KANINA pa gising si Archie ngunit wala siyang gana na tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nanatili siyang nakatulala sa kisame na para bang may magandang bagay na naroon. Ayaw niyang lumabas ng bahay dahil alam niya na walang sinoman ang mapagkakatiwalaan sa loob ng bahay. Isa pa ay wala doon si Chase, nagpaalam kasi ito sa kaniya ng madaling araw na may pupuntahan sa Myeongdong. Hindi na niya inusisa pa kung saan dahil masama pa rin ang loob niya sa hindi nito pagtitiwala sa kaniya. It was already three days after she'd been sick at fully recover na rin siya ngayon with the help of her husband. Nagpakawala siya ng isang mahinang buntong hininga. Lubos na ikinapagtaka ni Archie ang biglang pagbabago ng lalaki mula ng gabing magkasakit siya. Hindi pa rin niya matukoy kung ano ba ang tunay

