3. Daniel HINDI AKO MAGKANSUSULING sa mga binubuksang landas ng alaala, himutok ni Daniel, samantalang naghihintay maluto ang cup noodles. Halos hatinggabi na noon at nag-iisip pa rin siya ng posibilidad para sa kaniyang nobela. At gusto lang niyang magsenti. Iyon ang hobby ng mga writer, at feeling writer na siya dahil na-publish na ang unang kuwento n’ya. Puwede na siyang magsenti. Alin ang muling tatahakin? May mga kalsadang makitid na makitid, gaya halimbawa sa Atisan, kung saan kapag nagkakasalubong ang dalawang trak, may mga gulong na gumigitgit sa gilid ng aspaltadong daan. May kalye namang maluwang, tulad ng mga tinatawid-tawiran niya nang magsimulang mag-aral sa bayan: M. Basa St., Schetelig Avenue, M. Leonor St., Colago Avenue, M. Paulino St., Rizal Avenue. May malawak nga

