN si Archie ng may bahagyang humahaplos ng kaniyang mukha. Her eyebrows furrowed as she slowly opens her eyes. Nasisilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Kinusot niya ang kaniyang mga mata pagkatapos ay dumako iyon sa lalaking nasa kaniyang tabi. Ang nakangiting mukha ni Chase ang kaniyang unang nakita nang iminulat niya ang kaniyang mga mata. Archie’s face immediately turns red at the sight of her husband staring at her. Maaliwalas ang mukha ng lalaki at tila naaaliw na panoorin siya habang natutulog. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam siya ng pagkahiya sa uri ng tingin nito sa kaniya ngayon. Napasinghap siya nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang kanang pisngi gamit ang kaliwa nitong kamay para lang iharap muli sa gawi nito. Nang tingna

