••• C h a p t e r [ 22.2 ] Tiffany Alonzo Suarez Siguro nga hindi niya kayang sabihin sa akin ang dahilan pero okay lang. Baka masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya. But wait? Someone who wants to see me? Bumaba ako ng sasakyan at sumunod sa kanya. Nagkalat na rin ang mga bodyguard namin sa paligid na nakasuot ng itim na tuxedo habang may nakasukbit na mga earpiece sa kanilang mga tainga. “Tiffany!” Isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko mula sa aking likuran kaya hinarap ko ito. Naningkit ang mata ko nang mamukhaan ko kung sino. “Spade?” Hindi makapaniwala na tawag ko sa pangalan niya. “The one and only!” Lumawak ang ngiti sa labi niya. Lumapit siya sa akin at yayakapin na sana niya ako nang humarang ang kamay ng dalawang guard sa harap ko at inilayo sa akin

