Halos lumukso na ako sa tuwa nang makita ko si Nanang Yolanda,may takot man akong naramdaman dahil sa init ay napalitan naman ng tuwa pagkakita ko sa kanya.
''Nanang! nagbalik ikaw" pumapalakpak pa ako sa sobrang tuwa hindi alintana ang init sa loob pero si Nanang ang mukha nya natatakot.
"halika na Elayda! ang lakas na ng apoy kailangan na tayong makalabas dito!" hinila ako ni Nanang naiiyak siya pero ako parang wala lang nakaramdam lang ako ng mainit basta nasaya ako nandito siya.
"dios ko saan ba ang daanan palabas dito?mahabaging langit tulungan mo kami makalabas dito" umiiyak si Nanang na tumingala sa kisame,tumingala din ako wala namang tao.
"Nanang sino kausap mo sa kisame wala namang tao ah"
"Elayda matutupok tayo dito kapag hindi tayo makalabas!" natuwa ako dahil alam ko naman saan ang labasan
"no problem Nanang alam ko ang labasan" kanina ako ang hinila nya ngayon siya na naman hinila ko,patakbo kami papunta sa alam kong tagong labasan dito sa loob ilang beses na kasi akong lumalabas dito na hindi nahuhuli kaya alam ko na may tagong labasan.
Humihingal pa kami ni Nanang pagkalabas namin,napatingala na naman siya.
"dios ko salamat nakalabas kami ng buhay" aniya na nagpapahid ng luha.
"Nanang ang galing ko nuh alam ko ang labasan" hinipo niya buhok ko sa tuwa yata,may narinig kaming ingay na masakit sa tainga,kaya napatanong ako kay Nanang.
"Nanang ano yun bakit maingay?" anas ko.
"sasakyang bombero yun Elayda salamat at may bombero na walang mapapahamak"
"Nanang babalik pa ba tayo sa loob?" pinagmasdan niya ako.
"gusto mo pa bang bumalik doon?"
"ahm ayaw bad sila lahat doon" hinawakan niya kamay ko.
"isasama na lang kita sa bahay ko" pagkasabi niya lumukso ulit ako sa tuwa na hindi nya ako ibabalik na sa loob.
"Nanang halika may bakal din doon sa likod tulad ng pinto sa,silid ko mataas pwede tayo akyat doon labas na tayo" tumango si Nanang at sumunod sa akin,wala yung matanda na andito palagi nagbabantay kaya nakaakyat agad ako.
Tinulungan ko si Nanang makaakyat muntik pa kami nahulog dalawa buti maagap akong nakatalon.
"Nanang saan tayo?" tanong ko pagkalabas namin,naglakbay lang kami hanggang sa nakarating kami sa maraming cars.
"o dalawa na lang kulang patungong Bahadas" sabi ng lalaki na tinawag kami,sumakay naman agad kami ni Nanang,nakatulog ako sa biyahe namin,ginising ako ni Nanang.
"Elayda andito na tayo sa lugar namin" naalimpungatan pa ako ang sarap kasi ng panaginip ko magkayakap daw kami ni Sergio,hmm pero di ko naman type mukha ni Sergio parang siopao!
Inalalayan ako ni Nanang pagbaba namin sa car ay jeep daw yun sabi ni Nanang,sumakay ulit kami ng mas maliit pa sa jeep ewan anong pangalan basta gusto ko ng sumakay ulit ayokong maglakad kapagod.
"dito lang kami bayad oh" huminto kami sa maliit na kubo,may matandang lalaki na nagbukas ng kahoy na pinto.
"oh ba't ngayon ka lang Yolanda at sino na naman yang dala mong dagdag palamunin ha!"
"tumahimik ka dyan Renato! saan na yung address sa lupain na pinabantayan ni Palos?" nakikinig lang ako sa usapan nila.
"Elayda halika muna pasok ka muna at ng makakain" masama ang tingin sa akin ng mukhang unggoy na kasamang lalaki ni Nanang Yolanda.
"heto ang address bukas madaling araw kailangan na nating bumiyahe doon" may inabot siyang papel kay Nanang,pinaupo niya lang ako at nagsandok ng pagkain.
"Elayda upo ka lang dyan kakain muna tayo" agad naman akong kumain nagugutom ako sa haba ng byahe namin lunok laway lang ako kahit uhaw na.
Pagkatapos naming kumain ay pinuntahan ni Nanang ang lalaki sa labas,may pinag usapan sila,mukhang galit ang lalaki kay Nanang.
Nakatayo lang ako dito sa may kusina nila,binalikan ako ni Nanang at
pinaupo sa may maliit na upuan sa gilid at kinausap.
"Elayda bukas isasama ka namin ng asawa ko sa lupaing pinabantayan sa amin" aniya kung ganun asawa nya pala yun.
"oo sasama ako Nanang" walang pag aalangan kong sambit gusto kong sumama sa kanya hindi ko naman alam saan ako pupunta si Nanang lang ang mabait sa akin doon sa hospital na nagtagal ako.
"hwag mo na lang pansinin yang asawa ko ganyan talaga yan mula ng mamatay ang anak namin mainitin na masyado ang ulo" aniya tumango lang ako.
"may pakiusap sana si Nanang sayo" hindi naman ako kumurap sa sasabihin pa nya.
"ano yun Nanang?"
"kung pwede sana pag may magtanong doon sabihin mo lang anak ka namin ni Renato ha,at kung pwede tawagin mo rin siyang Tatang" nag aalangan ako sa pakiusap nya
"pero may Mommy at Daddy ako Nanang p-pero" biglang sumakit ang ulo ko kahit anong pilit ko bakit malabo ang lahat.
"Mag isa ka lang Elayda tyak inabandona ka ng pamilya mo" sa sinabi ni Manang naluha ako marahil totoo na inabandona ako dahil baliw daw ako may sayad sa utak kaya pinadala ako dun sa hospital ng mga baliw.
"mula ngayon ituring mo kaming mga magulang doon ha magsimula tayo doon tururuan kita ng mga bagay na nakalimutan mo na" tumango lang ako,pinahiran nya ang aking luha,tumayo na kami at sinamahan nya akong maligo para makapagpahinga na maaga pa raw ang alis namin bukas.
Madaling araw maaga nga kaming bumiyahe,pinasuot ako ni Nanang ng bandana para di daw ako mainitan,natuwa ako dahil sumakay kami ng barko halos dalawang araw ang byahe namin.
"o nandito na tayo sa pier,Renato bumili ka muna ng tubig at maruya habang hinihintay natin si Palos" hindi naman kumibo ang matanda,kahit disgusto ito na kasama ako ay sinusunod naman nya utos ni Nanang sa kanya.
Dumating ang sundo namin,nalula ako sa layo ng binaklay namin papunta sa bukirin daw nila.
"Manang pagod ako na" ani ko na napapahinto ng lakad palagi maraming tubig kaming nadadaanan,ilog daw yun sabi ni Nanang.
Pagdating namin sa kubo ni Mang Palos,halos gabi na lupaypay katawan ko sa layo ng nilakbay namin pero may mga kalalakihan ang nasa kubo nya.
"Oh Palos tapos na naming linisan bukirin mo ikaw lang hinintay namin uwi na kami"
"sige salamat pasensya na ngayon lang ako dumating,teka si Mang Julio sumama ba sa inyo? andun kasi itak ko sa kanya"
"hindi sumama alam mo naman utak nun mas malala pa kay Mang Patenten hahaha" nagtawanan pa sila bago umalis,tiningnan pa nila ako napahalukipkip ako sa likod ni Nanang iba kasi ang paraan ng kanilang tingin nakakatakot.
Ilang araw na mula ng dumating kami dito sa bukirin,umalis na rin ang may ari ng lupa si Mang Palos tinuruan nya muna sina Nanang at Tatang sa gawaing pagbubukid marami itong inihabilin sa kanila.
Isang araw naglalaba si Nanang sa ilog tinawag ako ni Tatang.
"psst! Elayda halika nga dito" hindi ako lumalapit kay Tatang Renato kapag wala si Nanang natatakot kasi ako sa kanya.
"bakit Tatang?"ani ko na nilaro laro ang aking buhok,ganito ako kapag natatakot.
"nakita mo ba yang karatig kubo mula dito sa kubo natin?" sabay turo sa may maliit na kubo.
"opo nakita ko Tatang hindi naman ako bulag ah" sagot ko na ikinadilat ng mata niya.
"oo hindi ka nga bulag may sayad ka lang" yuko na lang ako sa takot na baka anong gawin nya wala pa naman si Nanang dito.
"pumunta ka doon sabihan mo ang may ari dyan si Julio kunin ang itak ni Palos,sabihin mo inutusan kita" hindi ko na tinapos ang sinabi nya at tumalikod agad.
"hoy! Elayda nauunawaan mo ba sinabi ko!"
"oo Tatang may sayad lang ako pero di ako bingi!"sabay takbo ko papunta sa kubo ni Mang Julio,di ko pa naman nakita mukha niya,marahil matanda na ito na uugod ugod kaya di na siya makapag linis ng mga bukirin sa sobrang katandaan na siguro.
"hmm kawawa naman si Mang Julio mag isa lang siya sa bukirin" ani ko na nagsasalita mag isa habang naglalakad sa patungo sa kubo niya.
Pagdating ko sa kubo niya tahimik parang walang tao,pero may narinig akong radyo na katulad sa amin,mahilig kasi si Nanang makinig ng drama kaya alam ko na radyo ang nagsasalita.
"asan kaya yung si Mang Julio bakit walang tao" sinilip ko kubo niya wala talaga.
"anubayan naiihi na ako" kanina pa ako upo-tayo dito sa labas ng upuan ng kubo nya pero wala akong makitang tao,ihing ihi na ako humanap ako ng maiihian.
"ay dyan na lang ako iihi" sa unahan ng kubo niya may katulad din iyon sa kubo namin di ko alam pangalan nilalagyan nina Tatang ng niyog kaya pumasok ako para mag wiwi.
Palinga-linga muna ako walang tao kaya tumakbo na ako sa loob.
"wiswiswis tagal naman lumabas ihi ko sa pempem oi" himutok ko naka skwat ng upo na umiihi.
"wiswiswis"
"at sino naman ang nagbigay pahintulot sayo na dyan ka umihi sa pugon ko!!"
"hala! paktay nahuli ako!"
(Author's note: hala ka talaga Elayda nahuli ka talaga ni Mang Julio na inihian mo pugon nya😂😂🤭)