Warning SPG❗️ "saan mo ako dadalhin?'' naramdaman ko na lang na binuhat akong parang sako sa hindi ko kilalang lalaki,pero isa lang ang natitiyak ko siya ang nakabili sa akin. "ibaba mo ako! gusto ko ng umuwi" pagsusumamo ko pero walang kataga akong naririnig mula sa kanya ang huling salita nya lang ay nung binanggit niya ang presyo ilang minuto ay kinuha niya na ako sa kulungan. Maingat nya akong ibinaba sa aking palagay ay nasa loob ako ng sasakyan. Wala akong makita ilang minuto lang nilang tinanggal ang piring sa aking mga mata sa isang malawak na espasyo at muling ibinalik. Tanaw ko pa sa ibaba ang mga lalakeng nagsisigawan kanina sa akin lahat nakatuon ang atensyon. "Hindi ko ba pwedeng tanggalin ang takip sa mata ko?" ani ko nangangapa pa rin hindi ko tiyak kung ang nakabili ba

