"Mammmaaaà!!!" "Mang Julio gising! hoy gising ka oi" niyugyog ko si Mang Julio nananaginip yata siya nagsisigaw parang ako kapag may napapaniginipan akong nakakatakot.Guminhawa ang aking dibdib nang bigla siyang bumangon humihingal,kaya kumuha agad ako ng tubig,sa tuwing masama ang panaginip ko pinapainom agad ako ni Nanang ng tubig. "Mang Julio inom ka tubig oh" inabot ko sa kanya ang isang basong tubig,nilagok niya lang. "pareho pala lahat ng panaginip nagsisigaw" tanong ko habang nagpapahid ng kanyang pawis,mataman niya lang akong tinitigan. "kumusta na pakiramdam mo?" sinapo niya ang aking noo gamit ang likod ng kanyang palad. "hindi na mainit pakiramdam ko magaan na" kumuha ako ng damit sa maliit niyang cabinet,pinasuot ko sa kanya dahil basa ng pawis ang katawan niya. "mabuti

