Lisa POV Ilang araw na simula nang ma-confined ang nanay sa hospital na ito. Magagaling ang mga nurses na umaasikaso sa amin. Nalaman ko na mga topnotchers pala sila sa board exams. Hindi daw basta-basta ang mga nakakapasok na nurses dito. Kung hindi nasa top passer o kaya naman mga nag-aral sa ibang bansa. Napa-wow ako doon. Kaya pala maganda din ang bayad sa isang oras mong namalagi dito. Maganda rin ang mga naging resulta sa mga test ni nanay, mabuti na lang daw at agad namin siya nadala. Nabawasan ang mga komplikasyon at sakit na dapat na mararamdaman ni nanay. Sumailalim na rin siya sa chemotherapy sabay pa ang maraming gamot na kailangan pang inumin. Sa mga araw na iyon nasa tabi niya lang ako. Hindi ako umaalis. Dito na rin ako sa sofa natutulog. Lahat nandito na, pagkain, damit n

