C a p ì t u l o U n o
Maingay na gabi, mausok na paligid, mga taong akala mo naka-wala sa hawla, mga nilalang na wala ng inisip kung paano magiging masaya sa gabing ito, para makalimutan ang iisang salita; ang problema.
Alam ko yun, dahil katulad nila, ako si Asteria de Villa, kaisa nila sa kagustuhang makalimutang pansamantala ang paghihinagpis na dala ko, ngayong gabing 'to.
"Hey babe, just rock your body on me." Naramdaman ko ang mainit na paghawak ng lalaking nakaka-sayaw ko ngayon sa dance floor, hindi man siya magsalita naiitindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig. "I like your body. Napaka-firm ng katawan mo."
Hindi ako umimik and I just continued to dance.
Na sa bar ako, a mile away from the village I am currently living with my parents. It was a Sunday night, and because wala namang ganap sa university for tomorrow kasi hindi hamak na Philippine History lang naman ang subject na need kong pasukan tomorrow, I decided to have this night, for myself.
Punong-puno ng ilaw ang loob ng bar, sa gilid ay napaka-raming nagtatawanan na magbabarkada, sa mga tagong sulok naman ay, kitang-kita ang mga babae't lalaking linamon na ng kapusukan.
At siguro, kung hindi ako makakapagpigil, baka sumunod na rin ako at ang lalaking kasayaw ko sa kanila.
I continued to dance, kahit yung lalaking nasa likuran ko ay sumasayaw rin. We stayed silent as we dance our feelings to the beat of the music. Sobrang ingay, ni boses ng kahit na sino hindi maririnig. At kahit hindi man siya nagsasalita katulad kanina, I get what he wants.
Siguro dala na rin ng alak, damang-dama ko yung sobrang paginit ng katawan. I could feel his hands traveling on my waist then suddenly, the stranger man made me face towards him.
"I know, di mo sasabihin ang totoo mong pangalan." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon, tumigil kami sa pagsayaw. Nakatitig lang siya sa akin, at alam na alam kong gusto niya akong makilala. "But please just tell me what they call you."
I looked at him. Ramdam na ramdam ko yung pangungusap ng mga mata niya. I responded by placing my both arms on his neck, and slowly linapit niya ang mukha niya.
"Tell me.. what is your name babe.."
"What would happen if you would know my name?" Naramdaman ko ang paglipat ng kaniyang mga kamay sa tagiliran ko and I automatically felt shivers on my spine.
Asteria control.
I saw he returned the smirked. Slowly, naramdaman kong nilapit niya ang kaniyang maninipis na labi sa aking tainga, "I know alam mo na ang mangyayari...I want remove your red matte lipstick."
"Stella.."
"Stella, means star, well kanina ka pa nga nagniningning kahit sobrang dilim, I could still see how beautiful, sexy and hot you are with your red seductive dress.."
--
I felts his hands traveled on my waist, as he tilted his head as he planted kisses on my torso. I could feel my hands touching his arms, as I could feel every heat of his touch on my body specially on my back. I could smell the mixture of liqour from his lips. Sa kilos naming dalawa, halatang-halata sunod-sunuran na kami sa tawag ng katawan at lalo ng alak.
As the music move, I was already being tempted to return his gestures of kiss. Kapag hindi ako nakapag pigil, may mangyayari. Wala namang paki-elamanan ang mga tao dito, sa bar na ito, people who do pleausurable things are just a common thing to do. Kapag hindi mo pa nga nagawa, e outcast ka pa.
Lumipas lamang ang ilang minuto, naitulak na niya ako sa isang gilid ng bar at agad niyang sunubukang angkinin mga labi ko, pero hangga't kaya ko pa, hinding hindi ako bibigay.
I suddenly felt some kisses on my collar bones that caused me to feel unwanted shivers on my spine. Damang-dama ko ang bawat paghalik niya sa akin, sobrang malapit na akong madala sa mga oras na ito.
Ang kamay niya ay naglalakbay, pero tumigil ito ng bahagyang makaakyat na ito sa bandang gilid ng aking damit. Nakaramdam ako ng pagpisil, at kung hindi ko 'to mapipigilan, baka maisuko ko ng wala sa oras si bataan.
Na half of me wanted to do it, after all ganun naman ang tingin ng lahat sa akin. Isang babaeng makalat..
Even if the truth was, I was the victim, but then I became the suspect, simply because they chose to believe fake stories, rather to hear the real one.
I felt his hand moved down my body and had entered the endings of my dress and was already touching the bare skin of my hips. My body was screaming to kiss back but then suddenly memories of what happened 6 months ago, flooded my mind.
Asteria stop, hindi pwede ito. Hindi mo kayang gawin ito. 'Wag mong hayaang maulit na naman ang nakaraan sa iyo.
Automatic ko siyang naitulak. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pagkasabik niya sa akin. Alam kong naguusap ang mga mata namin, I could sense our eyes were filled with l**t.
Well, I guess, hindi ko pa rin pala kayang tuluyang bitawan ang pagka-babae ko, despite ng nangyari sa akin.
Ramdam na ramdam ko na gustong-gusto na niya akong angkinin at ganoon na rin ang sinasabi ng aking buong pangangatawan. Pero hindi ko pa kayang gawin 'yun lalo na after ng nangyari sa akin.
"Stella why aren't you kissing back---"
"Sorry."
"Wait, akala ko pa naman--"
"Akala mo lang 'yon. Hanggang dito lang ang kaya kong ibigay."
"But Stella we are having so much fun.." He tried to seduce me again by planting a kiss again on my shoulder but then hindi na umubra.
"Ikaw lang, not me." I pushed him again away from me. "I am done. If you want hanap ka na lang ng gal diyan to continue what you want from me."
I immediately turned my back at him. Hindi ko na inantay pa ang response niya at lalong hindi ko na siya tinignan pa, but I immediately sped out of the bar after taking my bag from the table of my peers.
Yes, I am done. Kahit na sobrang init na init ang katawan ko, hindi pwedeng bumigay ako, I should not exceed to my bodily limitation.
Makati sa tingin ng iba, pero hanggang ganun lang ang kaya kong ibigay and that is because of the trauma I have for what had happened to me, 6 months ago.
Kahit naman hindi ko kaya, tingin nila naibigay ko na ang buong ako kahit hindi naman talaga.
Nang makalabas ako sa bar may na realize ako, shocks hindi ko na kayang bumiyahe. Sobrang umakyat na sa ulo ko yung alak sobrang hilong-hilo na ako. Kapag hindi ako nakauwi nito, baka nakapag-pigil nga ako sa bar, e baka ma-g**g r**e naman ako kung saan.
Kahit pa ang sakit na ng ulo, pinilit kong hanapin sa bag ko yung cellphone ko. "Josh, I need Josh." I saw on my phone that it was 2:35am na. Shems, yari ako nito kina Daddy. The more na kailangan ko na ang lalaking iyon.
I immediately looked for his contacts and after awhile, I decided to call him.
"Hello Ria.."
"Josh.."
"Ano tumawag ka na naman, 2:36am na, ang aga mo mambulabog."
"Sunduin mo ko."
"Hano? Ayos ka. May pambayad ako tuition hooy, hindi mo ako alila--"
"Please." I felt defeated. Hindi ko ugaling maki-usap pero kapag inabot pa ako ng 4am dito, baka hindi kriminal makapatay sa akin, kung hindi si Daddy.
"Woah. That is new. Dapat oras-oras lasing ka na lang, para marunong kang maki-usap."
"Ang ingay mo, bilis na, nasa Tomas Morato ako."
"Tsk, susumbong kita kay Tita."
"Sumbungero. Bilisan mo na lang. Apaka-daldal."
"Ikaw apaka-attitude neto, kanina ang bait tapos ngayon, hay nako. Ikaw na nga 'tong nangangailangan sa pogi mong pinsan tapos--"
Binaba ko na. Kapag hinayaan ko pang dumaldal ang isang 'yon, baka abutin na lang ako ng umaga dito o kaya ma-r**e na lang ako, hindi pa rin niya ako nasusundo.
After 20 mins of waiting, nakarating na si Josh gamit ang kaniyang Lamborghini. Agad niya akong pinapasok sa kotse niya and allowed me to seat on the passenger seat. "Hay, pasalamat ka talaga at pinsan kita, kung hindi papabayaan talaga kita diyang magpagulong-gulong sa daan."
Inirapan ko na lang siya. Ang ingay na naman niya. "Josh, shut-up masakit ulo ko. I want to take a rest na please, iuwi mo na lang ako."
"Tsk, magpapasundo tapos ayaw masermonan, I really like you insan." Ramdam kong napahampas na lang siya sa noo niya dahil sa sinabi ko. Ang ingay kasi, nakaka-urat.
"Thank you."
"Next time na iinom ka, dalhin mo 'yang Ferrari mo, para hindi ka nangiistorbo ng madaling araw."
"Nag-Dodota ka lang naman. Okay na yan."
"Aba'y bakit parang dapat ako pa ang mag-adjust--"
Hindi ko na siya pinakinggan pa at tinalikuran ko na siya. As if makakapag-maneho ako kapag iinom, e kapag uminom ako kulang na lang pati bote ng alak mainom ko, sama mo na yung kainuman ko.
By the way, he is Josh my cousin. He is the closest relative to me, and siguro sa lahat ng pinsan ko siya lang naka-gamay sa nakaka-iritang ugali ko.
Aminado naman ako, ayaw sa akin mostly ng pinsan ko, even mga kamag-anak namin, kasi hindi ko talaga hilig maki-sama ng maayos. Kung hindi lang ako anak nila Mr. John and Mrs. Aelyn De Villa, the most powerful people in the business industry here in Quezon City and also a direct descendants of some Filipino family heroes, baka itinaboy na ako ng mga kamag-anak namin.
Ewan ko ba, siguro nung nagbuhos ng ugaling pakikisama ang kalangitan, naka-nganga ako sa kama, tulog na tulog, kamalasang palad wala sila Mommy and Daddy sa bahay, mga yaya at lola ko lang ang nakakasama ko parati kaya walang nanggising sa akin para maka-salo man lang ako kahit isa.
Sobrang tahimik ko sa biyahe, wala na rin akong lakas para sumagot kahit naririnig kong walang humpay ang daldal ni Josh, hinayaan ko na lang siya, wala na akong energy para sabayan pa siya.
Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa braso, "Hoy iha, andito na tayo sa mansion ng mga De Villa. Bilisan mo na habang natutulog si Manong Julyo para walang makakita sa iyo."
Napabaligwas na lang ako at agad na kinuha ang gamit ko. Lumabas na ako ng kotse. "Hoy babae, siguraduhin mong may bagong Mug tong si Ghini ah." Tinignan ko lang siya, pinagsasabi nito?
"Ba'y ano naiwan mo utak mo sa Morato? Mug ho para dito sa Lamborghini ko."
"Ah." Binagsakan ko na lang siya ng pinto at narinig kong napamura na lang siya sa inis sa akin.

Agad kong hinubad ang aking suot na red stilettos at bahagyang itinaas ang aking red dress para makapaglakad ako ng walang ingay. Kahit sobrang hilong-hilo ako, siguro kapag talagang peligro de oras na at lasing ka at lalong alam mong dadanak ang dugo kapag nakita ka ng magulang mong uuwi nang gantong lagay, talagang matatanggal yung tama mo. Eto siguro ang pinaka-effective na pang-tanggal hang-over.
Unti-unti kong binuksan ang maliit na entrance sa gilid ng malaki naming gate. Kitang-kita ko namang tulog na tulog si Manong Julyo sa isang upuan sa tabi ng gate namin.
Nang makapasok ako agad kong tinype ang passcode sa tabi ng pintuan namin. Pagka-bukas ng pinto, tumambad sa akin ang madilim na sala at tahimik na paligid.
"Tulog na sila." What do I expect? 3:13am na.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang hagdan habang tinitignan ko ang bawat paligid ng bahay namin. There is no one in our kitchen, the living room is dark. There are no lights elimenating from the rooms of our mansion. One thing to say, the coast is clear.
Agad-agad akong naglakad ng sobrang bilis paakyat sana sa hagdan papuntang kwarto, kaso bago pa man din ako maka-hakbang, nasilaw ako ng biglang bumukas ang ilaw sa may sala.
"Asteria, apo, anong oras na bakit ngayon ka pa lang naka-uwi? Saan ka nanggaling iha at bakit ganiyan ang kasuotan mo?" Rinig kong sunod-sunod na tanong ng Lola Aurora ko.
Ugh, ayan na e. Makaka-akyat na ako. Abot kamay ko na yung kwarto ko, ngayon pa talaga nalintikan.
Gusto ko na sanang tumakbo, kaso mas makakagalitan lang ako kapag hindi ako nakapag-dahilan ng maayos. Teka lang, mukha ba akong lasing o sabaw o sabog? Hindi maman siguro. Ugh, bahala na nga.
Unti-unti akong humarap, "A e Lola, I am from a birthday party of my classmate po."
Kitang-kita ko ang pagkilay-is-on-fleek ng Lola Aurora ko. "Sino naman iyan?"
Argh. Ang hirap magdahilan sa isang may gulang na. "Ahm.." Isip Asteria, sino ba?
"Iha, sinong kaklase--"
Ah! Magsosorry na lang ako sa kaniya bukas. Tiyak, siya ang papatay nito sa akin. "Si Kim po. Oho, galing ako sa birthday party ni Kim."
"Huh? Ang best friend mo? Hindi ba't nagdiwang lang ng kaarawan si Kim nitong nakaraang buwan?"
Ugh, Lola bakit ang talim ng memory mo. Mapapahampas na lang talaga ako sa noo. Need ko ng maka-akyat bago pa magising si Daddy kung hindi, tapos ang buhay ko.
Bahala na.
"Kimmy."
"Kimmy?"
"La, si Kim po ay iba kay Kimmy. Si Kimmy po nag birthday kanina." Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Ang corny ko na, bwisit na yan.
"Iba si Kim kay Kimmy?"
Agad akong naglakad palapit sa kaniya at nagmano"Oho La, nalito lang po ako kasi magkatunog ang mga pangalan nila." Tumawa ako ng bahgya, para hindi halatang nag-aalibay lang ako. "Sige na Lola, akyat na po ako at maaga pa po ako mamaya. Babye po."
Mukha namang kinagat ng Lola ko ang dahilan ko. Gosh. Para na akong ewan nito. Umakyat na ako at hindi ko na inantay pang makapag-salita ang aking Lola Aurora. Hilig niya akong kilatisin, kasi alam niya kapag nagsisinungaling ako.
Mas kilala pa ata ako ng Lola ko kaysa kina Mommy at Daddy. Kung hindi lang ako makakagalitan hindi ako magsisinungaling kay Lola. Nakaka-konsensiya tuloy, ugh.
Pagka-pasok na pasok ko sa kwarto ko agad kong nilock ang pinto kasi baka sundan pa ako ni Lola Aurora dito mahirap na, ayokong makastigo, lalo't naka-inom ako, baka maamoy niyang amoy alak ako.
Agad kong nilapag ang sapatos ko sa gilid ng kama at naghubad na ng damit. Wala na akong lakas para magbihis pa.
Bago pa man ako tuluyang maka-pikit, nakita ko sa may veranda ang napaka gandang view ng langit. The dark sky was filled with twinkling stars.
Asteria. My name means star, hindi ko rin alam bakit iyon ang pinangalan sa akin. Napaka-hirap bigkasin, napaka hirap alalahanin. Ang alam ko lang, si Lola Aurora ang nagpangalan sa akin, hindi ko rin alam anong trip nitong Mommy ko at pumayag na iyon ang maging pangalan ko.
Napabuntong hininga na lang ako at yinakap ang mga unan ko. Nang tuluyan kong maramdaman ang pagaruga sa akin ng mga unan at kumot, agad akong naha-linang humimbing na.