Chapter 5 Promised

2242 Words
Collins: ILANG ARAW PA KAMING nanatili ng hospital ng mga kapatid ko. Sinisilip-silip din naman ako nila mommy at daddy pero saglit lang dahil walang nakabantay sa quadro sa kabilang room habang ako ay kasa-kasama ko dito sa silid ko si yaya Elsa at manong Edgar na siyang nag-aalaga sa akin. "Ya, gusto ko sanang magpalipat ng school this upcoming enrollment" natigilan si yaya sa pagtutupi ng mga gamit kong isinisilid sa language dahil palabas na kami ng hospital. Nauna na ngang nakauwi kahapon ang quadruplets at hinihintay naman namin sina mommy na sunduin kami ni yaya dito sa hospital. "Saan mo gusto anak?" anito ng makabawi at muling nagpatuloy sa ginagawa. "Chateau yaya. At gusto ko kasama ko kayo doon ni manong Edgar huh" nangunot noo ito pero kalauna'y tumango-tango. "Saan ba 'yang Chateau na 'yan anak? Probinsya ba 'yan? Ngayon ko lang narinig eh" napahagikhik akong ikinalingon nito na nagtataka ang mga mata. "Ya sa ibang bansa ho 'yon. Sa Paris po" "Ah..." napatango-tango ito. Maya pa'y natigilan at nanlalaki ang mga matang napalingon sa akin na nangingiti dito. "PARIS!!" napahagalpak ako ng tawa ng mapatayo at sigaw ito ng ma-realize kung saang lugar ang tinutukoy ko. "Sa Paris tayo lilipat?!" gimbal pa ring bulalas nito. Tumango-tango akong ikinahina at tulala nitong napaupong muli sa gilid ng kama. Naiiling naman akong pinapanood itong tila tinatangay sa kawalan ang isip at diwa! "Pupunta tayo ng Paris...pupunta ako ng Paris...Titira ako doon?" napapahagikhik ako sa pagkakatulala nito na nagsasalitang animo'y nahihibang! "Common Ya, Paris lang 'yan ano ka ba. Masasanay ka rin doon at baka nga mas gustuhin mo na lang bumalik dito sa bansa" napailing-iling naman ito. "Kung nasaan ang alaga ko....nandon ako" anito. "Kahit pumunta ako ng Mars Ya? Sasama ka pa rin sa akin?" tudyo ko dahil natutulala pa rin ito. "Oo" tumatango-tangong sagot nito. Napahagikhik ako na ikinalingon nito at tila natauhan. "Mars...?" ulit nito. Tumango akong ikinalaki ng mga mata nito. "Ano!? Ikaw talagang bata ka! Anong makakasalamuha natin doon mga aliean?!" gimbal na bulalas nito. Nanlalaki rin ang mga mata at butas ng ilong nito. Kaya ang sarap niya minsang pagkatuwaan dahil napakainosente niya sa maraming bagay na dinaig ko pang isang paslit na alaga nito. "Tayo na?" napalingon kami sa may pinto ng bumukas iyon. Nangunotnoo ako ng mag-isa lang si manong Edgar at wala si mommy o si daddy na nakasunod dito. Lumapit na ito na ginulo pa ako sa buhok. "Ako lang anak, naiwan sa mansion sina ma'am at sir naglalambing kasi ang mga kapatid mo kaya iyon nagkakatuwaan na sila sa pool party na request ng quadro. Ikaw na lang ang hinihintay" anito na ikinailing ko at mapait napangiti. Nagkatinginan pa sila ni yaya Elsa. "Kung hinihintay nila ako manong bakit nagsimula na sila na wala pa ako?" natahimik ang mga ito. "Labas na lang tayo. Sunduin natin sina Bagyo at mga kapatid nito at sa labas na kakain" malungkot ang mga mata nilang nakatutok sa akin na may pilit na ngiti sa mga labi. "Sige na nga" ani yaya at inakay na akong bumaba ng kama. Binuhat naman ni manong Edgar ang luggage namin ni yaya at inalalayan na akong maglakad. Ano pa nga bang aasahan ko? Sanay na akong una kina mommy at daddy ang quadruplets nila kaysa sa akin na solo birth kaya pinapaubaya na lang nila sa mga tao nila ang pangangalaga at kapakanan ko. Kahit sanay na ako ay 'di ko pa rin maiwasang magdamdam at magtanim ng sama ng loob sa kanila. Pakiramdam ko'y hindi nila ako anak sa kakarampot na attention na binibigay sa akin kumpara sa mga kapatid ko. Kahit nga kay Charrie na ampon nila ay mas pinapahalagaan kaysa sa akin. Matamlay akong sumakay ng kotse katabi si yaya na nakikiramdam sa akin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakaakbay naman si yaya sa akin na hinahaplos ako sa braso. Nabuhayan ako pagdating namin sa cathedral kung saan naglalagi sina Bagyo ay nandidito na nga sila pero si Ulan lang ang maayos ang itsura at pananamit dahil suot nito ang ilan sa mga niregalo ko noong nakaraan. Habang si Bagyo at Ulap naman ay madungis na naman ang itsura dahil nangangalakal na naman sa mga basurahan na may dala-dalang sako na nakasukbit pa sa balikat nila. "Ako na lang ang bababa anak huh, mahirap na wala tayong bodyguards" ani manong Edgar na tinanguhan ko lang at pinanood itong nilapitan si Ulan na nasa harapan ng simbahang nakaupo sa stairs na may dala-dalang mga garlands ng sampaguita na tinitinda nito. Napakamadiskarte talaga nilang magkakapatid. Hindi na ako magtatakang balang araw ay magiging successful ang mga ito. Sana lang ay hindi sila mapariwara lalo na't walang magulang ang gumagabay sa kanila. Kita kong namukhaan ni Ulan si manong na agad ngumiti. Labas tuloy ang sira-sirang ngipin nito. "Uy.... nakangiti na ang alaga ko" napalis ang ngiti ko sa panunukso ni yaya na napahagikhik pa. "Nako Collins anak kilalang-kilala na kita, hwag ka ng mahiya kay Yaya" dagdag pa nito ng pinamumulaan na ako sa panunukso nito. "Coyens!!" napangiwi ako sa masiglang tono nito ni Ulan na ngayo'y kaharap ko na at 'di namalayang pinagbuksan na pala ni manong Edgar ng pinto dito sa gawi ko. "Your murdering my handsome name Ulan, Collins nga kasi" pagsusungit ko kaya napanguso ito. Umatras naman si yaya kaya napausog din ako at inalalayan itong makaakyat ng kotse. Kinakausap naman na ni manong Edgar sina Bagyo at Ulap na ngayo'y bakas ang kasabikan sa itsura nila na halos patakbo ng lumapit dito sa kinaroroonan namin. "Coyens bakit ngayon ka yang?" napabungisngis pa si yaya sa kabululang taglay ng bubwit na Ulan na 'to. "Nagkasakit kasi ako. Ang lakas nga ng virus mo kaya nahawaan mo ako noong may sinat kang dinalaw ka namin" nangunotnoo itong halatang hindi nakuha ang isinagot ko. "Bayos? 'No 'yon Coyens!?" "Haist!! Virus, hindi bayos. Collins hindi coyens dukutin ko yang dila mo ng tumuwid ang pananalita mo eh" iritadong saad kong ikinakamot pa nito habang napapabungisngis lang naman si yaya sa usapan namin ni Ulan. "Kumusta Collis, nagkasakit ka raw?" ani Bagyo na dumungaw sa pinto. Ngumiti akong inabot na ang kamay nitong pumasok. Nahihiya at alangan pa ito na madungis silang sasakay ng kotse. "M-Marumi kami eh" inabot ko na ang kamay nito na inakay papasok. Sinenyasan ko naman si Ulap na sumakay na rin sa harap katabi si manong Edgar na inakay ito. "Okay lang 'yan, para saan pa at may naimbentong car wash" natatawang saad ko. Napapakamot pa ito sa ulong halatang nahihiya. "Ahm...saan tayo pupunta?" napaisip naman ako. Nang biglang maalala sa Enchanted Kingdom. Paniguradong magugustuhan nila doon! "Manong Edgar sa Enchanted Kingdom tayo huh!" napalingon naman ito sa akin sa rear view mirror na napangiti at kindat sa akin. "Sure anak, teka....daan muna tayo ng kids wear boutique para makapagbihis sina Bagyo. Nang hindi sila naiilang" anito na ikinangiti ko. Napapayuko naman si Bagyo at Ulap habang si Ulan ay na-e-excite na akala mo naman ay alam ang pupuntahan namin. "Pasensiya na kayo. Ang laki naming abala" napalingon ako kay Bagyo kitang nagpahid ng luha ito. Para akong nakurot sa puso. "Bagyo ano ka ba, ako nga ang dapat humingi ng tawad, ginagambala ko kayo sa paghahanap buhay niyo. Hwag na kayong mahiya sa akin. Bakit pa tayo naging magkakaibigan kung naiilang naman kayo sa akin" pilit itong ngumiti na bakas pa ring nahihiya. "Bagyo, h'wag na kayong mailang sa amin nila Collins. Hindi talaga kayo tatantanan ng alaga ko, dahil kayong magkakapatid lang naman ang kaibigan nito" ani yaya na ikinatango-tango ni Ulap at Bagyo. "Salamat po, hindi kayo nandidiring lapitan kami" hinawakan ko ito sa balikat na ikinaangat ng mukha nito sa pagkakayuko. "Magkakaibigan tayo Bagyo. Kaya h'wag na kayong mahiya sa akin" "Salamat Collins" NANGINGITI KONG pinagmamasdan sina Bagyo, Ulan at Ulap na kumikinang ang mga mata habang nakatinga dito sa mga nadadaanan namin. Dumaan na muna kami ng boutique at ibinili ang mga ito ng maisusuot at nakaligo na rin bago kami tumuloy dito sa Enchanted Kingdom. Para tuloy kaming isang masayang pamiya habang magkakahawak-kamay kami nila Bagyo na nasa kabilaang gilid namin si yaya at manong Edgar na para naming mommy at daddy. "Coyens!!" napalingon ako kay Ulan sa pagtawag sa akin sabay yugyog sa kamay ko dahil kami ang magkahawak-kamay. "Ano yan?!" napasunod ako ng tingin sa tinitignan nitong rides ng mga kabayo. "Gusto mong sumakay tayo?" umiling-iling agad ito. "Bakit?" takang tanong ko. "Takbo 'yan ee! Takot ako!" napangiwi naman ako sa sinagot nitong akala yata ay buhay na kabayo ang mga nasa rides. "Hindi 'yan, tara sakay tayong lahat" wala na silang nagawa ng hilahin ko na sila dahil pinagigitnaan ako ni Ulan at Bagyo. Bumili din si yaya ng tickets naming apat at nagkasya na lamang silang panoorin kami sa gilid ni manong Edgar. Takot pa si Ulan kaya sa iisang kabayo kami sumakay. Kita namang tuwang-tuwa sina Bagyo at Ulap na katabi lang din namin ni Ulan na inaalalayan ko pa. "Coyens ang gayeng noh?! iikot-ikot tayo?!" namamanghang bulalas na nito at kitang nawala na ang takot sa ilang minuto naming pagkakasakay. "Oh 'di ba, hindi naman tatakbo?" tumango-tango naman ito. "Oo nga! Sayamat Coyens!" napalunok ako ng mariing humalik pa ito sa pisngi ko sa pagpapasalamat nito. Ramdam kong nag-init ang mukha ko sa paghalik nito ng biglaan! Matapos naming magsawang sinubukan ang iba't-ibang pang kid rides ay nagtungo na mina kami ng restaurant dahil nagugutom na rin kami. Bakas ang kamanghaan sa mata nila Bagyo na napapalinga-linga sa mga nadadaanan namin. Mabuti na lang hindi na sila umaalma sa mga offer ko. Kahit hindi nila sabihin ay kitang masayang-masaya silang nakapasyal dito sa EK na para kaming buong pamilya. "H-Hindi ba't mahal dito?" alanganing tanong ni Bagyo dahil si yaya na ang siyang um-order ng pagkain naming lahat. "Mura lang, h'wag mo ng alalahanin ang presyo" aniko na nginitian ito. "Wow!! Ano mga 'yan!" napahalakhak kami sa bulalas ni Ulan pagkalapag ng mga waiter sa mesa namin ang iba't-ibang uri ng pagkain. Napapapalakpak pa itona nagniningning ang mga matang takam na takam sa mga nakahain sa harapan! "O siya kumain na muna tayo, tiyak gutom na rin kayo" ani yaya na pinaglalagyan na kami ng pagkain sa plato namin. "Wow! Coyens sayap nito o!" banggit nito sa chicken steak na hiniwa-hiwa na ni yaya bago nilagay sa plato ni Ulan. Natatawa kong pinupunasan ng tissue ang baba at gilid ng mga labi nito sa dungis niyang kumaing akala mo nama'y may kaagaw o kaya'y nauubusan. "Dahan-dahan Ulan, baka mabilaukan ka" pagpapaalala ko. Punong-puno kasi ang bunganga nito. Kababaeng tao at kay liit niya pero siya namang lakas at gana niyang kumain. Habang ang dalawang kuya ay mababakasang nahihiya sa amin. MADILIM NA NG maihatid namin ang mga ito sa bahay nila sa iskwater area. Nag-iwan din kaming muli ng mga grocery stocks, bigas at cash sa mga itong ayaw pang tanggapin ni Bagyo dahil sobra-sobra na raw ang ipasyal namin sila ng Enchanted. Pero wala ring nagawa ito dahil mapilit ako. Kahit paano'y napasaya ng magkakapatid ang araw ko at 'di ko na nga namalayan ang oras. Tahimik na rin ang mansion pagdating namin at kitang tapos na ang pool party na naganap dito kanina. Tumuloy na kami ni yaya ng silid ko dahil kumain naman na kami. Isa pa'y inaantok na rin kami dala ng pagod sa ilang oras na ginugol namin sa Enchanted Kingdom. Lumipas ang ilang mga araw na nahing abala ako sa school namin dahil nalalapit na ang final exam namin. Bigla ko namang na-miss ang magkakapatid kaya napadaan kami ng cathedral na tambayan nila pero isang oras na kami ditong nagpalinga-linga ay wala kaming matanawan ni isa sa kanila. "Collins anak, may masamang balita" napalingon ako kay manong Edgar na humahangos pa. "Bakit po manong?" kabadong tanong ko dahil kita ang lungkot at pagkabahala sa mga mata nitong ikinatigil namin ni yaya. "Anak hwag kang mabibigla huh? Ilang araw na palang nawawala sina Bagyo at mga kapatid nito. Sabi ng mga vendors dito na napagtanong-tanongan ko. May mga bulungan daw na lulong sa bawal na gamot ang ama nilang umabandona sa kanila at malaki ang posibilodad na....ibinenta na sila ng ama nila sa sindikato" tumulo ang luha kong napaluhod sa mga narinig. Napailing-iling ako. Dinaluhan naman agad ako ng mga ito na inakay pasakay ng kotse. "Manong Edgar daan po tayo sa bahay nila" malungkot na tumango ito at pinasilab na ang kotse patungo sa skwater kung saan nakatira sina Bagyo. Pero iba na ang nakatira sa bahay nila at sinabing matagal-tagal na ring walang umuuwi doon at kinumpirma nga ng mga kapitbahay nila na isang adik ang ama nila at maaaring kinuha na niya sina Bagyo at ibinenta sa sindikato. BAGSAK ANG BALIKAT kong umuwi ng mansion sa mga natuklasan. Awang-awa ako sa sinapit ng mga kaibigan ko! Napakabata pa nila para magdusa ng ganon. Napatingala ako sa kalangitan habang nandidito sa veranda ng silid ko. Tumulo ang luha ko na pinagmamasdan ang mga kumikinang na nagkukumpulang mga bituin sa langit. "Pangako....hahanapin ko kayo paglaki ko. Kung sakali man at buhay pa kayo... sana nasa maayos kayong kalagayan. At kung....kung wala na kayo dito sa mundo...hangad kong mapayapa na kayo, saan man kayo naroon ngayon. Bagyo, Ulap.... Ulan...salamat sa madaling panahon na nakasama ko kayo, kahit paano ay naranasan kong magkaroon ng mga totoong kaibigan...at kapatid. Hinding-hindi ko kayo.... makakalimutan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD