HELP ME

1328 Words
LAYLA Habang lumilinaw ang aking isipan, bumabalik ang lahat sa aking malay. Naririnig ko ang mabibigat na yabag sa bulwagan. Isang pagbagsak. Isang malakas na tunog. May biglang isang mabahong tela na tumakip sa mukha ko, may kakaibang amoy, tapos... wala na. Nawalan ako ng malay! Kinidnap ako! Seryoso? Kinidnap ako! Argh! "Siraulo ka talaga, tingnan mo nga ang daanan. May paliko!" singhal ng isang malalim na boses sa likod ko, na nagpatalon sa akin at nagpakawala ng kaunting ungol bago ko napigilan ang sarili kong gumawa ng tunog. Ang pangangalay sa aking sikmura ay nagsasabi sa akin na nayuko ako sa likuran na bahagi. Sa metal, hindi sa upuan ng kotse. Sa likod ng isang van, marahil? Ang mga boses na naririnig ko ay galing sa front seat. "Ano, naging palpak ka na ba sa pagdadrive? Dulot na ba yan ng mga pambabae mo Den?" tanong ng pangalawang boses. May kasamang tawa dito, agresibo at mapaglaro. "f**k off Jervis, pasalamat kayo pinagdrive ko pa kayo!" sagot naman ng nagmamanehong nagngangalang Den. Umiikot ang utak ko, nahihilo ako, pakiramdam ko tumatakbo kami ng paikot-ikot habang pinipilit kong pakalmahin ang sikmura at ulo ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Sa ngayon, hindi nila ako pinapansin, at baka magagamit ko iyon para makapag-isip, pero ang sikip ng dibdib ko, nakakapagtaka na humihinga pa ako, o may puwang ang puso ko para tumibok, ngunit malakas ang t***k nito. Suffocating! Sobrang bilis ng pangyayari kanina at ngayon nandito na ako. Pero pinipilit kong mag-isip, dahil kung hindi, mababaliw ako o mas lalong mawala ako sa sarili. Hinihila ko ang mga lubid, nagbakasakaling makawala. Ang ikatlong boses, sa harapan ko ang nagsalita, ay halos mapatalon ako. Ito ay mahinang bulong, parang isang tunog ng diyos ang boses niya. "Give up already. Mahusay ang pagbuhol ni Denforth sa mga lubid na yan, at kahit pa makawala ka sa mga taling yan, sa tingin mo ba makakawala ka sa amin at makalabas sa van na to?" Mayroong hindi bababa sa tatlo sa kanila, kung gayon nasa van ako at mga lalaki ang kasama ko. Mga lalaki sila at ako lang siguro ang babae dahil wala akong naririnig na boses ng babae. At ngayon alam nilang gising na ako dahil sa mga pagpupumiglas at ungol ko. Walang sapat na hangin para sa makasigaw at makahingi ng tulong, hinihingal na ako. Sumara ang lalamunan ko at napalunok ako para mabuksan ito pabalik. Pinagbabato ko ang aking mga kamao sa kahit saan baka sakaling may makapa, hinihilod ko ang aking mga kuko sa aking mga palad upang magambala ang aking sarili upang di mahilo ulit at makapag-isip ng maayos. Huwag kang mataranta, Layla. Oh oo, iyon ang gagawin ko ang manatiling matatag sa sitwasyong ito. Sinubukan kong huminga ng maayos. Breath In and Breath out. In and out. Humanap ng mas komportableng posisyon. Pakiramdam ko ang buong mundo ko ay umuuga, at ang tanging bagay na pumipigil sa akin mula sa pagkasubsob ng mukha ay ang aking nakagapos na mga pulso na nakasabit sa isang bagay. Kung hindi, maaaring maging kaawa awa ang kalagayan ko ngayon. "Dahan-dahan lang," saad ng galit na boses ng bumulong kanina. "Dahan-dahan ka lang, wala namang nakasunod sa atin," turan naman ng isa. "Gaano katagal bago tayo magkaroon ng mga bodyguard ni governor sa ating likuran habang nakabuntot? Sapalagay mo?" "Maya maya lang, kung patuloy akong magmamaneho ng ganito. Dapat kayo na ang nagmaneho kung gusto niyo ng dahan dahan," saad ng may malalim na boses. Si Den yon? Ang narinig kong nagmamaneho? Naalala ko, nagbigay sa akin ng security advises at ang lahat ng uri ng mga tips para sa ganitong uri ng mga pangyayari ang security team leader ni Dad, ngunit ang aking pansin at oras noong tinuturuan ako ng self defense at kung paano lumaban at kumawala ay kadalasang naiipit o nakatu-on sa pagitan ng mga aralin sa pagsayaw, pagguhit at pagkanta, at ang kanyang mga lektura sa akin ay tumatagos lamang sa kabilang tenga ko, hindi ko kailanman binigyang pansin ang mga turo ng ama ko. To be honest, with all our security, I never expected na may mangyayari talaga sa akin na kagaya nito. The joke is on me. "Balik ka, ikot tayo, ako na sa driver's seat," sabi ni Kerwyn daw. Naramdaman kong ang van ay umiikot at ang aking mga pulso ay sumasakit na dahil sa mga lubid na nakapulupot sa mga ito. Ano ang plano nila? Alam kong ako ay sikat ngunit hindi ganon ka halaga. Oo, anak ako ng gobernador but not his ideal daughter. Ransom? Malamang ito ang habol ng mga kidnappers ko. Hindi naman ako ganon kahalaga pero may halaga parin naman. Hangga't may halaga ako para sakanila, hindi nila ako sasaktan. Sana nga. Isang mafia movie ang napanood ko minsan, kung saan isa-isa nilang ipinadala ang mga kuko, buhok at daliri ng kinidnap na biktima bilang pagbabanta, at sana di yon mangyayari sa akin. "s**t!" Bigla kaming huminto, parang tumunog ang mga gulong. Kung ano man ang nasasandalan ko ay bumabaon sa aking likuran, at pagkatapos, pagkaraan ng ilang sandali, isang mabigat na bagay ang tumama sa akin nang napakalakas kaya napaungol ako. Ang mainit at mabangong hininga tumama sa akin ay nagpalipad ng buhok sa aking leeg. Bumagsak ang isang lalaki sa likod ko, at ngayon ay nararamdaman ko na ang init niya sa pisngi ko at sa leeg. Ang mga braso niya ay pumipigil sa likuran ko. Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko kung gaano siya kalaki. At tiyak na naaalala ng aking katawan kung paano ko nagustuhan ang pagbuhat ni Stan sa akin noon, nakakakilig, dahil nagreact ang katawan ko sa parehong sitwasyon ngayon. Ano ba naman yan. Seriously, girl hormones? "Damn it," bulalas niya sa aking tainga. "May isang baliw na nagpatakbo ng kotse niya, muntik na tayo," sigaw ng Kerwyn na siyang nagmamaneho ngayon. " Akala niya mauunahan niya ako! Hindi ako magpapatalo sa isang aso." "f**k, muntik mo na kaming patayin." Itinulak ng lalaking nasa ibabaw ko ang kung ano mang tumusok sa likod ko kanina, naging mas maluwag ang pakiramdam ko sa likod ko, at pagkatapos ay nawala ang kanyang bigat, kasama ang kanyang init. Sapat na ang midnight cold, na halos ma-miss ko ang init niya at nais ko ito. Komportable na ang balakang ko, pero hindi naman ganoon kakapal at kalambot ang kinakaupuan ko. "Ayos lang ba yong asong yon? Mukhang napuruhan yon, sumadsad ba naman sa mga estatwa da gilid ng daan," tanong ni Den. Ang lalaking naramdaman kong yumakap sa akin kanina nung muntikan kaming sumadsad. Matanda-in ako sa boses at pangalan ng tao, siguro talent ko yon. Sa kabutihang palad kung sakaling talent nga yon, biyaya sa akin yon. "Halata namang okay lang yon. Natakot nga lang nung lapitan ko na sana para tulungan, ngunit tumakbo ito sa isang eskinita. Kaya siguro ayos lang siya," boses ni Jervis. Mula sa tunog na narinig ko, hinampas ng isa sakanila ang dashboard. "Umalis na nga tayo dito." Kung nasa siyudad pa kami, baka may tao sa labas, kahit sa ganitong oras. Sa tingin ko gabi na ngayon. Pinapalakas ako ng adrenaline, ngunit ang pagod at antok ay nasa sistema ko. Pero kailangan kong humingi ng tulong! Humugot ako ng malalim na hininga mula sa aking baga, parang ito na ang huli ko. "Tulong! Tulungan niyo ako! Ako ay-" Biglang naputol ang daloy ng hangin sa lalamuna ko sa kalagitnaan ng pag-iingay ko, nagdudulot ng hindi komportableng pag-ungol sa lalamunan ko, sa pagitan ng dighay at hingal ko. Isang napakalaking kamay ang nakatakip sa buong bibig at ilong ko. Kaya kinagat ko ito. "Motherfu-" I take the satisfaction in that, halatang nasaktan siya, but he renewed his grip, captured my jaw so I can't bite him again. Sa pagkakataong ito, hindi na ako makahinga. "Gawin mo ulit iyon, at pagsisisihan mo," bulong niya, may tunog na parang death threat ang boses niya. Help! I'm kidnapped! Somebody help me! I can't breath!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD