••• Special Chapter 2 [ Last Chapter ] 16 years later… “Nathalia!” he shouted. Nasa gym ako ngayon habang may earphone na nakakabit sa tainga ko pero kahit gano’n ay rinig ko pa rin ang matining na sigaw ng batang ‘to. Napataas ang kilay ko nang mapagtanto kong tinawag niya lang ako sa pangalan ko. That kid! He must respect me. I’m older than him. Tss. Ano na naman kaya pinuputok ng ngala-ngala nito? I sighed and I rolled my eyes not minding his tantrums. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagdagok sa punching bag at hindi siya pinansin. Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang pinto ng gym. This time, hinarap ko na siya at tinanggal ang nakasukbit na earphone sa tainga ko. “What? What’s your problem?” “Where’s my crossbow?” nagngingitngit ang bibig niyang tanong sa akin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


