Collins: NAPASABUNOT AKO sa ulo na hindi na alam ang gagawin. Halo-halong emosyon ang naghahari sa puso ko pero nanaig ang takot sa akin. Takot na iwanan niya ako kapag nalaman na niya ang sikreto sa buhay ko na ultimo pamilya ko ay hindi alam. At ngayo'y dumating na nga ang araw na nagharap-harap kaming tatlo. Napasalampak ako ng sahig na hinayaan lang tumulo ang luha habang hinihintay may lumabas sa mga doctor na siyang nang-o-opera kay Ulan dito sa hospital namin. Ayon sa pinagdalhan namin sa kanya kaninang hospital sa Batanes ay hindi kaya ng hospital nila ang kaso nito dahil kulang sila ng kagamitan at walang kakayahan ang mga surgeon doctor nila na operahan ito lalo na at sa ulo ang may pinakamalubhang damage nito. "Nasaan ang kapatid ko!?" napaangat ako ng mukha sa mga humahang

