••• C h a p t e r [ 52 ] Tiffany Alonozo Suarez “Hiya!” isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko matapos kong pasadahan ng magkakasunod na suntok at malakas na sipa ang punching bag na nasa harap ko. Iniisip ko na si Cammari, Hansley at si Murillo iyon. Dito ko inilabas lahat ng pang gigigil at galit na nararamdaman ko tuwing naalala ko ang mga ginawa nila kay Nathalia. Tuwing umaga ay ito ang ginagawa ko pagkatapos ko asikasuhin si Nathalia. Dahil sa mga nangyari sa school ay pinagkasunduan namin ni Klaus na i-home school na lang siya. Mas ligtas siya rito sa bahay dahil maraming nagbabantay sa kanya. Ilang dagok muli sa punching bag ang pinakawalan ko. Ngayon ay mas lalo kong pinagbubutihan ang training dahil alam kong hindi gano’n kadali pumasok sa gyera sa taong alam kong mat

