Chapter 15 ALISHA I pulled my chair nang hindi inaalis ang tingin kay Mr. Alarcon na noon ay nakaupo sa dulo ng mahabang lamesa. "I know that look and yes, I am handsome." Sa sinabi niyang iyon ay pairap na inalis ko ang mata ko sa kanya. Oo na. Ang sarap sa mata ang lahat sa kanya pero hindi kabilang doon ang ugali niya na mayabang. "Kumain ka hangga't gusto mo, Alisha," alok ni Mr. Alarcon sa akin. Napatingin ako sa lamesa at doon ko sinimulang pasadahan ang lahat ng pagkain na naroon. Halos mapuno ang lamesa sa dami ng pagkain. "It all served for us," muli ay sabi niya saka nagsimulang kunin ang kutsara't tinidor. Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo ako pinapunta dito?" mula sa kung saan ay natanong ko sa kanya. "What do you mean?" "Iniisip mo ba na kapag naka-date mo ak

