AN: Important Terminology and Abbreviation.
[Piece]: Ito ang tawag sa mga tao na nabili mula sa auction ng The Greeks Club.
[AN:] Authors Note (yung ibang mga mambabasa ay alam na ito ngunit sa tingin ko ay dapat ko parin ito linawin para sa mga kagaya kong mahina sa Abbreviations)
Nang maiwan mag isa ang dalaga sa director’s office ay binuksan nito ang isang file cabinet at inabot ang sulok nito at may pinindot itong button at bumukas at isang sekretong drawer sa file cabinet at kinuha dito ang isang maliit na kahong kulay pula at binuksan ito, kinuha ang laman nitong isang pirasong cufflink na walang kapares, Tinitigan niya ito ng ilang minuto.
“Sa tagal ng panahon na aking ginugol sapag-hahanap sa nagmamayari sayo, ngayon nagkaroon na ako ng pag-asa at sa tingin ko ay malapit ko nang makita ang nag mamay-ari saiyo.”
Saka ibinalik ang cuflink sa pulang velvet box na kinalalagyan nito at binalik sa secret drawer, lumapit ang dalaga sa isang pintuan sa loob ng opisina at binuksan ito, automatic na bumukas ang mga ilaw sa loob pag kapihit ng seradura ng pinto at tumambad ang kwartong punong puno ng iba’t ibang klaseng paintings, Nag lakad patungo sa isang sulok si Aphrodite at huminto sa tapat ng di kalakihang canvas at tinanggal ang telang puti na nakatakip dito, At makikita ang isang realistic portrait painting ng diyosang si Aphrodite na may modern touch.
Nag lakad papalapit si Aphrodite sa cabinet na lagayan ng mga canvas bag at kumuha ng canvas bag para ilagay ang painting upang mapanatiling ligtas itong makarating sa kliyente.
Lumipas lamang ng kalahating oras ay gayak na ang dalaga at handa na itong sumama sa binatang nakabili sa kanya sa auction. Nag lakad na papalabas ng Director’s office si Aphrodite, pag bukas ng pinto ay saktong may dalawang babaeng empleyado ng The Greeks Club ang napadaan sa kanyang harapan, bahagyang yumukod ang mga ito upang magbigay galang sa dalagang si Aphrodite.
“Hi guys” Bati ng dalaga sa dalawang babaeng empleyado at nginitian ang mga ito
“Good evening Ms.W” Sabay nitong bati pabalik kay Aphrodite at tumuloy sa pag lalakad upang makabalik muli sa kani-kanilang mga puwesto sa pag tatrabaho.
Nagpatuloy ang dalaga sa pag labas sa opisina at bumaba na sa lobby at nag hintay sa waiting Area. Kinuha nito ang kanyang smartphone sa kanyang dala-dalang hand bag at
Nag scroll muna rito pampalipas oras habang hinihintay ang taong nakabili sa kanya.
Sa kabilang banda,
Pumasok si Clyde sa pribadong kwartong kinaroroonan ng binatang nakabili sa dalagang si Aphrodite.
“Mr.Bezos” bungad nito ng makapasok na sa silid at nag lakad patungo sa bakanteng sofa na nasa tapat ng kinauupuan ng binata at saka marahang umupo rito.
“Clyde Sanchez at ako nga pala ang direktor ng The Greeks Club kinagagalak kitang makilala.” Pormal na pag papakilala ni Clyde sa kanyang sarili, Inilahad nito ang kanang kamay nito upang kamayan ang binata na nasa kanyang harapan, Hindi naman siya binigo nito at madaling iniabot nito ang kamay ni Clyde at nagkamayan ang mga ito.
“I am Red Bezos, It is a pleasure to finally meet you. Humahanga ako sayo ng husto, dahil mula sa disenyo at arkitektura ng building at hanggang sa mga kayang i-offer ng Club na ito” Bakas ang pag kamangha sa tono ni Red, napailing naman si Clyde sa papuring kanyang inani mula sa binata dahil hindi siya karapat dapat na umani ng mga papuri ng binata.
“Pasensya na Mr.Bezos ngunit hindi ako ang taong lumikha ng paraisong ito,
oo nasa ilalim ito ng W.Enterprise na Hawak ko, ngunit hindi ako ang mismong may ari at ang utak sa likod nito” Bahagyang ngumiti si Clyde dahil alam na nito kung saan papunta ang usapan.
“Mr. Sánchez, nais ko lang ipaalala ang flight mo dalawang oras mula ngayon.” Mahinang bulong ng babae sekretarya ni Clyde ngunit sakto upang marinig ito ni Red
“Thank you for reminding me Fendy.”
Hindi ang pagpapa-alalala ni Fendy ang pinasasalamatan ni Clyde sa dalagang si Fendy ngunit ang pag putol nito sa kanilang usapan.
“Oh sorry, Nabasa ko na ang mga nilalaman ng kontrata, wala naman akong ano mang tutol dito. Ngunit ang nais ko lamang malaman kung posible bang maextend ang panahon na makasama si Aphrodite?”
Seryosong tanong ni Red na nagpapukaw sa atensyon ni Clyde dahil sa bilis ng transition ng mood ng binatang kaharap nito at ang pag request nito ng extensyon na makasama ang dalagang si Aphrodite kahit hindi pa man sila nag kikita at nag kakakilala.
“Mr.Bezos, Ang iyong hiling ay hindi na sakop ng The Greeks Club, kung may taong dapat kang pagtanungan ng tungkol sa extention ng kontrata ay walang iba kundi ang piece na iyong nabili sa auction, ang sa aming kontrata ay seven days lamang. Nasa piece iyon kung papayag siyang irenew at iextend ang kontrata ang aming sakop lamang ay ang kaligtasan ng aming bawat piece at ligtas silang makabalik dito sa amin.” Mahabang paliwanag ni Clyde kay Red
“oh I get it. Thanks”
“Pwede ko na bang Basahin itong special contract na nakasaklaw sa aming special piece na si Aphrodite?”
“okay” blangkong sagot nito
“Una sa mga patakaran na dapat mong sundin ay ang confidentiality na iyong pinirmahan bago ka pumasok ng The Greeks Club, Bawal ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa aming exclusive club at bawal din ikwento ang mga nasaksihan mong pangyayari dito sa loob. Pangalawa ang painting na iyong matatanggap tuwing mananalo sa auction ay hindi maaring ibenta sa iba dahil ito ay nag iisa lamang sa buong mundo at nais ng puminta ng larawan na maging eksklusibo ang kanyang mga likha sa bawat guest na nanalo sa aming bidding, kung baga isa itong token of appreciation ng may ari ng The Greeks Club sa mga tumatangkilik sa aming serbisyo, pangatlo ang piece na kasama sa iyong nabili ay dapat manatiling ligtas at walang labis at kulang sa pagbalik nito sa amin, hindi pupwedeng pilitin ang piece kung ayaw nito gawin o sundin ang pinagagawa ng kliyente. Pang apat ang iyong halagang ibinayad sa amin ay hindi na maaaring mabawi pa sa kahit ano sitwasyon, At dahil ito ang iyong first time na pagdalaw sa aming Club ay maaari namin tanggapin ang iyong cash na dala ngunit sa pangalawang pag kakataon ng iyong pag dalaw ay dapat ka ng magtop-up ng pera sa iyong membership card thru bank transfer, ang iyong membership card ay isa ring uri ng bank card at nasailalim ito ng New Age International bank, Pang lima kung nais na maging miyembro ng aming eksklusibong Club ay maaaring mag avail