••• C h a p t e r [ 8 ] Tiffany Alonzo Suarez Iminulat ko ang mata ko at isang nakakasilaw na ilaw mula sa ceiling ang tumambad sa harap ko. Mariin kong hinawakan ang aking sintido nang maramdam ko ang pangingirot sa 'king ulo. Nangunot ang noo ko nang may makapa akong bandage sa noo ko. Saan galing ito? Pinilit kong umupo. Inikot ko ang mata ko sa paligid. Narito ako ngayon sa isang hindi pamilyar na kwarto. Isang malaking kwarto na pinalilibutan ng itim na ceiling at mamahaling mga muwebles. Ang sahig ay gawa sa isang solid wood na flooring. Sa likod naman ng kama na hinihigaan ko ay may isa ring itim na padded wall. May dalawang malaking wooden cabinets sa harap nito at may laman itong iba't-ibang klase ng baril na kumikinang sa ginto. Nakadikit ito sa itaas ng pader at sa ibaba n

