••• C h a p t e r [ 5 ] Tiffany Alonzo Suarez "We're here!" Ani Spade. Isa-isa kaming lumabas sa van nang makarating kami sa resort na pagmamay-ari ni Alycia. Hindi ko akalain na hindi lang siya isang sikat na model, isa rin siyang mayaman at kilalang business woman sa Pilipinas, at ang resort na ito ay isa lang sa mga negosiyo niya. It's a huge private resort na matatagpuan sa likod ng isang bundok dito sa batangas. Masukal ang daan papunta rito kaya siguro ayaw niyang gabihin kami sa pag-byahe. Wala kasing sapat na ilaw ang gagabay sa amin kung sakali. Sobrang rural ng lugar pero napansin kong nirerenovate na ang ibang mga kalsada. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang isang malaking building na may tatlong palapag. Sa tabi naman nito ay isang malaking modern build na villa. Medy

