“CHASE… saan ba kasi ang punta na ‘tin?” tanong ni Archie sa lalaki. Kasalukyan na silang nasa Gapyeong Station ng lalaki. Ito na ang panglimang train station na sinakyan nilang dalawa mula ng makaalis silang dalawa sa bahay nito sa Myeongdong. Nalilito na siya kung saan ba talaga sila pupunta at kailangan pa nilang mag-commute. Magdadalawang oras na silang bumabiyahe ngunit hindi naman nito sinasabi kung saan talaga ang punta nilang dalawa. Walang imik ang lalaki na ikinapagtataka niya. Nagsimula mawalan ng imik ang lalaki ng matapos sila sa pagkain. Sa isang iglap ay bigla na lang itong bumalik sa pagiging seryoso na para bang may kung anong gumugulo sa isipan nito. Wala itong ibang ginawa kun ‘di ang hilahin siya. Though their intertwined hands felt nice. Archie decided to stop walk

