(LAYLA)
Kailangan kong magmukhang ka-awa-awa, magmamakaawa ako para sa aking buhay. Napatingin ako sa sarili ko, napasin kong suot ko pala ang aking paboritong ternong silk na pantulog. Napailing ako at huminga ng malalim para kumalma ngunit ang madilim na titig ni Denfort ay pataas-baba na parang bang nakikita niya ang isang bagay na gusto niya. Kahit na ganito ako may alam ako sa mga ekspresyon ng mga lalaki, mahirap na hindi mapansin kung paano niya ako titigan. Nagpupumilit ang kanyang walang manggas na maong jacket na panatilihing nakatago ang kanyang galit na mga muscles. Nakajacket siya, at maganda iyong tingnan, sa mga braso niyang yon hindi ako magkakaroon ng pagkakataon makawala, sa mga kalamnan niyang iyon ay di ako makakatakas. Kung hindi ako magsasalita o magmakaawa na siyang tanging paraan para makaalis ako dito, hindi talaga ako makawala dito.
“Matapang ang lahi niyo, magaling magsalita, ngunit sa tingin ko ngayon sayo ay mahina ka. Isa kang Rivera, dapat maangas ka parin at alam kong pinagkakatiwalaan ka niya. Tama ba ako Layla?” tanong ni Denforth.
Mula sa kung paano niya binanggit ang mga yon, napansin ko agad kung gaano niya kakipilala si Dad, sa palagay ko ay medyo mali ang pagkakilala niya sa akin dahil ako malayo sa kung anong tingin nila bilang anak ng gobernador, ngunit nakukuha ko ang kanyang punto, isa parin akong Rivera. At kung ibabase niya ang opinyon niya sa akin at kay Dad, hindi ko naman siya masyadong masisisi. May tinatago din naman siguro akong talento “Makinig ka. Meron kaming pera. Yun naman ang habol niyo diba? Maraming pera ba? Mayaman si Dad!" bulalas ko.
Napailing siya.
"Hindi ko kailangan ng blood money ng daddy mo."
Huh? Kung di nila kailangan ng pera eh ano pala ang gusto nila? Ano ang dahilan bakit nila ako kinidnap? Paano ako makakawala dito? Halata namang di uubra kung magmakaawa ako at labag yon sa lahi namin, matatapang ang mga Rivera hindi dapat ako magmakaawa! Kung hindi ransom money ang nais nila, eh ano?
Ang susunod kong naisip ay baka gusto nilang ihandog ko sakanila ang aking sarili, ngunit iyon ay malabo. Sa kanilang antas ng kagwapuhan parang malabong matipuhan nila ang isang plain na babaeng kagaya ko. At hindi naman siguro nila ako madadala kung gusto nga nila ang ganong kapalit. Kinakabahan ako habang kagat kagat ang ibabang labi ko, umaasang hindi sumagi sa isip nila ang bagay na naiisip ko. May kung anong kiliti ang naramdaman ko kalooban ko dahil sa naiisip ko. Pero kung ito ang paraan para makalaya, bakit hindi? Ako ay lubos na hindi handa para sa na magmumungkahi tungkol dito hindi ito magiging masamang bagay diba. Ito ay option para sa kaligtasan ko. Bakit ganon agad ang naiisip ko? Baliw na yata ako!
Kumaway si Den kay Jerviz. "Ilabas na natin siya," turan ni Den at pagkatapos ay lumapit si Jervis, "Ker, humanda kang hulihin siya sakaling magtangkang tumakas," utos pa ni Den sa pangalawa niyang kapatid na si Kerwyn.
Atleast may mga pangalan ako sa kanilang lahat ngayon, kahit na kilala ko na sila sa mukha lang noon.
Kumuha si Jervis ng isang mahaba, mukhang kakahasa langa at tiyak na hindi legal na kutsilyo mula sa gilid niya habang hinahawi niya ang mga nakaharang na bagay sa likod ng Van kung saan naroroon ako at lumapit sa akin.
Humugot ako ng hininga ako para ihanda sa pagsigaw ng malakas!
Itinakip ni Den ang kanyang kamay sa aking bibig, at nakaharang din ito sa aking ilong. “Huwag ka nang magtangka. Wala namang makakarinig sayo dito," sabi niya na parang kampante at walang dahilan para mag-panic. Saglit akong hindi naniniwala sa kanya at nagpupumiglas ako. Hindi pa ako nawawalan ng pag-asa! Susubukan ko lahat ng pagtakas hanggat makalaya!
Nakasandal si Jervis sa nakataas na pinto ng van sa likod, ang kanyang mga ngisi ay nang-aasar at ang kanyang mga mata ay medyo nangungutya habang nakatingin kay Denforth.
Napatitig din ako kay Denforth.
Ang maliliit na kadena sa kanyang pants malapit sa belt ay tumutunoog habang siya ay gumagalaw. Pinatakbo niya ang isang daliri sa linya ng aking panga, ang kanyang haplos ay mainit kaya napalunok ako. “Ayos lang yan. Mas gusto kitang makita na natatakot,” mahinang usal niya at inilapat ang kutsilyo na hawak niya sa leeg ko.
Lumunok ulit ako at ipinikit ang aking mga mata, iniisip ko na tapos na ang lahat. Katapusan ko na, ngunit ang ginagawa niya ay pinutol ang mga lubid na nakatali sa pulsuhan ko. Pagkaraan ng ilang sandali, hinila niya ako palabas ng likod ng van papunta sa isang maluwang na garahe, hindi man lang binibigyan ng oras ang aking takot na mabawasan muna, ako ay nanginginig pa at kailangan huminga!
Paglabas na paglabas namin, umaalingawngaw ang bawat tunog na ginagawa namin sa loob ng garahe. Ang mga kotse at motorsiklo sa lahat ng uri ng mga hugis at kulay ay naka-park dito sa mahabang hanay, at sa likod ay may isang hukbo ng mga taong nakasuit at nakasakay, na tila nasa kalagitnaan ng meeting. Kapag naiisip ko ang mga gang noon kagaya nila, palagi kong naiisip na nagtatago sila sa isang sira at lumang gusali, nakapila sa likod ang kanilang mga motor, maduming lugar, naglalasing sa mga araw at nagdudulot ng kaguluhan ang mga gabi. Pero mukhang malinis dito sa lugar nila, malawak kahit garahe palang. Organisado. Propesyonal.
Mukhang maayos nilang nabudget ang mga nakolekta nila sa Cordova City! Nakakalula ang assets na pundar nila dito sa garahe palang!
Naiintindihan ko na kung bakit gustong buwagin ni Dad itong samahan ng Rubics dahil malaki ang makukumpiska niya mula sakanila sakaling manalo siya sa mga ito.
Pero malabong manalo si Dad sa mga to, hindi sila basta bastang mga tao. Lalo na ang magkapatid na Del Fero!
Ibinaba ako na ako ni Kerwyn, binitawan sandali, at sinasamantala ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Bukas pa rin ang pinto ng garahe, at tumakbo ako papunta doon sa pinakamabilis na makakaya ko. Ang matigas na semento na sahig ay masakit sa aking mga paa at natatakot na ako sa mas magaspang na mabatong daan pa sa labas ang dadaanan ko, ngunit hindi ako maaaring manatili dito. Kailangan kong maka-alis!
Sa palagay ko hindi ko kailangang mag-alala tungkol dito, makakatakas ako. But I'm wrong! Halos nasa kalagitnaan na ako ng pinto bago ako naabutan ni Denfort, binuhat ako paitaas kaya para akong papel na tumatakbo sa himpapawid. Kung sa tingin niya ay mabigat ako sa anumang paraan, hindi niya ito pinapakita. Imbes na tumakbo, sinubukan kong sipain at suntukin siya, para masaktan siya at mabitawan ako gaya ng sinabi sa akin ng self-defense instructor ni Dad, pero binuhat niya lang ako ng mas mataas at inipit sa ilalim ng braso niya.
I hang there, like a joke!
"Hindi ka makakatakas dito," ibinaba niya ako, ngunit sa palagay ko ay hindi ako masyadong makakumbinsi na di makatakas. Hanggat buhay ako may pagkakataon akong makatakas!
"Siguro hindi sa ngayon pero hanggat may hininga ako, di ako titigil," tugon ko sa kanyang pahayag. Ramdam na ramdam ko ang pagdagundong sa tagiliran niya gaya ng naririnig ko. Ako ay nanlalambot, na parang hindi pa rin naiintindihan ng aking subconscious na ang mga taong ito ay malakas at makapangyarihan. It states how hard it is, that my body is now pressed up against his.
“Nice catch,” natatawang sabi ni Jervis. "Siguro dapat natin siyang bigyan ng isa pang pagkakataon upang makatakas at tingnan kung sino ang unang makakahuli sa kanya sa susunod ay magkaroon ng ganting pala," suhestyon ni Jervis.
Oo, maganda yang naiisip mo. Damn, sinusubukan ko lang tumakas at handa silang gumawa ng laro mula dito na ako ang taya. Pero kung sakaling ituloy nila ang laro pagkakataon ko iyon upang makatakas!
"Hindi na ako tatakbo ulit." Sinusubukan kong makawala sa pagkakahawak ni Daenfort, ngunit hindi siya natinag kahit isang pulgada. “Seryoso ako. Nakuha ko na. Mas mabilis kayo kesa sa akin. Ibaba mo na lang ako para makalakad man lang ako mag-isa at makapag-unat,” pahayag ko.
Naramdaman ko ang pagbaba ni Den sa akin, tinayo sa harap niya, hinawakan magkabilaang balikat ko at tinitigan ako.
"Alam ko na!" Bulalas niya.
Napalunok ako. Ano kayang iniisip ng taong to?