Monica Naging napakasaya ko simula nang araw na iyon. Ang araw na pinaligaya ako ng lalaking mahal ko. Sa bawat araw na nagdaan ay hindi ko maitago ang mga ngiti sa aking mga labi. Agad naming inayos ni Vincent ang mga kakailanganin sa aming kasal. Maaga akong nagpunta sa condo nya. Nagleave ako ng three days sa trabaho dahil gusto kong may masimulan na para sa aming kasal. Pagpasok ko sa condo nya ay nakahilata pa ang future husband ko.. hinawi ko ang kurtina ng kanyang kwarto para makapasok ang sinag ng araw. Agad akong tumabi sa kanya at pinupog ko sya ng halik.. bahagya syang gumalaw pero nakapikit pa din. Ang cute naman ng hubby ko oh.. Binigyan ko pa sya ng maraming halik sa noo, pisngi at ilong. Hindi ako magsasawang halikan sya. "Gising na love.. di ba ngayon tayo pupunta

