Chapter 1: Wedding

1596 Words
[Sitti] “We are gathered here today to celebrate Lancelot and Felicity’s matrimony. A marriage is a voluntary commitment made in the most profound sense to exclude all others and enter into with the desire and hope that it will last for life." No one answered in the crowd. Pinagdarasal ko na may tumutol kahit isa. Kahit loka-lokang babaeng nag-claim na buntis siya o fling or kahit mistress pa. “Before I proceed with our ceremony, may tumututol ba sa kasalang ito?” ‘Walang tumutol? Kahit isa? Oh, please. All the angels and saints. Have mercy on me!’ Makaulit akong humiling sa mga santo at anghel. Ngunit, peste! Wala ni isa! Oh my! Oh, my! Is it too good to be true? Wala man lang nagkamaling nabutusan ng latex? “Dahil wala namang humahadlang sa pag-iibigan n’yo Lancelot at Felicity. Let’s proceed with your vows. Ngunit bago ko e deklara ang sumpaan ninyo sa isa’t isa. I want to hear from both of you confirming that it is indeed your intention to be married today.” Tinitigan ko ang pari sa harapan ko na tila manghang-mangha ako sa sakaniya. Nakikipagsukatan talaga ako ng titig rito. Kumalabog ang puso ko sa pagkataranta ng magsalit muli ito paharap sa akin. Sa hilatsa ko ilang taon lang ang tanda ni Father kay Lance. Pero ‘di hamak na mas kahalina-halinang titigan ang pari sa oras na ito dahil sagad ang inis ko sa lalaking katabi ko ngayon. “Felicity, iha, may dumi ba sa mukha ko?” “Wala, father. I am mesmerized by your demi-god—“ na-realize ko kasalan pala ito. Kasal ko! ”— ang guwapo ninyo po father, please, continue.” “Answer the priest's question," utos ni Lance habang nakayuko. Pasimpling binalingan ako nito ng tingin. Then he touched his lips on my forehead na animo’y hinahalikan ako sa ulo, and he whispered inaudibly. . . “Why are you praising him? I am your groom!” madiing anas nito.” I am your husband-to-be. Dapat sa akin lang nakatitig 'yang mga mata mo. Sa akin ka lang dapat nakatingin, walang iba, Sitti!" ‘Possessive much?’ At kailan pa siya naging dominant? Does he think I will adhere to what he wants? Ano 'to? b**m? Dominant siya at submissive ako? No way! Highway! Ngumiti ako na para bang sweet na sweet kami sa isa't isa. Narinig ko naman ang bulongan sa likod. They might probably think now that we are sharing romantic thoughts. Ang hindi nila alam pasimple lamang ang nabubuong hidwaan sa pagitan naming dalawa. "Hindi ka guwapo para tititigan kita. Nakakasuka ang pagmumukha mo,"halinghing ko rito. Ngumiti naman si father at tinuloy ang seremonya. Akala siguro ni father lovey-dovey ang lihim naming pagtatalo. Buti na lamang at walang lapel o mikropono if not everyone can hear our bickering and bantering. "Do you Lancelot take Felicity as your lawfully wedded wife?” Mabilis pa sa isang segundo na sumagot si Lance,” Yes, I do. I do. I do.” ‘Excited much?’ Hindi ko alam kung paano ako basta na lamang nagising isang umaga sa harap ng altar at naka traje de boda. Standing in front of me is Lance, my ex-fiance saying, ‘I do.’ Si Lancelot Javier ang lalaking tinakasan ko limang taon na ang nakalilipas sa takot na tanggalan ako ng mana ng aking ama. Mula Barcelona pumunta ako sa Greece at nanirahan doon ng halos apat na taon. My life was not comfortable living paycheck to paycheck for four years. I was barely meeting ends. Uuwi sana ako sa Pilipinas subalit nalaman ako ang katotohanan sa aking pagkatao. I resented my parents. Minabuti ko na hanapin ang sarili ko. I can’t help but compare my life when we were still together. Noong magkasama kami ni Lance sa Barcelona kahit café attendant lang siya that time. He showered me with luxury. Seeing and hearing Architect Lancelot Javier right before me nanunumpa sa harap ng Maykapal na habang buhay akong mahahalin ay wala ng mas sasaya pa. ‘Ngunit bakit hindi ako masaya?’ Hindi ko maramdaman ang lubos na kagalakan. ‘Nawala na ba ang pag-ibig ko sa kaniya ng tuluyan?’ My thoughts were cut abruptly when the priest finally turned to me and ask . . . “Do you, Felicity take Lancelot to be your lawfully wedded husband?” He darted his gaze from Lance to me. Narinig ko ang tanong ng pari. Oo, rinig ko. Rinig na rinig ko ngunit hindi ko maintindihan. I suddenly spaced out. Pakiramdam ko nilapad ng ulap ang aking utak. I suddenly could’t utter a single word. Simple lang naman ang sagot subalit hindi ko magawa. Am I going to say no? Am I saying yes? Do I nod or turn my back and run away? . . . Again?’ Sa harap ng piling kamag-anak at mga kaibigan ng aking mga magulang at ni Lance. Nandito ako ngayon nanunumpa sa harap ng dambana. A forced wedding. A gunshot wedding kung tawagin nila. Noong isang buwan lang kami nagkitang muli ni Lance makalipas ang limang taon at heto agad. ‘Kasalan?’ I must admit. The preparations are beyond exquisite. The church decoration was beaming with elegance, adorned with peach coral and white roses and colorful tulips —ang paborito kong mga kulay. Naka-coral motif rin ang mga guest pati na rin ang simbahan ay naardonohan ng parang sa royalties na kasalan. Pakiramdam ko matagal na itong pinaghandaan. ‘Yong parang bride na lang ang hinihintay. ‘Ako lang nga ba ang hinintay?’ I am engulfed in so many hows and whys and bewildered by all that’s happening. How can this grand wedding happen kaagad-agad? I know Lance is an architect. He works for Madrigal Holdings and Reality ang kompanyang pag-aari ng kaibigan niyang si James. Na nakilala ko in Barcelona a year before I ditched our first wedding. Nakatayo sa kanan ni Lance ang best man niya. Katabi nito ang asawang napakalaki na ang tiyan at may kargang batang lalaki. Ang cute nito kasing cute ni Logan. Sana nandito siya ngunit dahil kinidnap ako ng walang hiyang si Lancelot kaya hindi ko siya kasama ngayon. “Inuulit ko,” wika ng pari na ubod ng guwapo. Kaya siguro hindi ako makasagot dahil nakatanga ako sa mukha ng pari na animo’y Greek god ang itsura. Sa tuwing magtatama ang mga mata ko sa pari ay nalilimutan ko kung bakit nga ba ako nasa loob ng simbahan. Still I have to question myself. ‘Bakit nag-pari siya? Sayang naman ang mala-Adonis na genes niya hindi niya na maipagkakalat sa mundo.’ “Felicity,nakikinig ka ba? Para yatang luntang na lutang ka. Iha, kung napipilitan ka lang sa kasalang ito. Sabihin mo na. Napipilitan ka lang ba?” Tango at iling ang isinagot ko kay father. Ramdam na ramdam ko ang tensyong namumuo sa pagitan namin ni Lance at ng aking mga magulang. Biglang umingay ang simbahan. Walang pang isang daan ang naroon ngunit sa lakas ng bulongan. It felt like ten thousand mouths were talking all at once. “Can you repeat the question, father?” tanong ko. Nagmistulan akong tanga sa harap ng mga bisita. Simple yes or no ang sagot sa kasalan ngunit bakit ang hirap bigkasin ng yes at parang gusto kong ipagsigawan 'Noooooo!' at sumibat agad. Ngunit ni hindi ko alam kung nasaan ba akong lupalop ng Pilipinas. Am I even in the Philippines? ‘Sitti malamang nagta-Tagalog ‘yong pari.’ Daig ko pa ang may post-partum bigla na lang nawala sa sarili? Inilipad na yata ang aking ulirat kasama ng aking kaluluwa. I am standing still sa harap ng pari at katabi ni Lance na parang tuod. “Oo at Hindi, Iha. Yes or no lang ang sagot sa tanong ko. Inuulit ko, do you Felicity take Lancelot to be your lawfully wedded husband?” Then Lance lowered his head into my ears and muttered in an almost inaudible muffled voice,” Baby, you will say ‘yes’ right now, or I will burn your hotels and resorts to dust right at this second. Sisingilin ko ang daddy mo, and I will make sure he rots in jail.” I flashed a fake smile upon hearing Lancelot’s threats. Hindi maaring makulong ang daddy ko. Nakakabangon pa lamang ang aming negosyo. Kung mangyayari iyon tuluyan ng babagsak ang Fey Resorts and Hotels at madadamay ang kabubukas lamang na restaurant ang Sitti’s Haven. Nakangiti ako kay Lance habang sinabi-sabi . . . “Are you threatening me? Baka ikaw ang kasohan ko ng kid-nap-ping! Paano ako nakarating dito? Sagot!” Hindi si Lance nagsalita o sumagot sa tanong ko. Bagkus ay may dinukot sa bulsa. Dinikit niya iyon sa balakang kong walang saplot na tela. My wedding gown is bare back. Sobrang ganda ng design nito. Kung consensual lamang ang kasalang ito ay natuwa pa siguro ako. I know I looked dazzling on this elegant white gown. Na-imagine ko ang repleksyon ko sa salamin as my body glistens under the lights. Then I felt a cold metal on my hips. Nakatusok iyon sa aking balakang. Lance made it look like he was holding the small of my back. His left hands were groping me on my love handles. Ramdam ko ang dahan-dahan at pasimpling pagtakip ng kaniyang tuxedo sa aking likuran. He’s pretending to be so sweet and romantic sa harap ng mga bisita. Subalit ang ‘di nila alam may nakatutok na baril sa aking balakang. “Now, are you going to say yes, or you will never see Logan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD