"Kailan ang balik mo, Anak?" nahihimigan ko ang lungkot sa tono ng pananalita ni Mama.
"I don't know, Ma. Baka abutin ako ng dalawang buwan doon," sagot ko habang inilalagay sa trunk ng kotse ang mga gamit na dadalhin ko.
"Gano'n ba? Basta mag-iingat ka roon, ha? Huwag mong pababayaan ang sarili mo at huwag kang gumawa ng bagay na ikakasakit namin," paalala niya sa akin.
Isinara ko na ang pinto ng trunk at lumingon kay Mama na may malungkot na pagmumukha habang nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako ngumiti sa kanya. "Ma, paano ako makakaalis niyan kung ganyang pagmumukha ang ipinapakita mo sa akin?" tanong ko sa isang naglalambing na tono at napangiwi.
Bago pa man bumuka ang bibig ni Mama upang magsalita, nakita ko si Papa na humahangos na tumakbo papunta sa gawi namin. May dala-dala itong isang container habang inilalagay ito sa loob ng wooden basket.
"Anak, oh! Para hindi ka magutom sa biyahe mo," nakangiting wika ni Papa sabay abot ng basket sa akin.
Nakangiti naman akong tumugon dito, "Salamat, Papa."
Sinilip ko ang laman nito sa loob at napangiti nang makita ko ang paborito kong egg sandwich. May inumin din ito sa loob upang hindi ako mauhaw. Napakasuwerte ko talaga sa mga magulang ko dahil kahit na isang ganap na dalaga na ang anak nila, inaalagaan pa rin nila ako ng parang bata. Kahit kailan ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal nila sa akin.
"Tawagan mo kaagad kami ng Papa mo kapag nakarating kana roon, ha? Mag-iingat ka palagi," paalala ulit sa akin ni Mama.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ngayon lamang ako mawawalay sa mga magulang ko at pumunta sa malayong lugar para lamang sa pansariling kagustuhan. I really need to do this dahil para sa ikakabuti ko lang din naman ito.
"Ma, Pa..." panimula ko sabay ngiti. "H'wag po kayong mag-alala sa akin. Hindi po ako gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin niyo. I will always update the both of you para hindi kayo masyadong mabahala sa pag-alis ko."
Kitang-kita ko ang namumuong luha sa mga mata ng mga magulang ko. Hanggang sa tuluyan nang pumatak pababa sa pisngi ni Mama ang kanyang luha. Tumingin naman si Papa sa itaas upang pigilan na bumuhos ang kanyang luha.
Hinawakan ni Papa ang balikat ni Mama para pakalmahin ito sabay pisil at pinaalalahanan ako ulit katulad ng ginawa ni Mama, "Mag-ingat ka sa biyahe mo, Anak."
Napatawa na lang ako sa aking isipan dahil pang-ilang ulit na nila iyong sinasabi sa akin. I can sense that they're just afraid if something happens to me. Kaya mahal mahal ko ang mga magulang ko dahil hindi lang nila sinasabi sa akin kung gaano ako nila kamahal, kundi ipinapakita rin nila sa kanilang mga kilos.
Lumapit si Mama sa akin at agad akong ikinulong sa mga bisig niya. Patuloy ang paghikbi nito habang nakayakap sa akin. Hindi ko mawari kung nasasaktan ba siya dahil aalis ako o nasasaktan siya dahil napunta ako sa ganitong sitwasyon.
"Remember that we are always here for you, Anak," wika nito sa bawat paghikbing ginagawa niya.
Hindi ko tuloy magawang pigilan na hindi pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ayaw ko man na iwanan ang mga magulang ko, ngunit mas lalo lamang akong malulugmok kapag nanatili ako rito sa bahay namin.
Every corner of our house remind me of Joshua. How can I move on kung patuloy ko pa rin nakikita ang bawat anino niya sa kahit na anong sulok ng bahay namin? Even on my room, I can still see his shadows. Also, I can vividly remember all of our happy moments whenever I go inside our house.
I hugged her tightly at pinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mainit na bisig ni Papa nang yumakap ito sa amin ni Mama. I'm so blessed to have a parents like them. We stayed to that position for a minute bago namin naisipan na kailangan ko nang umalis.
"Tama na ang dramahan, humayo kana baka gabihin ka pa sa daan," sambit ni Mama sabay bitiw sa pagyakap sa akin.
It's already three in the afternoon. Hindi na masyadong mainit sa daan kapag ganitong oras kaya naisipan ko na ngayon ako aalis upang hindi ako masyadong mabagot sa biyahe. Nakaka-relax kasi kapag naabutan ka ng dapit-hapon sa daan dahil sa sariwang simoy ng hangin.
Pinahid ko ang basang luha sa aking pisngi at ngumiti sa kanila habang sumisinghot. Inayos ko ang damit na suot ko dahil bahagyang itong nagusot.
"Aalis na po ako," pagpapaalam ko at saka pumasok na sa loob ng sasakyan.
Bago ko tuluyang isara ang pinto ng driver's seat ay tinignan ko muli sina Mama at Papa. Ngumiti ako sa kanila at ngumiti rin ang mga ito pabalik. Tuluyan ko nang isinara ang pinto dahil kapag hindi ko pa ito ginawa, mas mahihirapan lamang akong umalis dahil sa itsura ng mga magulang ko.
Pinaandar ko na ang kotse upang painitin ang makina. Marahan kong hinaplos ang nakasabit na crucifix sa may salamin at nagdasal na sana'y gabayan niya ako sa aking biyahe. Pagkatapos kong magdasal, nagsimula na akong magmaneho paalis sa harap ng bahay namin sabay busina.
Hindi pa ako tuluyan nakakalayo sa bahay namin nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dahlia's name appeared on the screen. Nakakonekta ang cellphone ko sa bluetooth earphone ko kaya kinabit ko muna ito sa aking taenga bago sagutin ang tawag.
"Hey," bungad ko habang nanatiling nasa daan ang aking atensyon.
["Ngayon na ba ang alis mo?"] pagtatanong niya na siyang rinig na rinig ko ang bawat pag-click ng daliri niya sa mouse.
"Yes. Sorry if I can't see you right now at magpaalam sa personal," hinging paumanhin ko.
Naubusan kasi ako ng oras habang bumibili ng mga kakailanganin kong dalhin doon. Hindi kasi ako tumitigin ss relos ko kaya I lost track of time.
["Ano ka ba! It's okay! Huwag masyadong mabilis ang pagmamaneho, ha? Hinay-hinay lang," paalala niya.
I automatically smiled after hearing those words. I was surrounded with people who truly loves me and I thank God for that. Kung wala si Dahlia ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Since we've become friends, she really helped me a lot.
"Para ka namang sina Mama at Papa walang humpay sa pagpa-paalala!" wika ko habang tunatawa at nakarinig naman ako ng pagtawa niya mula sa kabilang linya. "Don't worry about me. I won't do reckless things," I said upang hindi na ito mag-alala pa sa akin.
Ayaw ko kasi na pinagpa-paalala ang mga taong mahal ko. I want them to trust my word that I will be okay and I'm gonna be okay.
"Okay, sige. Call me kung nakarating kana. Drive safely! I can hear the cars honking," sambit niya habang tumatawa.
"Roger that!" I said and I let her end the call.
Tinanggal ko na ang earphone sa taenga ko at inilagay sa aking gilid. I turned on the stereo to list to some good music. Hanggang sa tumapat ito sa paborito kong kanta.
Habang pinapakinggan ko ang bawat liriko, unti-unti namang bumabalik ang lahat ng masasayang ala-ala naming dalawa ni Joshua.
The song reminds me how happy we are during those times.
"I wanna go back to the way we used to be," pagsabay ko sa kanta upang mas lalo ko itong madama. "I wanna feel your skin, your lips so close to me. I wanna go back when I called you mine all the time. Every smile and every moment, if only I have.... A time machine."
Agad namang namuo ang tubig sa aking mga mata hanggang sa tuluyan na itong bumagsak pababa sa aking pisngi. Agad ko itong pinahid dahil baka ito pa ang maging dahilan upang maaksidente ako.