" Mapagbiro talaga ang tadhana dahil pilit kayong pinagtagpo at pinagsama sa taong matagal mo nang gustong paghigantihan."
- KATE ANDREA POV-
Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant na pagmamay-ari ni Stephen. May dinner date kaming apat, ako at si stephen, Si Matt at gf daw niya. Matapos niya akong kausapin kanina sa board room, tinawagan niya si Stephen na mag-SET ng dinner sa aming apat. Kaya nandito ako ngayon, pretending na bf ko si Stephen.
As usual, I'm wearing my off shoulder dress na kulay red kaya lumilitaw ang makinis at maputi kung balat (kutis porselana) at above the knee lang ang haba nito na saktong makikita ang maganda kong legs. Fit rin ito sa aking magandang hubog na katawan. And I'm wearing red sandals with 2 inches heels. And stephen wearing tuxedo.
Kaya lahat ng boys na madaanan namin, tumitingin sa akin pero deadma lang sila sa akin. Haha, Isa lang naman ang dahilan kung bakit nagbago ako dahil kay Matthew. Nandito na kami sa table na nakareserved para sa amin.
" Hi Matt, pakilala mo naman ang gf mo sa amin." formal kong sabi sa kanya pero si Matthew ngayon ang dilim ng paningin sa akin. Galit ba siya sa suot ko or nabibighani siya? Hahaha
" Hi guys, I'm Mia Matthew's girlfriend." pakilala ng babae sa amin pero bakit parang natatakot yong girl sa kanya?
" Hello Mia, Nice to meet you. This is stephen my first boyfriend." sinasadya kong sabihin na first bf para ipamukha ko kay Matthew na di siya kawalan. Haha Kaya successful ang ginawa ko dahil parang kakain na siya ng buhay ngayon dito. Haha
" Haha! Di ako makapaniwala Andrea! Na first bf mo si stephen dahil di halata na inosente ka pa! Look how you dress! Para kang babaeng bayaran!" galit niyang sabi. Kaya napangiti ako sa kanya dahil affected pa rin siya sa akin.
" Bro, wala namang ganyanan. Please respect my girlfriend as I respect you as my bestfriend." awat ni stephen sa aming dalawa.
" Excuse me! Matthew Jefferson! May problema ba tayo sa suot ko? Bakit di mo nalang aminin na naaakit ka sa akin. Seductive ba ako tingnan Matt? Haha" pang-aasar ko sa kanya pero bakit si Mia tahimik lang itong nakikinig sa amin?
" In your dreams! Kate!" sagot ni Matthew sa akin. Bakit niya ako tinawag na Kate? Kate kasi tawag niya sa akin before nong time na kami pa. Nong time na patay na patay pa ako sa kanya.
" Yeah! I'm not dreaming! By the way, Mia, h'wag kang mahiya. Ganito lang talaga kami ng bf mo. Former classmate ko kasi yan, ubod ng yabang akala mo kung sinong gwapo. Kung nandoon lang si stephen dati.." di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ang mayabang na matthew.
" Di mo ako sasagutin, si Stephen ang pipiliin mo?" galit niyang tanong. Nanibago ako kay Matt ngayon palaging high blood.
" Of course naman, di na ako makahanap ng lalaking kaya akong mahalin higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili. I love you steph!" sabi ko sa kanya na ikinagulat ng todo ni stephen.
" I love you too, dear." seryoso niyang reply pero alam ko mahal talaga ako ni stephen pero di ko kayang tumbasan yon. Kaya, sorry steph.
" Ang sweet niyo naman." sa wakas nagsalita na rin si Mia.
" Bakit honey? Di ba tayo sweet?" tanong ni Matt kay Mia sabay halik sa lips. Shocked kami ni stephen don ha?
" Kain na tayo guys!" putol ni stephen sa halikan ng dalawa.
Tahimik kaming kumakain. Nilagyan ni stephen ng pagkain ang plato ko. Ganito talaga si stephen sa akin basta kumakain kami, sinusubuan ako, sobrang caring talaga niya. Kung pwede pa lang turuan ang puso, matagal ko na siyang sinasagot. While Matthew, tinitingnan lang niya si Stephen sa ginagawa nito. Narealize siguro ng gago kung ano ang ginawa niya sa akin before kung paano niya ako tratuhin.
" Bro, di naman bata yan si Andrea para subuan mo!" suway niya kay Stephen.
" Ok lang bro, nasanay na kasi ang baby ko.Haha" sagot ni stephen sa kanya na ikinagagalit ni Matt. Nagdilim na ang paningin ng EX-bf kong monster.
" Guys, excuse muna ha? Rest Room muna ako, naiihi kasi ako eh!" tapos mabilis akong pumunta sa Rest Room. Paglabas ko, nakita ko si Matthew na nakasandal sa may pintuan habang naghihintay sa akin.
" Hey! Bakit ka nandito?" tanong ko kay Matthew pero di siya sumagot instead niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong..
" Next time, h'wag ka ng magsuot ng ganyan ha? Naaakit kasi ako." sabay alis. Di ako makagalaw, bakit niya ako niyayakap? Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko?!!
" God, please.. Ayaw ko na sa kanya! Help me!" bulong ko sabay buntong hininga. Dapat di ako paapekto sa mga moves niya!!!
Pagbalik ko sa table namin, masaya ng nag-uusap si Stephen at si Matt. Nanibago ako kay Matt dahil di na ito galit. Nag-iba ata, ang ihip ng hangin. Ngumiti na rin ito.
" Nasaan si Mia?" nagtataka kong tanong sa kanila.
" Umalis na Kate, kasi tumatawag yong mother niya na may family gatherings daw sila." sagot ni Matt sa akin na ngumingiti at tumitig sa akin.
" Ahh ok! Steph, hatid muna rin ako dahil walang kasama yong sister ko. Alam mo naman, nasa province si Momshie.. Hehe" palusot ko kay stephen pero ang totoo di pa ako maka-get over sa yakap ni Matt sa akin.
" Dear, sabay ka nalang muna kay Matt. May asikasuhin pa ako dito." suggest ni steph, dahil alam ko gusto niyang magkausap kami ni Matthew pero ayaw ko.
" Steph? Sige ka! Hiwalayan na kita!" banta ko sa kanya, alam ko kasing di niya ako matiis.
" Ok! Dear, sige Matt, Mauna na kami. Spoiled kasi to sa akin si Andrea eh! Bye Matt." paalam niya sa kanyang bestfriend pero nakita ko si Matt na sinundan kami.
Nandito na kami sa parking lot.
" Dear, bakit di mo kausapin si Matthew? Alam kong mahal mo pa siya at mahal ka rin niya." sabi ni stephen sa akin.
" For what pa steph? Hiniwalayan niya ako! Pinamukha niya sa akin na wala akong kwenta. Gago siya!" galit kong sabi kay Stephen.
" Sorry, baka may dahilan siya dear!" sagot niya. Kahit kailan sobrang bait ni stephen sa akin.
" Wala na akong pakialam sa kanya.! Sorry steph dahil ginamit kita para magpanggap tayo. Napakabait mo." sabay tulo ng aking mga luha kaya kumuha ng panyo si stephen at pinunas sa mukha ko na basa ng aking luha.
" Ok lang dear, Ganyan kita kamahal." seryoso niyang sabi sa akin kaya di ako nagdadalawang isip na yakapin siya. Siya lang ang taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Na walang sino mang makagalaw sa akin lalo na't kasama ko siya. Kaya di ko maiwasang makunsensiya dahil until now, di ko pa rin siya sinagot.
Nakita ko nalang na may kotse na umalis at mabilis itong nagpatakbo. At alam kong si Matthew yon. Goodluck sa duty ko bukas. First duty ni Matthew bukas as a new CEO.