Chapter Two

4439 Words
NAALIMPUNGATAN si Archie dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at agad na bumungad sa kaniya ang kuwarto kung saan pinagsaluhan nilang dalawa ng kaniyang Kuya Chase ang isang mainit na gabi. Sinubukang umupo ni Archie mula sa pagkakahiga pero bigla siyang napaigik sa sumidhing kirot sa pagitan ng kaniyang mga hita.   Ouch! Ganito ba talaga kasakit ang unang pagtatalik? O sadyang malaki lang talaga 'yung kay Kuya Chase? Sabagay kahit na hindi ko masyadong nakita ang bagay na nasa gitna ni kuya ay ramdam ko. Malaki!   Marahas niyang iniiling ang kaniyang ulo at kinastigo ang sarili sa biglang naisip.    Pakiramdam niya ay pulado na ang kaniyang mukha sa naisip na iyon kahit na totoo naman talaga na malaki 'yung 'ano' ng kaniyang kuya. Ipinaling niya ang kaniyang tingin sa bintana ng silid. "Mataas na ang sikat ng araw."    Napangiti siya kapagkuwan ay dumako ang kaniyang tingin sa kaniyang tabi. Agad na bumalot sa kaniyang puso ang kalungkutan dahil wala na ang lalaking inaasahan niya na naroon. Napabuntong hininga na lang si Archie kapagkuwan ay napailing. Bakit ba umasa pa siyang naroon ang lalaking umangkin sa kaniya ng nakaraang gabi. Her kuya Chase was so mad at her and the only reason why that thing that happened between him and her was because of alcohol influence. She heaved a sigh again. Bagamat nahihirapan sa paggalaw ay pilit na tumayo pa rin si Archie saka nagtungo palapit sa isang salamin na nasa silid. Pinagmasdan niya ang kaniyang buong katawan. Bumalandra sa kaniya ang mga pasa at hickeys na ibinigay sa kaniya ng lalaki. Hinaplos niya ang mga ‘yon. Napakarami lalong-lalo na sa kaniyang bandang dibdib. Ang resulta ng kaniyang pinapangarap na pulot-gata. You are silly, Archie. Hindi mo dapat i-consider na honeymoon ang nangyari sa inyo ni Kuya Chase. Honeymoon is only foe couple who love each other at hindi kayo qualified doon.   Dumako ang kaniyang tingin sa pintuan nang magbukas iyon. Ang buong akala niya ay ang lalaki ang iluluwa n’on pero nagkamali siya. Ang kasalukuyang nasa may pintuan ay ang mayordoma sa mansyon ng lalaki. Si Nanang Tess. Nanlaki ang kaniyang mga mata kapagkuwan ay dali-daling tumakbo sa kama saka nagtalukbong ng kumot.   “Nanang Tess.”   Matagal na itong nagtra-trabaho sa bahay ng kaniyang Kuya Chase. Nakilala na niya ito ng minsang samahan niya ang kaniyang Ate Marcella nang dalawin nito ang fiancé nang minsang na magkasakit ito. Noong una niyang kita sa matandang lalaki ay nakaramdam siya ng takot dito para kasi itong strikto at masungit, in short parang si miss Minchin at hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang takot sa matanda pero mali siya. Sweet ito at maalaga. Natutuwa siya rito dahil lagi siya nitong binibigyan ng cake at tea kapag nagkikita silang dalawa.   "Gising na po pala kayo, madame. Pumasok na ako sa pag-aakalang tulog pa kayo," seryosong bati nito sa kaniya. Hindi siya nakaimik. Pakiramdam niya ay nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Naging mailap din ang mga mata nito na tila ba ayaw siyang tingnan. Makalipas nang ilang segundo ay narinig niya ang pagtikhim ng matandang babae. Tumingin din ito sa kaniya ngunit walang mababakas na emosyon sa mukha nito tulad ng una niya itong nakita. "Inutusan ako ni Master Chase na dalhin ito sa'yo kapag nagising ka na," pormal na saad nito. Doon lang napansin ni Archie ang dala nitong palanggana. Lumapit ito sa kaniya at saka inilapag nito ang dala sa side-table.   "Pinapasabi ni Master Chase na dampian mo ng maligamgam na tubig ang katawan mo. H’wag ka munang lumabas ng kwarto. Dadalhan na lang kita ng pagkain. Kung may kailangan ka, tumawag ka lang sa intercom at dadating ako." Matapos na sabihin niya 'yun ay umalis na rin ito.   Lihim na napangiti ng matamis si Archie nang mapatingin ulit sa palanggana. Hinaplos ang kaniyang puso sa isiping nag-aalala ang kuya Chase niya sa kaniya. Nag-aalala ito sa kaniya dahil kun ‘di ay bakit pa ito mag-aabala na mag-utos?   "Sana ay nahimasmasan na siya at hindi na galit sa akin," mahinang usal niya sa sarili. Inialis niya ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan. Kinuha niya ang bimpo na nasa bowl saka sinimulan ang pagpahid nito sa kaniyang katawan partikular sa pagitan ng kaniyang mga hita. Muli niyang naalala ang nagdaang gabi. Napakarahas nito habang inaangkin siya. Patunay ang mga naiwan nitong mumunting pasa sa kaniyang katawan. Ito ang patunay sa nararamdaman nitong sa kaniya. Galit.   Hindi na siya nagtaka dahil kahit pa nang matapos ang kasal nilang dalawa kahit na kaharap ang mga bisita pinaparamdam na nito ang galit sapamamagitan ng madiin na pagpisil sa kaniyang tagiliran habang yakap yakap siya nito. Sa panlabas na tingin maaaring akalain ng mga tao na napaka-sweet nila sa isa't isa pero hindi peke ang lahat ng ‘yon. Ang akala niya ay walang mangyayari sa kanila nang makauwi sila sa bahay nito dahil wala itong imik nagtungo sa mini bar ng bahay   Pagkatapos makalipas ng ilang oras ay ginising siya nito mula sa pagkakahimbing at nangyari na ang nangyari. Narinig niya ang muling mga pagkatok mula pintuan. Marahil ay si Nanang Tess na naman ito dala ang kaniyang pagkain. Ibinalot niyang muli ang sarili gamit ang kumot kapagkuwan ay nagsalita.   "Pasok ho."   “Madame, ito na ang almusal mo,” seryosong wika nito nang pumasok ito sa pintuan ng silid dala ang isang tray ng pagkain. Medyo nailang si Archie dahil hindi ito sanay na pinagsisilbihan kahit na kasi may kaya rin ang kaniyang pamilya ay nasanay itong pagsilbihan ang sarili. "Maraming salamat ho,” aniya kapakuwan ay tumikhim saka alinlangan na tinapunan ng tingin ang matanda. “Ahm. Nanang Tess saan po pala nagpunta si Kuya Chase?"    Walang emosyon siyang tiningnan ni Nanang Tess saka ipinagpatuloy nito ang ginagawang pagsisilbi sa kaniya. "Pumasok na kanina pang alas-7 si Master Chase sa opisina. Masanay ka na dahil gan’on na talaga ang routine niya mula pa noon. Kung wala ka ng ipag-uutos ay aalis na ako," paalam nito saka dinala na paalis ang palanggana. Nang lumapat ang pintuan ay pinagtuunan niya ng pansin ang inihanda nitong pagkain.   ALAS-SAIS na ng gabi ng marinig ni Archie ang isang busina ng kotse mula sa labas ng mansyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa study-table na nasa loob ng silid nilang dalawa ng lalaki kapagkuwan ay nagtungo sa veranda upang tingnan ito. Tulad ng sinabi ng mayordoma na utos ng kaniyang kuya Chase ay hindi siya lumabas ng kuwarto at nanatili lang siya sa loob. Nang oras na ng tanghalian dinalhan ulit siya ng mayordoma ng makakain. Mabuti na lamang at may mini library ang lalaki sa loob ng silid nito kung kaya ito ang pinagtuunan niya ng pansin para hindi maburyo. Nagbasa siya ng libro buong maghapon.   Umusbong ang munting kasiyahan sa kaniyang puso ng makita ang isang pamilyar na bulto ang lumabas mula sa back seat ng kotse. Lumapit ito sa driver at saka bahagyang tinapik ang balikat nito. Tumango naman ang driver pabalik dito tapos ay umalis. Nang makitang pumasok na ang lalaki sa bahay ay bumalik na rin siya sa loob ng kwarto. Humarap siya sa whole body mirror at inayos ang kaniyang buhok at ang kaunting gusot sa suot niyang bistida na inihanda sa kaniya ni Nanang Tess nang maligo siya. Nang makuntento sa pag-aayos ay umupo siya sa kama at hinintay ang pagpasok ng binata sa silid.   "Welcome home kuya Chase," ngiting aniya ng bumukas ang pinto at iniluwan n’on ang isang pagod na pigura ng lalaki. Kahit na mukha itong pagod ay hindi pa rin nawawala ang awtoridad na isinisigaw ng postura nito at ang kagwapuhang taglay nito. Pinanlandasan lang siya ng tingin ng lalaki kapagkuwan ay tumaas ang sulok ng labi nito sa kaniya. Ang kaninang saya at pag-asa sa puso ni Archie ay muling napalitan ng takot. Alam niya sa ngise na 'yon hindi pa nawawala ang galit nito sa kaniya, na hindi pa bumabalik ang dating Kuya Chase na kilala niya. Bakit pa kasi umasa pa akong mahihimasmasan si Kuya Chase?   "Kung umasta ka parang isang butihing asawa pero ang tawag mo sa akin ay kuya?” puno ng sarkasmong saad nito. Ang ngiseng makikita sa mukha ng lalaki ay naging seryoso. “Don't put s**t on me, Archella." Nilukob ng matinding takot ang pagkatao ni Archie dahil bagamat nakangise ang lalaki ay mababakas sa boses nito ang ang pagbabala. "Mag-ayos ka! Aalis tayo," blangkong utos nito sa kaniya. Nangunot ang kaniyang noo.   "S-saan tayo pupunta?" mahinang tanong niya habang nakatungo. Hindi niya kayang tingnan ang binata gayong bakas sa mukha nito ang galit. Galit sa kaniya. She heard him sighed in frustration. Napasinghap siya ng biglang hawakan siya nito ng mahigpit sa kaniyang braso. Hinapit siya nito papalapit na halos isang inch na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.   "Ang ayaw ko sa lahat ay kinu-question ako. Just do what I told you b***h. May 15 minutos ka lang para makapagpalit at huwag na huwag mo akong pag-iintayin kung ayaw mong nalintikan," galit na saad nito saka ibinato sa kama ang isang box at padabog na isinara ang pintuan at umalis. Iniwan siyang nakatulala at nag-iisa. Mabilis na ipinahid ni Archie ang bumadyang luha sa kaniyang pisngi. Ano ba Archie! Parang ‘yon lang iiyak ka na? Tatagan mo lang ang loob mo. Narito ka na. Gawin mo na lang para sa pamilya mo.   Napasinghap siya ng binuksan niya ang itinapon nitong box sa kama ng makita niyang naglalaman iyon ng itim na dress. Sa isang party ba kami pupunta? Hindi na nag-aksaya pa ng minuto si Archie. Ayaw niya nang dagdagan ang galit ng lalaki sa kaniya. Isinuot niya ang damit na bigay sa kaniya ng lalaki at saka naglagay ng light make-up sa kaniyang mukha at dahil jewel neckline ang dress kinailangan ko rin na takpan ang naka-exposed na mga pasa sa kaniyang mga braso. Nang matapos siya ay bumaba na siya para harapin ang kaniyang kuya Chase.   Hindi pa man siya nakakailang hakbang pababa ay pakiramdam niya ay matutunaw siya sa paraan ng pagtingin sa kaniya ng lalaki mula sa sofa kung saan ito prenteng nakaupo. His eyes bore unto her like his melting her through his gaze. Hindi niya mahulaan kung ano ang nasa isipan nito habang inoobserbahan ang kaniyang pagbaba ng hagdan.   "Ready na ako," nahihiyang aniya nang tuluyan siyang makalapit sa harapan ng lalaki. Walang emosyon na tumango lang ito sa kaniya saka inilapag ang hawak nitong libro kapagkuwan ay hinila siya palabas ng bahay kung saan nakahanda na ang sasakyan niya ni hindi man lang sila nakapagpaalam kay Nanang Tess.   Sa loob ng buong biyahe ay wala ni isang umimik sa kanila. Kaya hindi pa rin niya alam kung saan talaga ang punta nila. Nakakaramdam na rin siya ng gutom dahil kaunti lang naman ang kinain niya nung lunch tapos ay hindi naman siya nagmeryenda at hindi pa rin siya kumakain para sa dinner dahil gusto niya na sabay silang dalawa ng lalaki. Hmm... Siguro naman ay sa labas kami magdi-dinner ni Kuya Chase. Just like on a date, friendly date. Nakaramdam siya ng excitement pero hindi sa isang restaurant sila huminto kung hindi sa isang studio. Napamaang siya sabay tingin sa katabing lalaki samantalang may nagtatanong na mga mata.   "An’ong g-ginagawa na ‘tin dito?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Madilim siyang tinitigan ng lalaki pagkatapos ay nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. "The CEO of this studio ask me a favor to have an interview from us so, you better show off your best smile here and don’t make any mistakes,” wika nito saka lumabas ng kotse. Nagpalabas si Archie ng marahas na buntong hininga saka nagdesisyon na lumabas ng kotse at sundan ang kaniyang kuya kung saan sinalubong siya ng mga nakasuot ng itim na babaeng may suot na itim na mga sun glasses. Kung titingnan ang mga ito ay parang miyembro ito ng mga high bodyguard ng isang may mataas na tungkulin sa gobyerno.   Iginiya siya ng mga ito sa isang dressing room at sinabihan na mag-intay sa oras na tatawagin na siya. Hindi niya alam kung nasaan na ang lalaki dahil bigla na lang itong nawala. Inihahanda ng mga make-up artist ng isang sikat na TV program. Ayon sa kaniyang narinig mula sa mga staff ay may scheduled interview ang Kuya Chase niya dahil sa napabalitang kasal nila. Pinagpapawisan ang kaniyang mga kamay dahil sa tensyon na nararamdaman. Taliwas sa sinabi sa kaniya ng lalaki kanina ay ayaw na ayaw niya ang atensyon ng ibang tao. Hindi siya sanay at 'yon ang kinatatakot niya para mamaya. Paano kung may masabi siya na hindi pala dapat sabihin kapag tinanong siya? Hindi lang ang mga magulang at ang ate niya ang mapapahiya pati na rin ang kuya Chase niya.   "Hello!" napabaling ang kaniyang tingin sa isang napaka-eleganteng babae na nakadungaw sa pintuan ng dressing room. Kilalang kilala niya ang babae dahil ito ang pinakasikat na anchor sa buong bansa ngayon dahil sa husay nito sa kaniyang field. "Hi!" simpleng bati niya. Pumasok ang babae at saka kinuha ang isang upuan at inilagay ‘yon sa harapan niya at naupo roon.   "Ako nga pala si Sierralaine.” She grabbed her hands so suddenly that it startles her and shake it na para bang binibigyan siya ng lakas ng loob. “By the way, Ako ang mag-iinterview sa inyo mamaya. I just passed by and saw you. You looked tense kaya nilapitan kita.” Binigyan ni Archella ang babae ng isang alaganing ngiti. Gan’on na ba kahalata ang nerbyos ko?   "Well a little. Basta be yourself na lang. Imagine that we are just having a normal conversation. Just be yourself. Anyways mga simpleng tanong lang naman ang itatanong ng mga kasama ko mamaya," sagot ng babae sa kaniya na lalong nakapagpangiwi sa kaniya. Mukhang nasabi niya ng malakas ang kaniyang nasa isipan. Archie covers her mouth before speaking. "Sorry, I didn't intend to say that out loud."   "Nah, Its okay. Normal lang naman kabahan lalo na kung first time mo. So, paano see you again in a minute. Don’t worry about what will happen," pagpapaalam nito. Napangiti na lang si Archie dahil lumapit pa ito mismo para lang pakalmahin siya. Mabait din ang babae at mukhang masarap maging kaibigan.   "Ma'am, we will start na po. Hinihintay na po kayo ni Mr. Yu sa studio room," anunsyo sa kaniya ng isang staff kung kaya tumayo siya at sumama dito. She saw Chase waiting for her and as usual walang emosyong ang mababakas sa mukha nito sa tabi nito ay nakaupo naman ang babaeng nakilala nito sa dressing room. Inilahad ng lalaki sa kaniya ang kaliwang braso nito ng tuluyan siyang makalapit dito at saka sinenyasan siya na humawak roon. Archella bit her lower lip nang igiya siya nito papasok sa loob ng conference meeting. Okay, you can do it, Archella Cindryl Benitez. Just be yourself.   Nasilaw agad si Archie sa mga ilaw mula sa mga camera na nasa loob ng silid at ang mga staff na naroon. Kung hindi lang sana siya nakahawak sa braso nito ay baka kanina pa siya tunaw sa dami ng mga matang nakatingin sa kanilang dalawa. She felt unease about the attention she's getting. Iginiya siya ni Chase pang-isahan na sofa malapit sa host ng palabas. Sumenyas ang director sa kanila pagkatapos ay narinig niya ang senyales na nagsimula na ang palabas.   “Welcome sa Minute balita! We are really lucky to have an interview sa viral couple ng taon. Let’s welcome the newly wed, Mr. Chase Sebastian Yu and Mrs. Archella Cindryl Benitez-Yu.” Tinapunan sila ng tingin ng babaeng host kapagkuwan ay binigyan sila ng matamis na ngiti.   "Thank you for attending my this evening segment,” pasasalamat nito sabay yuko ng bahagya bilang paggalang. Ganoon din ang ginawa ng lalaki rito. “It’s our pleasure to be in this show. Though I will appreciate it if we start the question so that my wife and I could immediately return home and have some time alone together,” ani nito saka tumingin sa kaniya na may mga ngiti sa labi ngunit wala namang emosyon ang mga mata. Gustong mapangiwi ni Archella sa sinabi ng lalaki sa host ng palabas ngunit pinigilan niya dahil sa mga camera na nakatutok sa kanila. Nagpakawala anh babaeng host ng isang munting tawa. Tumingin ito sa kaniya at binigyan siya ng munting ngiti.   “Of course… everyone knew about the wedding of the year and we patiently waited for it but to our surprise everything turns out to be in contradiction of our expectation. We all knew that you have a relationship with Ms. Marcella Sky Benitez, your wife's sister so we are really surprise about the sudden twist. Can you explain to us how that happened? We really want to know."   Natigilan si Archella sa naging tanong nito saka alanganing tumingin sa katabi upang tingnan kung may pagbabago ba sa emosyon na ipinapakita nito… pero wala.   Pormal na pormal ang postura nito sa harap ng maraming tao. Umaapaw ang self-confidence. Kitang kita ang confident nito sa harap ng mga press. Tumingin si Archie sa babaeng host. Inaasahan na niya na isa ito sa tatanungin ng mga press ngayong gabi. Dati kasi ay ang kaniyang ate at ang lalaki ang pinakasikat na couple mula nung magsimula ang mga ito na mag-date in public kaya natural lang na magtataka ang madla kung bakit siya ang pinakasalan at hindi ang ate niya. Ipinaling niyang muli ang kaniyang tingin ang sa lalaking katabi.   "Anong isasagot mo sa tanong, Kuya Chase?" tanong niya sa kaniyang sarili ng biglang sumagi sa kaniyang isipan na baka sabihin nito sa shoe ang ginawa ng pamilya niya. It would be disastrous if it happens. Hindi ba't sinabi nito na gagawin nitong miserable ang buhay niya sa ginawa ng kaniyang pamilya? Lalong kinabahan si Archie ng muli nitong inilapit ang bibig sa microphone bago nagsalita. "All I can say is suprises add colors to the world. Yes, her sister and I was the first one to be engaged dahil na rin  sa kagustuhan ng aming mga magulang but that was in the past now," balewalang sagot nito. Ilan pang sandali ay hinawakan nito ang kaniyang kamay at inilagay iyon sa lamesa upang makita ng mga tao kasabay no’n ay ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. She looks at him as he tells lies to the press. "After I met my sweet Archella, everything changes. I fell for her sweet charms, her humor and to her sweet scent," dagdag nito na siyang lalong nagkapagpaligalig sa kaniyang dibdib. No. it’s all a lie, Archie. A lie.   She sighed. I know it… but why it still makes my heart flutter? "So you are saying that the first time you met your wife, you fell out of love to her sister?"   "We can say that. I guess that happens when the relationship founded by an arrange marriage. It can easily be broken.  Her sister knew it and we settle that before parting our ways. So there's no rancor," puno ng kumpyansang sagot muli ng Kuya Chase niya and honestly, she felt ease sa naging sagot nito. Ang buong akala niya ay sasabihin na nito sa lahat ang totoong nangyari.   "I know a lot of people was disappointed by now dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Ms. Marcella. They really thought na bagay na bagay kayong dalawa. You were a perfect couple back then not that I say na hindi kayo bagay ni Mrs. Yu,” komento nito.   Hindi maintindihan ni Archie kung bakit nakaramdam siya ng munting kirot sa kaniyang puso sa narinig. Totoo naman ang sinabi nito. Sa katunayan ay isa sya sa mga kinikilig sa lovestory ng dalawa. Kaya bakit siya nakakaramdam ng sakit ngayon? Mariin niyang iwinaksi ang bagong damdamin dahil tiyak makakagulo lamang ‘yon sa kaniya.   "I guess that’s the power of love. It can change someone in a blink of an eye. Come on guys! We can't undo it anyways. Let’s all forget about it and live in the present. After all, I'm happily in love with my wife now."    Nabigla si Archella ng bigla na lang ipinulupot ng lalaki ang kanang braso nito sa kaniyang likuran as if he was hugging her.   Napamaang na lang siya sa mga kasinungalingang lumalabas sa bibig nito. Though it was convincing sa mga taong hindi alam ang tunay na lagay nila. Ganito ba talaga ito kagaling sa pagsisinungaling?   "If you said that there's no rancor, why we don't see Ms. Marcella on the wedding? Ibig sabihin ba nito ay may hinanakit pa rin ang dati mong kasintahan kaya hindi ito pumunta sa kasal ng nag-iisang kapatid niya?"   "No, thats not it. Before the wedding Marcella said good bye to us dahil may importante itong gagawin sa araw ng kasal namin, she flew to Hongkong for some sort of project on her career but after the wedding we had a video call from her saying her congratulation to us."   Marami pang itinanong ang host ng palabas. Mostly ay tungkol sa naging preparasyon ng kasal. Ang iba ay tungkol naman sa mga business ng lalaki. Hindi nga malaman ni Archie kung sadya ba ang tanong ng host dahil puro tungkol sa mga memories ng lalaki kasama ang ate niya ang tanong ng mga ito. Kapansin pansin naman ang kislap sa mga mata ng kuya Chase niya sa tuwing ang ate niya ang pinag-uusapan samantalang siya ay puro ngiti lang sa gilid ang ginawa. Not that she wanted to be asked and to complain pero sana ay hindi na lang siya dinala roon ng lalaki. Sana nasa bahay na lang siya hindi sana ay nakakain na siya ng dinner kanina pa kasi kumukulo na talaga ang tyan niya sa gutom.   "My question is for the wife." Natigilan si Archie sa pag-iisip ng pagkain ng marinig niya ang sinabi ng babaeng host kung kaya napatingin siya rito. All of the sudden, she felt cold sweat started to form on her forehead.   "So how do you feel now that you are Mrs. Chase Sebastian Yu? I mean can you tell us your feelings at this moment. Since this interview started we heard of Mr. Yu's side on how he loves you and now it’s your turn." Napabaling ang kaniyang tingin sa kuya Chase niya na natahimik din. Ang kaninang puno ng emosyon na makikita sa mga mata nito habang pinag-uusapan ang kaniyang ate ay bigla naging malamig hanggang sa tuluyan ng mawala ang emosyon rito. Again ano pang inaasahan mo Archie? You're not ate Marcella...   She tried her best not to sigh as she grabs the microphone. Bahala na...   "I am happy that's all I can say,” panimula niya. Naramdaman niya na ang paninigas ng katawan ng katabi. Marahil ay hindi nito inaasahan ang sinagot niya. "I am happy to be Chase's wife. Finally, I can spend my life with him and serves him with all my heart since he is really important for me. I’ll cherish him wholeheartedly."   A chuckled escape from her lips as she again continues. "He is my ideal man after all and I feel lucky having him as my husband now. That's makes me a happy bride," saad niya which is partly true. Since he dated her sister. She dreamed of finding a man who will love her the way he loves her sister and that if she finds him, she wants to serve him because she cherishes him kaya natural ang pagtawa niya kanina, she just can't help it.   There was a silence after she answered. Tiningnan niya si Sierralaine na nakangiti lang din sa kaniya na tila ba satisfied sa naging sagot niya. Tumagal pa ang interview ng 30 minutos bago ‘yon natapos. Mula nang sumagot siya ay nag-iba na rin ng mood ng lalaking katabi na para bang nawala na ito sa focus. Tahimik din ito sa buong biyahe nila hanggang sa makarating sa bahay. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Archie kung may nagawa ba siyang mali. "Manong, mauna na ho kayo sa loob," seryosong utos niya sa driver. Tumango naman ito at saka lumabas ng sasakyan. Akma na rin sana niyang bubuksan ang pinto nang pigilan siya ng lalaki sapamamagitan ng paghawak nito sa kaniyang braso. "Binigyan na ba kita ng permisong umalis," mahinahon ngunit may pagbabantang ani ng lalaki sa kaniya. Doon muling umusbong ang takot ni Archie sa lalaki.   "I should have known better that you are a great artist," anito sabay higpit sa pagkakahawak sa kaniya. Napaigik siya sa sakit na nagmumula sa pagkkakahawak niti. Archie is hurting but no words comes out from her mouth. She feels like her tongue is tied.    “You feel happy? Now it confirmed my assumption. Kasabwat ka ng mandaraya mong pamilya para ipakasal sa akin… Itinago niyo sa akin si Marcella!" sigaw nitosabay hapit sa kaniyang katawan papalapit sa katawan nito. He grabbed her another hand at ngayon ay wala na siyang kawala.   "K-Kuya C-Chase n-nasasaktan na ako..." Finally, words came out as she struggles for her escape but unfortunately the man won't listen to her.   "What's wrong? You said you're happy being my wife tapos ngayon tinatawag mo akong kuya!"   "Kuy-" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng walang pasabi nitong siniil ng halik ang kaniyang labi. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa biglaan nito pagkilos. Ang pangahas na halik ay tumagal ng ilang segundo.   "Call me f*cking kuya again at hindi lang 'yan ang aabutin mo sakin,” pagbabanta nito. "At ito ang tatandaan mo! Kahit kailan hindi mo mapapalitan si Marcella! Hindi ikaw ang gusto kong maging asawa! You're nothing but a dirty and fraudulent woman to me nang dahil sa'yo miserable ako ngayon!” galit na saad nito saka siya itinulak palayo. Her back hits the side door of the car pero parang wala lang iyon sa lalaki. His deadly eyes bore into her. “Sisiguraduhin ko na mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko!"    Galit itong lumabas ng kotse saka padabog na isinara ang pintuan. Sa muling pagkakataon ay naiwan na naman siyang nag-iisa. Nanatili siya sa loob ng kotse at hinayaang maglandas ang mga luhang lumalabas sa kaniyang mata. Umaasa na kaya nitong pawiin ang sakit na nararamdaman niya.   "A dirty and fraudulent woman." Napangiti siya ng mapait. Am I really like that? Hmm... siguro nga. Ganoon ako.   "A dirty woman."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD