Hi everyone! Thanks for reading this story. I will write this story in Tagalog-English. I hope you will enjoy it. Sorry if may wrong grammar, wrong spelling and more.. hehehe. Enjoy!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hingal na hingal akong tumatakbo papunta sa boses na sumisigaw. "Luna! help! Please Luna help me!" I don't know where to go. Parang walang katapusan ang masukal na kagubatang ito. Nasaan ba ako? Bakit ako nandito? Sino 'tong babaeng ito?
"Luna---Lunaaa!!!"
"Luna?" - Gulat kong iminulat ang aking mga mata at inilibot ang aking paningin. Wala ako sa madilim at masukal na kagubatan. Walang boses na sumisigaw. Nandito ako sa aking apartment. Kinusot ko ang aking mga mata para makasigurado. Ayoko nang bumalik sa lugar na 'yon. Nakakatakot.
"Are you okay? you're drenched in sweat" Bumuntong hininga ako at bumangon upang tingnan ang aking sarili sa salamin sa tabi ng aking kama. Pawis na pawis nga ako. Pawis na pawis na para bang tumakbo ng pagka layo layo.
"I'm okay. I just had a bad dream." Pinunasan ko ang aking pawis at dumeretcho sa banyo. I need a long hot shower after that nightmare na paulit-ulit kong napapaginipan. Minsan ayoko nang matulog pa dahil baka mapaginipan ko nanaman ang gubat at ang babaeng humihingi ng tulong. Wala naman akong nakikitang multo or monsters pero ewan ko ba at para bang takot na takot ako sa panaginip na yon.
"Babe? Are you sure you're fine?"
"Yes" Mahinang tugon ko at sinimulang magshower. "Just wait for me babe. I just need to shower"
"Okay" Tugon nito.
Pinihit ko ang gripo ng shower at hinayaang bumuhos ang mainit na tubig sa aking katawang puno ng pawis. Ilang araw ko na ring napapaginipan iyon at lagi rin akong gumigising ng pawis. Mabuti na lamang at tinulungan ako ni William na mag install ng hot shower dito sa condo. Kahit na mainit sa pinas ay mas gusto ko pa ring mag hot shower lalo na sa umaga bago pumasok sa work. Napaka swerte ko rin at meron akong William. Gwapo, mabait, matangkad at mayaman. Ewan ko ba kung anong nakita niya sakin at sakin pa nag ka gusto. Eh kung tutuusin wala naman akong maibubuga. Simpleng professor lang ako sa pampublikong paaralan dito sa Maynila. Hindi rin kagandahan at katangkaran. Hindi rin mayaman. Ulila na rin.
Noong mamatay ang mga magulang ko sa aksidente at kuhanin ng gahaman kong tita ang lahat lahat ng dapat para sa akin ay inisip kong ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Ulilang lubos na ako walang ibang mapupuntahan. Mabuti na lamang at itong condo ay nakapangalan sa akin. Itong condo at isang milyong piso na galing sa insurance ang napunta sa akin. Well, sa isang milyon. 200,000 lamang ang napunta sa akin kasi pati yon ay kinuha ng tita kong pinaglihi sa ka-kapalan ng muka. Maaari sana akong lumaban pero anong gagawin ko? 16 years old palang ako nun. Walang kamuwang muwang na pinalayas sa aming mansyon at tinapon sa apartment na 'to. Mula noon ay natuto na akong mamuhay mag isa. Walang tulong ng kahit na sino.
But when I met William Dela Madrid. Everything changed. Yung malungkot kong buhay ay nabigyan ng kulay. Unang sulyap ko pa lamang sakanya ay parang nahulog na aking puso. Hindi ko nga inexpect na magugustuhan niya ako. Sino ba naman ako diba? Kapag nga nawala ako ay paniguradong walang maghahanap sakin hahaha. Well, not anymore. William is here. William will surely find me if I go missing.
"Why are you smiling?"
"Ahhh. no-nothing. I'm just lucky you're my boyfriend" Lumakad ako patungo sa aking vanity desk at kinuha ang aking blower sa babang drawer. "I'm gonna use my blower so it might be too loud for you. You can wear your airpods"
"I'll be fine" ngumiti ito at pinagpatuloy ang ginagawa sa kanyang laptop. Humarap ako sa salamin at ngumiti bago simulan ang pag bo-blower. Habang nag bo-blower ng aking buhok ay di ko maiwasang alalahanin kung paano ko nakilala ang napaka gwapong lalaking ito.
FLASHBACK 2 years ago
"Welcome sa San Vicente de Manila University Mr. William. Hindi kayo mag sisisi sa donasyon dito sa aming paaralan. Isa ito sa may pinakamagagaling na estudyante at mga guro. Sa katunayan, kamakailan lang ay nanalo ang aming team sa University Debate." Pag mamalaki ni Dr Maniego, ang presidente ng university.
"Wow! That's amazing. I believe in that Dr. Maniego, which is why we chose to donate to this university this year. I know our donation will not go to waste.." Abot tenga ang ngiti ni Dr Maniego sa narinig. Kung mag papatuloy ang magandang relasyon ng paaralan sa mga Dela Madrid ay mas lalong magiging malawak ang oportunidad para sa mga estudyante.
"And you are?" Napabalikwas ako ng mapansin na nakatitig sa akin ang napaka guwapong muka. Napaka kinis ng kutis at mamula mula ang pisngi. Light brown eyes at may malinis na gupit. Ang mga mapulang labi nito na para bang hinihila ako papalapit upang halikan. "Ms. Magbanua?" pa-simpleng pag siko sakin ni Dr Maniego. s**t! Ilang minuto na ba akong nakatitig sakanya?
"Ahhh Hi, I’m Ms. Magbanua. I’m a literature professor here at the university, and besides that, I also help welcome our guests and show them around campus." Ang totoo kilala ng mga yumao kong magulang si Dr Maniego kaya naman laging ako ang inaatasan niyang tumulong kapag may mga guests at donors.
"Oh, that's nice. I love reading books" ngumiti ito at bumungad ang pantay pantay at puting-puting mga ngipin na para bang hindi nakaranas ng bulok sa tanang buhay niya.
Ngumiti lamang ako at ipinagpatuloy ni Dr Maniego ang pagmamalaki sa aming unibersidad.
Pagkatapos ng mga klase ay nagkaroon ng kaunting salo-salo sa conference room ng unibersidad. Naroon ang mga guro,staff, dean, si Dr Maniego at syempre si William. Halos lahat ata ng mga guro at staff ay nais siyang makilala. Lahat tinatanong. Sino nga namang hindi mag papapansin sakanya. Pag pinakasalan mo siya siguradong secured na ang buhay mo.
Lumabas muna ako ng conference room upang mag pahangin. Gusto ko nang umuwi para makapag pahinga. Umupo ako sa swing dala ang lata ng coke. Mabuti na lamang at maliwanag rito sa maliit na garden tabi ng conference room kapag gabi. Tumingala ako sa langit. Ang daming bituin.
"I like stargazing" Napalingon ako sa boses. Oh my gulay! si Mr. William Dela Madrid lang naman.
"Ohh me too." Kahit hindi naman.
"Do you mind?" Tanong nito kung pwede siyang umupo sa swing sa tabi ko.
"Sure" tugon kong may kasunod na ngiti.
"If you don't mind. How old are you?" Kunot noo ko siyang nilingon.
"Pardon?"
"How old are you? Ilang taon ka na?" pag uulit nito kasabay ang ngiti. Ang ngiting para bang nagpapatigil ng aking mundo.
"27" Maikli kong sagot. Bakit niya tinatanong? Sa dami ba naman ng tanong. Ilang taon talaga?
"Ohh. I see. I'm 33" ... uhhh pake ko? But of course di ko pwedeng sabihin yon.
"Ohh okay." sabay inom ng coke. Ano pa bang sasabihin ko? tsaka bakit nandito 'to?
"Do you have a boyfriend?" Halos masamid ako at laking matang tumitig sakanya. Interesado ba siya sa akin? hahaha lakas mo naman mangarap Luna.
"No. Never had one" - Lumaki ang ngiti nito at tumitig sa mga mata ko tsaka tumawa. Tawa ng mayamang gwapo. ganun.
"What?" May halong inis kong tanong. Anong masama sa pagiging NGSB? eh wala talaga eh. May nanliligaw naman pero ewan hindi ko type.
"So you're a virgin?" Pilyong tanong nito.
Para bang lahat ng dugo ko ay umakyat papunta sa ulo ko. Hindi ko alam kung namumula ba ako, pero wala na akong pakialam pa ron kasi wtf? Anong problema niya? Di porket gwapo siya ay maaari niya na akong bastusin.
"I can change that Ms Luna". Seryosong sabi nito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank you for reading! Let me know what you think about this chapter