SHOCKED was an understatement. Pakiramdam ni Riya ay isa siyang de susing manika habang pumapanhik siya ng hagdan matapos mawindang sa sinabi ni Ethan sa kaniya bago ito dali-daling bumaba at iniwan siyang nakatanga. Kung ano-anong bagay at napakaraming tanong tuloy ang biglang bumagabag sa utak niya habang naglalakad at paakyat ng hagdan. Eh, sino ba naman kasi ang hindi matitilihan sa sinabi sa kaniya ng lalaki? Kahit pa nga sigurado siyang ginu-good time lang siya ng lalaki, ang lakas pa rin ng impact niyon sa kaniya. Well, a part of her was hoping that he meant it while the other part was hoping she could kill him him even on her mind for making fun of her emotion. Bagama't may nangyari na sa kanilang dalawa, she made sure that it will be forgotten right then and there. Na wala nan

