Chapter Twelve Isang linggo lang matapos siyang kausapin ni Rocco ay agad ng lumipad si Maggie pabalik ng Pilipinas. Inasiko na niya ang kanyang mga papeles at nagpaalam sa Indonesian team na nag-alaga sa kanya. Isang araw lang ang inilagi niya sa kanila. Nagpaalam din siya sa Eats Time execs na magbabakasyon pa rin siya ng dalawang linggo sa Pilipinas upang gawing eksakto ang dapat sana'y anim na buwan niyang pamamalagi sa Indonesia. Dumaan na muna siya kina Dennis at kitang-kita niya ang pagkabigla sa ina ng lalaki ng makita siya. Ayon dito ay nasa Camarines Norte nga ito. Agad siya nitong binasbasan na sumunod na Bicol dahil miss na nga raw siya ni Dennis. Naglakbay siya na puno ng pananabik at kasiyahan sa kanyang dibdib. Wala na ngayong mabigat sa kanyang dibdib na bumab

