••• C h a p t e r [ 37 ] Tiffany Alonzo Suarez Nakatitig ako sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. I’m wearing a crepe semi stitch white dress. It’s an above the knee dress with embroidered blue roses to it’s bodice. Simple lang ang suot ko pero napakaganda ng damit na ito sa akin. Fit na fit siya sa katawan ko. Isa ito sa mga damit na pinamili namin ni Cammari nung nakaraan at ito ang napili kong suotin para sa dinner namin mamaya ni Klaus. Kinakabahan ako. This is the first time we will have a meal together. ‘Yung kaming dalawa lang. Pakiramdam ko hindi ako makapagsalita ng maayos pag kaharap ko siya. Wala akong ideya kung ano’ng kakalabasan ng dinner namin mamaya. Bahala na. Hindi naman siguro niya hahayaan na maging patay ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

