BE MY TOY!
BE MY TOY!
BE MY TOY?
Ano daw? Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Gawin niya akong laruan?
"Ha?" Kunot noo kong tanong sa kanya baka kasi mali ang pandinig ko.
"Di ka lang pala pangit bingi ka pa. Malas ng mga magulang mo naging anak ka nila." Pabalang niyang sabi." Kung gusto mo pang manatili sa paaralan na ito which is pagmamay-ari ng pamilya ko, at kung ayaw mo ring makulong sa pagkakautang dahil sa pagbabayad mo ng kotse ko, pwes hayaan mong paglaruan kita. Thats the deal! Be my toy! Got it?" Anito sabay ngisi ng napakalaki.
"Prank lang naman to hindi ba? Baka magviral ako nito!" muling giit ko. Eh, malay ko bang baka ginogood time lang pala niya ako.
"Prank pa to sa tingin mo? Sinira mo lang naman ang brand new car ko. Sa tingin ko mapapalampas ko iyon?" matigas niyang diin.
Diyos ko! Para akong nadaganan ng langit sa sinabi niya. Eh wala naman akong tatlong milyon pambayad sa kotse niya no? Ang bumili nga ng SOEN na panty ko pahirapan na. Eh saan naman kuno ako hahanap ng ganoon kalaking pera? Ano mang oras ay pwede na akong maglupasay sa sahig. Ako maging laruan ng walang modong lalaking ito? Anong kamalasan ba itong nangyari sa buhay ko?
"Eh bakit ako? Pwede ka namang bumili ng totoong laruan gaya ng barbie doll at isaksak mo diyan sa baga mo!" Asik ko sa kanya sabay hampas sa dibdib niya. Mababaliw na nga ako dito. Sino bang di maloka, no kung maging alipin ako ng demonyong ito na pinaglihi yata sa sama ng loob.
"Eh, sa gusto ko eh." pacool niyang sabi sabay ayos sa buhok niyang nagulo. "Kamukha mo kasi si Chuckie at idol ko iyon. Kung tatanungin mo kung bakit di nalang ako bibili ng chuckie doll, eh gusto ko ng buhay na chuckie!" Muli niyang sinipat ako from head to toe. Nang ibinalik niya sa akin ang kaniyang mga tingin naroon na ang mapang asar na ngisi sa kaniyang mukha. "Sa pangit mong yan, pwede ka na maging chuckie!"
Langya tong damuhong nato. Nakailang ulit na siyang lait nang lait sa akin, ah! Jusko maaga akong mag menopause nito.
"Lahat ng gusto ko susundin mo. Or else patay ka sa akin."
Inirapan ko siya ngunit napaaray ako bigla nang kaltukan niya ako sa ulo.
"Naintindihan mo?" tanong niya.
Eh ano pa nga bang magàgawa ko? This is it! Magiging laruan ako, s***h alipin ng tengeneng lalaki na ito.
Napaaray ako ng kinaladkad niya ako patungo sa puno ng niyog na naroon mga ilang dipa ang layo mula sa kinaroroonan namin. Nang tuluyang makalapit, pasalampak niya akong binitawan dahilan para muntik nang masubsob ang aking mukha sa puno.
"Hey move fast!" utos niya sa akin.
"Ayoko, ang haba nito eh!" Angil ko sa kaniya ngunit wala siyang pakialam.
"No, you can do it!" singhal niya sabay lisik ng kaniyang tingin sa akin.
"Eh, kung ihambalos ko kaya tong puno na to sayo? Do it do itin ko yang bagang mo diyan, eh!"
"Ano ba? Bilisan mo pa, uhaw na uhaw na ako!"
"Di ko nga kaya eh, ang laki nito. Di ka ba makaintindi? Hindi ko kaya!''
"Just don't look down! Magfocus ka!"
"Ang tigas eh, paano kung masaktan ako?"
"Just do it gently! Stupid!" Singhal niyang muli. Kaloka pwede namang di siya sumigaw eh. Ang hirap kaya ng pinagagawa niya sa akin ngayon.
Hoy! Ikaw! Huwag kang ano! Huwag kang green. Kung inisip mo na may ginawa kaming kababalaghan ng mokong nato, pwes nagkamali ka! Asa siya! Di naman ako ganoon ka easy to get no. Tapos dito pa talaga sa puno ng niyog? No! No! Hindi ako cheap! Kung isuko ko lang din ang bataan ko, hay wag na sa lalaking ito na kasumpa sumpa ang ugali. I promise to Rizal na mamatay na lang akong virgin.
Duh!
Ganito kasi yun mga te. Pinaakyat lang naman niya sa akin tong puno ng niyog kesyo daw nauuhaw siya sa buko juice. Ayun pinakuha niya sa akin ang nag iisang bunga ng puno. Kaloka talaga! Eh, sa takot nga ako sa hieght at di ako marunong umakyat. Diyos ko kababae kong tao at di ko naman gawain tong ganito no? Eh paano kung mahulog ako eh di mas malala pa sa na jumbag tong feslak ko ng kabente! Bali bali pa ang mga buto ko! At ang mas malala pa baka uuwi ako sa amin mamaya na lasog lasog na ang katawan!
Urrrgh! Kainis tong lalaking to lakas mang trip!
"Hoy ano ba?!" sigaw niyang muli.
"Pwedeng huwag kang sumigaw?! Paano kapag nahulog ako?" Nanginig na nga tong mga tuhod ko. Eh, sa natatakot talaga ako. Pinagpawisan na nga siguro tong singit ko. Ano sa tingin niya sa akin, may lahing tuko?
"I dont care! Just do it or else!"
"Oo na! Oo na!" Langya talaga tong damuhong na ito. Sumpain sana ang lalaking iyan! Napasign of the cross ako saka dahan dahan umakyat. Nang nakarating na ako sa pinakatuktok ng puno saka naman siya sumigaw mula sa ibaba.
"I changed my mind. Tagal mo kasi kaya tuloy nawala na pagkauhaw ko. I think orange juice sa cafeteria is better. Just go down."
Ano? Ganoon na lang ba iyon? Pagkatapos kong magpakahirap umakyat dito tapos ganoon na lang?
"ARRRRGH!" Sigaw ko. Baliw ba siya? Muntik na akong magpakamatay dahil lang sa bukong ito tapos ganun ganun lang? Parang nilayasan ako ng lakas dahil sa sinabi niya. Pinagpawisan na nga ako ng malagkit dahil sa sobrang pagkainis. Abnormal talaga siya, eh. Kinuha ko ang buko saka ko siya binato sa ulo ayun natigok! Bwahahaha! Joke! Ayun batuhin ko na sana pag tingin ko pababa wala na siya. Urrrrgh!
Narinig kong tumunog ang bell hudyat para mag simula na naman ang klase. Isa na naman ito sa problema ko. Paano ako bababa?! Sarap umiyak! Grabe!
May araw ka rin sa akin kang hayop ka. Nanggigigil talaga ako. Eh, biruin mo yun? Walangya talaga! Sarap manampal ng shark ngayon din!
Pagkarating ko sa room wala pa ang professor ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Pinuntahan ko ang aking upoan na naroon sa pinakalikod ng silid kung saan malapit ang bintana.
Maya maya pay dumating na rin ang aming professor sa English 101. Pinakilala muna nito ang sarili bago nag simulang magklase. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo nang biglang kumalabog ang pintuan. Gulat na napalingon kaming lahat sa lalaking kasalukuyang pumapasok. Agad na napuno ng dugo ang utak ko nang matanaw ang lalaking kinamumuhian ko ng husto. Anong ginagawa niya rito?
Lahat ng kakalase kong babae biglang nagstar ang mga mata na tila nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa.
"Oh my ghad! He's so hot! Siya na ang prince charming ko!" Mahinang ngalngal ng babae na nakaupo sa unahan ko. Anghel? Demonyo kamo. Prince charming ba yan? Jusmiyo! Kung alam lang nila ang ugali ng damuhong na yan tingnan ko lang kung di nila isumpa yan.
"What?" banas niyang wika nang mapansin na ang lahat ng atensiyon ay nasa kaniya. "I know lm handsome enough, so stop starring." Bored na sabi ng demonyo at pa cool na naglakad. Yabang talaga nito! Sarap itapon sa Pacific Ocean. Wait. Unti-unting kumulabog ang aking dibdib nang bigla siyang humarap sa akin. Humakbang siya patungo sa kung saan ako! Lord naman! Huwag nyo ng dagdagan ang kamalasan ko ngayon.
"This is our first meeting and yet you are late Mr. Morghan." Sabi ng professor. Malamang alam niya pangalan ng lalaking to eh anak naman kasi ito ng may ari ng academy na to.
"The hell l care, maam. Just continue doing your job! Wala sa job order mo na sitahin ako aa desisyon ko aa buhay."
Rinig niyo iyon? Aba ay walang modo talaga! Hindi man lang marunong gumalang. Mukhang natakot si maam kaya di na lang niya pinatulan ang anak ni satanas at nagpatuloy sa pagsusulat sa white board. At si yabang? Ayun prenteng nakaupo sa upoan ng babaeng katabi ko kanina na pinalipat niya. Ngayon ay magkatabi kami pero di ko siya nililingon! Di bale nang magka stiff neck ako huwag lang masilayan ang mukha ng lalaking nagdadala sa akin ng kamalasan.
Napansin kong ipinatong niya ang kaniyabg binti sa arm chair ng kanyang upoan. Nangagalit talaga bunbunan ko sa kaniya! Di ko pa rin makalimutan kung paano niya ako pinaakyat sa puno ng niyog! Kupal talaga. Di ko lubos maisip kung baka bukas ililibing na ako dahil sa ka kunsimisyon sa lalaking ito.
Pakshet lang.
Pero thank you lord mukhang wala naman siyang balak guluhin ang nanahimik kong kaluluwa ngayon. Nagsi-cellphone lang kasi siya wari bang walang pakialam sa kaniyang paligid.
"Psst!" Sitsit niya. Di ko siya nilingon. Malay ko ba kung ako ang tinatawag niya.
"Hoy ugly beast!" Sitsit niya sa akin muli. Lord naman! Kailan ba ako patatahimikin ng kumag na to?
Di ko siya pinansin sa halip ay patuloy pa rin ako sa pakikinig kay maam. Langya, alam kong pangit ako eh kailangan pa ba niyang ipangalandakan yun? Kaimbyerna ha.
"Hoy Chuckie!"
"Ano?!" Inis kong tanong. Medyo napalakas ang boses ko dahilan para mapatingin si maam sa akin.
"Last warning Miss Reyes." asik ni maam. Ay naloka ako bigla! Eh wala pa ngang first warning last na agad? Ano yun? Noodles? Instant lang? Ipahamak pa ata ako ng lalaking ito. Patay talaga to sa akin ngayon.
Akala ko tatahimik na siya ngunit nagkamali ako.
"Psst! Chuckie na bored ako." Agad na napataas ang aking kilay sa binulong niya. Anong magagawa ko kung bored siya? May sapak yata talaga sa utak lalaking ito!
"Patawanin mo ako." utos niya. Lord naman! Pwede mo bang tahiin yang bibig ng lalaking ito? Urrgh! Marahas ko siyang nilingon na ngayo'y napakalaki na ng ngisi. Ang pagkindat niya at ang ngising nakakaloko sa kaniyang manipis na labi ang sumalubong sa akin. This guy is really getting into my nerves! Chaka! Napaingles ako ng tama dahil sa inis. Di ko na lang siya pinansin saka binelatan. Ibinalik ko ang aking atensiyon kay maam.
"Ah ayaw mo ah!" Lingunin ko na dapat siya nang bigla niyang inapakan ang paa ko dahilan para mapaaray ako ng malakas.
"Is there anything wrong, Miss Reyes?"
"Wa-wala po-" Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si kumag.
"Yes maam!" Si kumag ang sumagot." Natatae daw siya."
Ano daw?! Takte! Parang naniwala pa sa kaniya si Maam!
"Is that so? You should go to the comfort room now or in the clinic." Saad ni maam.
"No maam okay lang po ako. Huwag kang maniw-" Di ko natuloy ang sasabihin ko ng sumingit uli si kumag.
"I think we should go now maam, may almoranas din kasi itong girlfriend ko at kailangan ko na itong ipa check up sa specialists baka pa magsara ang pwet niya. Malala na kasi!"
Hindi ko na napansin ang hagikhikan ng mga kaklase ko dahil sa kaniyang sinabi.
Wait, what? Girlfriend? Aangal sana ako kaso di ako nakapagsalita kasi nahihiya ako. Parang gusto ko na lang magteleport patungong Mount Everest dahil sa kahihiyan at di na babalik pa rito. Walangya wala naman akong almoranas eh. At isa pa, hindi kami ka ano ano! Tumubo man si Dagul bahala na never ako magiging girlfriend ng lalaking iyan! Never! No! No! No! Doble doble na talaga ang kasalanan ng litseng to sa akin.
"GIRLFRIEND? WEH?" Sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko. Gulat silang lahat. Ang OA lang kailangan talagang sabay?
"Yep!" Ngising ngisi si kumag sabay usog ng kaniyang upoan palapit sa akin saka niya iniakbay ang kaniyang braso sa akin.
"Hoy te, paturo anong gayuma ginamit mo sa kanya kasi gusto ko ding gayumahin si Onyot." Bulong na tanong sa akin ng katabi kong kulot ang buhok at may makapal na salamin. Pektusan ko nga eh.
Ayun nga! Nasa labas na kami ngayon ng classroom, eh kinaladkad ba naman ako ng gunggong na to. Kainis!
"Ayoko ngang sumama sa iyo sabi." Pagpupumiglas ko. Ano na naman kayang binabalak nito. Ahh pakshet lang.
"Sa ayaw at sa gusto mo, you have to go with me. That's your only choice!"
"Paano kung ayaw ko?" Pagmamatigas ko.
Pero bigla nalang niya akong hinawakan sa bewang saka pinatong niya ako sa shoulder niya at kinargang parang sako ng bigas. Kahit anong gawin ko di pa rin niya ako binaba hanggang sa makababa kami ng hagdan mula 5th floor at marating namin ang parking lot saka niya ako inihagis papasok sa sasakyan niya. Litseng buhay to.
"Saan nga tayo?" Inis na tanong ko nang pinaandar na niya ang makina ng sasakyan.
"Sa motel. Mag check in tayo." Napakalapad ng ngiti niyang tumingin sa akin. Halos panawan pa ako ng aking ulirat nang kumindat siya sa akin. Wala sa isip na naicover ko ang aking dalawang mga kamay sa aking dibdib at huli na nang maalala ko na wala pala ako nun. K. Tnx. Bye!
(A/N: Don't forget to Follow this book po, ha? Lablab ko kayo! Chill chill lang tayo dapat at tumawa!