C a p í t u l o D o c e

1715 Words
Bakit may ganto ang library?! Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagkahulog doon sa daanan na mukhang hagdanan pa, dahil wala akong makita sa sobrang dilim ng paligid. Para akong bolang nagpagulong-gulong pababa, hanggang makarating ako sa dulo. "Takte naman! Ano ba namang bahay 'to!" I cursed. Ang sakit ng katawan at ulo ko! At wala pa akong makita! Ano ba naman kasing trip ng may-ari bakit linagyan ng ganto?! Asan ba ako?! "Bakit kasi walang binigay man lang na mapa sa amin, baka mamaya, wala na pala ako sa mansyon, baka kung asan na ako. Bad trip talaga oo." I immediately took out my phone and turned on the flashlight. I was planning na umakyat ulit gamit ang hagdan pataas, kaso nakita ko sarado na ang lagusan. Ano ba yan. Saan ako dadaan pabalik nito? Teka, tawagan ko na lang si Kim or George, papasundo na lang ako dito-- "Shemay. Walang signal. ANO BANG KAMALASAN TO!" Grrr. Wala pa man din akong nakikita sa dilim! Paano ako makakalabas dito, pambihira talaga! I roamed my eyes then I saw na may lumang gate 'dun sa dulo ng binagsakan ko. Siguro naman ito ang daanan palabas. Imposibleng walang exit 'to. Medyo malayo pa ang gate, kaya hindi ko na maiwasan pang makaramdam ng pagkatakot. Sobrang dilim, tahimik, may ilang tubo na may tumutulong tubig, at wala akong ibang makita, kung hindi itim. Hindi ako matatakutin, I love sleeping without lights, pero mukhang mamayang gabi kapag nakalabas ako dito, e mas gugustuhin kong matulog ng may ilaw. Kung makakalabas ako ng buhay dito. Hoy Asteria! 'Wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Makakalabas ka, utang na loob lumabas ka! Ayokong mailibing ng buhay dito. Ugh. Sana man lang may makaramdam na nawawala ako, at hanapin nila ako. Binilisan ko na ang paglalakad, kasi sobrang damang-dama ko na ang takot sa buong katawan ko. Baka mamaya, mawalan ako ng malay, hindi dahil sa walang hangin dito, kung hindi dahil sa nerbyos. Nang marating ko na ang dulo, binuksan ko kaagad ang gate, at agad na bumungad din sa akin ang isang parang bahagi ng lagusang ito na may ispasyo. Pagtanaw ko sa dulo, nakita ko ang liwanag, teka baka iyon ang exit! Naka-hinga na ako ng maayos, siyempre makakabalik na ako sa mansyon. Lalakad na sana ako palabas ng may natutukan ang flashlight ko na parang may rectangle na semento sa gitna. Para bang lamesa na rectangular shape na gawa sa semento ang isang 'to na may lalagyan ng kandila sa gitna. Sa taas naman nito ay may isang bagay na tinatakpan ang isang napaka-laking puting tela. Inikot ko ang aking mga mata, wala ng ibang laman ang ispasyo na ito, maliban dito. Dapat hindi na ako macurious, kasi dapat bumalik na ako, andiyan na ang lagusan papalabas pero bakit ganun? Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang tinatawag ako ng bagay na nakatago sa telang iyon. Sobrang dala ng curiosity, hindi ko na lang namalayan na nakalapit na ako sa harapan ng puting tela at para bang may sariling mundo ang kanang kamay ko at bigla na lang hinila ang tela mula sa taas. Bumungad sa mga mata ko ang isang painting na may nakasulat na 1871 sa baba nito. Ang nakapaloob sa painting ay isang babaeng naka-upo na naka-suot ng maria clara; mahaba ang kaniyang buhok, at sa gilid ng kaniyang tainga ay may naka-lagay na pulang rosas. I saw the details of her face, at one look I know, may lahing banyaga ang isang ito dahil sa kaniyang, matangos na ilong, maninipis na labi, bilugang mata, unat na unat na buhok at-- Wait, parang kilala ko ang isang 'to.. Bigla akong napatingin sa salamin ng aking cellphone at nanlaki lalo ang aking mga mata.. hindi nga ako nagkamali at hindi talaga ako pwedeng magkamali.. Ako ang nasa painting na 'to. Para bang tinapunan ng napaka-lamig na tubig ang buo kong katawan ng maramdaman ko ang sobrang pangingig ng aking katawan. Bakit kamukha ko ang nasa painting na 'yan? Sino ang babaeng 'yan? Malinaw na from 1871 ang painting, pero bakit kamukhang-kamukha ko ang babaeng iyan?! "Binibining Asteria? Ano hong ginagawa niyo rito? At paano ho kayo nakarating dito?" Nakita ko si Mr. Arnaldo na pumasok mula sa labas ng lagusan, dala-dala ang isang flashlight na mas malakas ang ilaw kaysa sa phone ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang napaka-laking pagtataka paano ako naka-pasok dito. "Binibini? Ayos ka lang ba?" "Si-sino ang babaeng i-iyan?" Pautal-utal kong pagtatanong. Hindi ko na siya nasagot pa dahil hindi na gumagana ang isipan ko. Ang gusto ko na lang malaman, bakit kahawig ko ang babaeng iyan. "Ah siya ho ba?" Sabay ang pagtingin ni Mr. Arnaldo sa painting ng babae na na sa harapan namin ngayon. Bakas sa mata niya ang matinding pagaalinalangan pero sinagot niya pa rin ako. "Siya ho si Senorita Estella Fernandez y Agoncillo at kung hindi niyo ho itatanong, ang ispasyo sa lagusang ito ay ang libingan ng binibining iyan." Estella Agoncillo Fernandez? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yon, at isa siyang Fernandez ibig sabihin, kamag-anak ko siya?-- Teka, ano raw-- "Li-libingan?" Lalo akong nakaramdam ng matinding pagkatakot ng malaman kong nasa libingan ako. Sino bang hindi? "Ah oho, sa katunayan, itong lagusanng ito ay sikretong daanan mula sa mansyon ng mga Ezpenida patungo sa.." Nakita ko muli ang pagaalinlangan niya, pero tinuloy pa rin niya ang sasabihin niya. ".. lumang sementeryo ng San Felipe, noong panahon ng Espanol na ginamit noon ng pamilya Ezpenidas upang maka-takas mula sa mga sundalong Espanol na naghahabol sa kanila." "I-ibig mo bang sabihin ay na sa sementeryo ako ngayon?" "Oho, binibini, kaya ho tinatanong kita paano ka nakarating dito." When I realized where am I, bigla na lang akong nakarinig ng sobrang nakakabinging matinis na tunog na nagdahilan upang mabitawan ko ang cellphone ko. I cannot explain why, sobrang nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pagkatakot, pagka-kaba, at kung ano-ano pa. I saw my hands, they were terribly shaking. Sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko, nakakaramdam na rin ako ng pagkahirap huminga. I saw Mr. Arnaldo even if I could not hear what he was saying, sure akong tinatanong niya ako ano ang nangyayari sa akin, but then I do not have the strength na sumagot kasi sobrang nabibingi na ako. I was holding my ears because of the pain I was feeling at this moment. At that deafening silence, I suddenly heard some music box playing from my pocket. Wait, galing iyon sa pocket watch ko? Kanina lang umandar ag hour hand nito, ngayon naman tumunog siya. Ano bang nangyayari?! Kahit na sobra akong hindi na makagalaw dahil nabibingi na ako, I tried get the pocket watch. Just when I noticed the time from it 5:19 pm, suddenly my vision got blurred at the moment then nung umokay na ang paningin ko, I saw myself in a different place while holding an umbrella, because it was raining. I could still hear the music from my pocket watch playing while I was witnessing things I could not even comprehend. I do not know where I am, but I was standing at the midst of people who were looking at the commotion in front of them. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, napatingin din ako kung saan sila nakatingin, napansin kong may labing-tatlong tao ang nasa harapan namin, nakaupo at iniipit ang leeg sa pamamagitan ng bakal. Teka, garrote ito. May hinahatulan? Teka? Panahon ng Español ginagamit ang garrote di ba? Wait, sino ba sila? Asan ba ako? Hindi ko alam paanong nangyari pero bigla na lang bumagal ang oras ng magkatinginan kami 'nung isang binatang naka-pwesto sa gitna, na ngayon ay nakatingin direkta sa mga mga mata ko. Pilit kong inaaninag at kinikilala kung sino siya, pero tanging mga labi lamang niya ang malinaw na nakikita ko, at kahit sa malayong distansiya namin, alam kong may sinasabi siya sa akin sa mga oras na ito habang siya ay nakangiti sa akin. Hindi ko man siya naririnig pero sigurado ako sa mga sinabi niya.. "Paalam na, Estella.." My eyes widened up and before I understand what was happening, bigla na lang ako bumalik doon sa ispasyo ng lagusan when the music from my pocket watch stopped, at andoon pa rin si Mr. Arnaldo. Ano bang nangyayari sa akin at sa paligid ko?! Wala na akong naiitindihan! Hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos at agad na ako tumakbo palabas ng lagusan, kahit na ba naririnig ko ang pagpigil sa akin ni Mr. Arnaldo. Habang ako ay tumatakbo, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko na para bang may humahabol sa akin. Paglabas ko bumungad sa akin ang mga punong naglalakihan na tinatakpan na halos ang mga sinag ng araw kaya, ang buong sementeryong laman ay mga lumang disenyong mga puntod ay halos dumilim na dahil sa mga ito. Sigurado akong mag-isa na lang akong tumatakbo ngayon, pero damang-dama ko ang kung anong masamang presensiyang pilit na sinasabayan ako. Hindi ko na alam saaan ako papunta, sobrang naiiyak na ako ngayon. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko. Takot na takot na ako.. "Tulong..tulungan niyo ako!" Nang naramdaman ko na na malapit na ako maabutan nang kung anong humahabol sa akin ay inihanda ko na ang sarili ko sa kung ano na ang susunod na mangyayari, kung ako ba ay mabubuhay pa o makikitilan na ng hininga, ngunit bago pa man mangyari iyon ay may nabangga akong kung anong bagay at bumagsak ako dito-- "Asteria! Anong ginagawa mo dito?! Kanina ka pa namin hinahanap. Asan ka galing?" Sunod-sunod na tanong ng taong hinihiling kong makatagpo sa akin sa mga oras na ito at ang nakasalo rin sa akin ngayon.. "Asteria De Villa! Ayos ka lang ba?!" Napangiti na lang ako nang makita ko ang kaniyang mga matang punong-puno ng pag-alala para sa akin. Sa pangatlong pagkakataon, dumating na naman ang taong ito sa oras na sobrang kailangan ko siya. "George.." "Huy Asteria, Hoy! Gumising ka!" At iyon na lang ang huli kong narinig bago pa man tuluyang magdilim ang aking paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD