Chapter 1

670 Words
Third Person's POV Sa mundo ng mga mortal, may isang babaeng nagngangalang Klea Bereo. Isang napakagandang dilag si Klea kaya naman maraming mga lalaki ang nagtatangkang manligaw sa kanya. Dahil din dito, maraming naiinggit sa kanya. Hindi lang naman kasi kagandahan ang mayroon siya. Mayroon din siyang masayahing pamilya at magandang trabaho. Hindi naman mapagkakaila na kontento na talaga si Klea sa kanyang buhay. °°° Klea's POV "Klea 'nak, gumising ka na. Baka malate ka pa sa trabaho mo," rinig ko ani ni Mama habang niyugyog niya ako. "Sige Ma, mag-aayos lang ako," sagot ko naman at agad naman akong nag-ayos. Hindi ko talaga alam kung paano ako nagkaroon ng ganito karaming blessings. Mayroong napakasupportive na family. May magandang trabaho rin ako. Hayy, sana naman ay hindi sila mawala. Baka mabaliw na ako kapag nawala sila. Agad naman akong napangiti sa naisip. Makalipas ang ilang minuto ay agad akong natapos sa pag-aayos. Agad din naman akong lumabas at pumunta sa lamesa kung saan nakikita kong nagtatawanan ang aking pamilya. "Good morning, guys," nakangiti kong turan. "O 'nak, tapos ka na pala. Bilis na at sumalo ka na sa amin," balik ni Papa habang umiinom ng kape. Agad din naman akong tumalima sa kanyang sinabi. Nang makaupo ay agad kong nilantakan ang pagkain. Kahit na simpleng itlog na pinirito, hotdog, at sinangag lang ang ulam namin, basta si Mama ang nagluluto ay nagiging sobrang masarap. Parang sosyal style ang pagkakaluto. Habang ako'y kumakain ay pinagmasdan ko ang aking pamilya. Agad naman akong napangiti. Salamat talaga at nandito sila sa tabi ko. Hindi ko talaga alam ang mangyayari sa akin. Sana nga ay palagi kaming masaya. "Ate, okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka dyan?" tanong ng aking bunsong kapatid na si Kent. "Oo naman. May iniisip lang kasi ako," ngiting sambit ko sa aking kapatid. "Bilisan niyo nang kumain dyan mga anak. Baka malate ka pa sa school mo Kent at sa trabaho mo naman Klea," pagpapaalala ni Mama. Nang sabihin ni Mama ang mga katagang iyon ay agad kong inubos ang natitirang pagkain sa aking plato. Agad akong nagligpit ng pinggan at nagpaalam na sa kanila. "Alis na po ako. May tatapusin pa kasi kami sa opisina," sabi ko habang inaayos ang aking bag. "Mag-ingat ka 'nak ha," sabay na paalala nila Mama at Papa. "Opo, sige na bye na," paalam ko saka humalik sa kanilang pisngi at yumakap sa aking kapatid. Nang matapos akong mamaalam ay agad akong naghintay ng masasakyan. Kahit na medyo kaya ko ng bumili ng sasakyan ay hindi ko ginawa. Inuuna ko kasi ang aming bahay. Makalipas ang ilang minuto ay agad akong nakapara ng sasakyan. Agad naman din akong nakasakay at sinabihan si Manong Driver kung saan ba ako ihahatid. "Manong, sa may JEZ Building po ako," ani ko kay Manong Driver. "Sige po Ma'am," saad naman niya saka ngumisi. Kahit na medyo nagdududa ako kay Manong Driver, ipinagsawalang-bahala ko nalang ito. Baka kasi guni-guni ko lang to. Dahil nga medyo kalayuan ang aking pinagtatrabahuan sa aming bahay, nilibang ko nalang muna ang aking sarili sa pagtitingin-tingin sa mga gusali. Nang malapit na kami, nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko mawari kung bakit ko ito naramdaman. Agad ko naman ding tiningnan si Manong Driver. Nakita kong ngumisi siya na parang may binabalak saka iniliko ang sasakyan. "Manong saan po tayo pupunta? Hindi po dito ang daan papuntang JEZ Building," ani ko nang iliko ni Manong Driver ang sasakyan. "Sinabi ko bang ihahatid kita don? Kasalanan mong dito ka sumakay. Dadalhin na kita sa mundo ko at gagawin ka naming alipin. Tiyak na matutuwa ang aming hari," tuloy-tuloy na saad niya. Kahit na ako'y naguguluhan sa sinasabi niyang mundo nila ay sumagot pa rin ako. "Ano bang sinasabing mong mundo, Kuya? At saka please ihatid muna ko dahil paniguradong malalate na ako," nalilitong turan ko. "Hindi muna kailangan malaman pa. Mas mabuti pang tumahimik ka nalang dyan," sagot ni Manong saka ako pinaamoy ng kung anong kemikal na nagpawala sa aking malay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD