••• C h a p t e r [ 33 ] Tiffany Alonzo Suarez Sinundan ko si Nathalia at nakita ko siya sa garden. Nakaupo siya sa bench habang umiiyak. Nasa hita naman niya nakaupo ang aso na hindi ko alam kung saan niya napulot. Agad ko siyang nilapitan at umupo ako sa tabi niya. “Nathalia? I’m sorry for what your daddy did, okay? Stop crying. Sige ka, papanget ka niyan,” pangunang sabi ko. Niyakap ko siya at pilit pinapatahan. “Why is he shouting at me, mommy? Did I do something wrong? I just want to help this little puppy. I just want to adopt her. Why is he getting mad at me?” umiiyak na tanong ng anak ko. “No, baby. Wala kang ginawang masama. You just want to help. Siguro, hindi lang maganda ang mood ng daddy mo ngayon or siguro ayaw niya talaga ng aso sa bahay niya. Baka nakagat siguro si

