••• C h a p t e r [ 49 ] David Kreuger “Potangina! Paano niyo hindi nagawang bantayan ang pinaka sagradong silid dito sa hideout? Paano tayo napasok? Paano? Alam niyo ba kung ano’ng pwedeng gawin sa atin ni Boss pag nalaman niya ‘to ha? Mga inutil!” sigaw ko sa mga kasamahan kong hindi ginagawa ng maayos ang mga trabaho nila. Umiinit ang dugo ko at halos manlaki ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Hindi lang ako, kundi lahat kami na narito ay mapapatay ni boss pag nalaman niya ‘to. Ilang ulit ko nang tinatanong ang mga ito kung ano’ng nangyari pero tila wala rin silang alam. Paano nila malalaman? Sabay-sabay silang nag-break at wala man lang silang iniwan kahit isang bantay sa labas ng vault na ito. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Tinitignan ko ang lugar kung saan pinasok ng

