TPOV : "Dalawang linya!" natutop ko ang bibig na tumulo ang luhang tama nga ang hinala ko. Buntis ako! Napasandal akong nanghihinang napadausdos ng dingding habang nakamata sa pregnancy test kit na hawak kong may dalawang pulang linyang resulta. Napapahid ko ng luha na pilit tumayo. Napahaplos ako sa impis ko pang tyan at napangiti. "Anak, patawarin mo si nanay huh? Kung itatago kita, saiyong ama. Ayokong kunin ka niya sa akin dahil napaka-imposible namang.....panindigan ako ng ama mong bilyonaryo at kilalang tao" pagkausap ko sa tyan ko habang marahang hinahaplos-haplos ito. Mabilis kong isinilid lahat ng damit ko sa dalawang maleta ko at nilisan ang apartment ko. Hindi na ako pwedeng magtagal dito. Alam ni sir Axelle ang apartment ko at natatakot akong matuklasan niyang....nagdada

