THE HEAVEN’s bar. Doon dinala si Jeg ng kanyang mga paa. She wanted to get drunk. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak para kahit paano ay mawala ang pagseselos na nararamdaman niya. Sa isang sulok ng madilim na bahagi ng bar ay tahimik na umiinom siya. Who was that girl Keith was with last night? Ito ba ang espesyal na babaeng tinutukoy ni Keith? Naramdaman niya na may namuong luha sa sulok ng kanyang mga mata. Marahas na pinalis niya iyon, saka sunod-sunod na tumungga ng alak. “Pag-aaralan ko nang kalimutan ka, Keith. Mahirap at masakit pero kakayanin ko. Perhaps, I’ll go abroad. Sa lugar na malayong-malayo sa `yo. Baka doon ay makalimutan ka na ng puso ko,” sabi niya habang nakatingin sa boteng hawak na parang nauunawaan niyon ang sinasabi niya. Find the courage to tell him

