“MANANG, ‘asan po sina mommy?” namumula ang mukhang tanong ni Ethan pagkabukas na pagkabukas ni Manang Melda ng malaking pintuan at papasukin sila sa loob ng mansyon. “Aba, eh, nasa kuwarto na nila…” gulat pang sabi nito bago nagpabalik-balik ang tingin sa kanilang dalawa ni Riya. “Bakit nga pala kayo narito? Ang akala ko ba—” Hindi na naituloy pa ng matanda ang sasabihin nang dali-dali siyang tumalikod at pumanhik ng hagdan para puntahan ang magulang niya. Hating-gabi na ngunit wala siyang pakialam. Kailangan niyang kausapin ang mga magulang para iparamdam sa mga ito na hindi siya sang-ayon sa mga pinaggagagawa ng mga ito sa kaniya. “Mom… dad… open up,” tawag niya sa mga ito habang kinakatok ang pintuan ng silid ng magulang. It took over a minute or two before his mother finally o

