Collins: EXCITED AKONG bumalik ng syudad na malamang nabawi din ni Typhoon si Ulan at nahuli si Devon. Pero nakakainis lang dahil nakapag-pyansa agad ito. Ang mahalaga naman sa amin ay nabawi na namin si Ulan. Na kay Typhoon na at tito Moon na kung kakasuhan ang dalawa lalo na't damay din naman si Cloudy sa kaso kung sakali. Halos takbuhin ko ang hallway pagkalabas ko ng elevator at tinungo ang unit nila tito Moon. Doon kasi itinuloy ni Typhoon si Ulan. Napasuklay ako ng mga daliri sa buhok kong namamasa na dala ng pawis! Makailang beses pa akong napabuga ng hangin bago nag-doorbell. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko na halos hindi ko na ikahinga dala ng samo't-saring emosyon! "Collins" "Hi" bati ko kay Typhoon na siyang nagbukas ng pinto. Ngumiti itong mas niluwagan pa ang pinto. "

