Chapter 12: The Break-Up

2511 Words

" Kahit anong gawin mo kung ang tadhana na ang may gusto, wala ka pa ring magagawa. Pilitin mo mang iwasan at layuan ang katotohanan pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kusa itong darating sa buhay mo na di inaasahan." - K A T E  A N D R E A    P O V - " Good morning sweetie!" bati sa akin ni Matt sabay kiss sa aking noo. " Good morning too, inaantok pa ako Thart." sagot ko habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. " Ok! Sige mauna na ako ha? 9am na pala." sagot nito sabay tayo. " Ano? 9am na?" gulat kong tanong sa kanya, kaya tumayo ako agad baka madatnan kami ni Mama na magkasamang natutulog. " Haha! Thart, anong nangyari sayo? Nakakita ka ba ng multo?" tumatawa nitong tanong. " Pupunta kasi si Mama ngayon dito sa bahay, baka maabutan tayong magkasamang natulog. Lagot ako!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD