MARIING ipinikit ni Riya ang mga mata para makatulog na once and for all. Pero wari namang tukso na paulit-ulit na lumilitaw ang mukha ni Ethan sa isip niya. Paulit-ulit niyang nakikini-kinita ang mga tagpong nangyari sa pagitan nilang dalawa kanina. Pauli-ulit niyang nararamdaman ang halik at ang haplos na ipinalasap nito sa kaniya na nagdulot ng ibayong init sa buong katawan niya. At hindi naman niya maloloko ang sarili niya kung sasabihin niyang hindi niya nagustuhan ang ginawang kapangahasan ni Ethan kanina. Hindi ba't nagpaubaya siya at hinayaan ang sarili na tumugon sa mga halik at haplos nito? ‘Lust lang ‘yon, Riya. ‘yon lang ‘yon, wala nang iba! Huwag kang mag-ilusyon!’ anang isang bahagi ng utak niya saka tumagilid ng paghiga. Kusang tumaas ang isang kamay niya at dinala iyon s

