Warning SPG❗️ Julio's POV "Julio! Julio! ang pugon mo nasusunog!" sigaw ni Oscar ang nagpayanig sa akin,pagkaaninag ko sa usok habang naglalakbay ako pauwi ay may sapantaha na ako sa aking lupain nagmula ang malaking usok. Mabilisan kong pinatakbo ang kabayo upang makarating agad sa kubo,ngunit dismayado kong naabutan ang aking pugon unti unti ng nilamon ng apoy. Nagtulungan kami ng aking mga kasamahan sa hagyaw upang matupok ito pero kalaunan itinigil na rin namin dahil hindi na ito maisasalba pa. Ang ilang buwan kong pinaghirapang gawin ang pugon ay sa isang iglap nawala lang kalakip pa ang aking kopra na isang linggo ko itong nilukit para maibenta sana bukas. "Mang Julio nakita ko ang anak ni Mang Renato pumasok sa pugon pinaglaruan ang lighter mo" Dala ng aking pagkadismaya at pa

