7 Demonyo

2040 Words

7. Demonyo KAILANGAN MONG PATAYIN ang mga sarili mong demonyo at diyos para makasulat ka. Ito ang unang aral na isinapuso ni Daniel, bagaman hindi na niya maalala kung paano ito dumating sa kaniya. Kung narinig ba niya sa ibang manunulat sa mga lecture na dinadaluhan niya, o nabasa niya sa aklat ng mga ito. Basta’t nang naunang dumating ito sa kaniya, tinanggap niya ito nang maluwag sa loob sapagkat naniwala siyang totoong-totoo ito, kahit malabo sa kaniya noon kung ano ang ibig niyang sabihin ng totoong-totoo. Alam niyang hindi naman totoo, na talagang diyos at demonyo ang ibig nitong sabihin. Siyempre, alam niya noong talinghaga lang iyon para sa ibang bagay. Kung talinghaga ng ano, iyon nga ang hindi pa niya tiyak noon. Kung gayon, maaaring iisa lang talaga ang demonyo at diyos ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD