Chapter Fifty That husky manly voice was familiar. Ang kanyang puso na halos mamatay na sa sakit ay parang naambunan ng pag-asa dulot ng tinig na iyon. She slowly raised her head. Wala siyang pakialam kahit ano pang itsura niya ngayon dahil sa nagkalat na luha sa kanyang mukha. She wanted to see the man who owned that voice. “Jaco.” Nakaupo ang lalaki sa kanyang harapan. Mabilis niya itong dinamba upang yakapin. Napahiga na ito sa sahig ngunit yakap niya pa rin. Ayaw niyang isiping multo lang ito. Buhay si Jaco. Buhay! “Na-miss mo ako? Narinig ko sabi mo sa mga nars kanina, mahal mo ako?” nagsalita itong muli. Confirmed, hindi multo ang yakap niyang Jaco. “Mahal na mahal kita! Bwisit ka! Akala ko pa naman may nangyari na sayo! Hindi ko na kayang mawala ka! Ayoko ng masayang ang lahat

