••• C h a p t e r [ 39.1 ] Tiffany Alonzo Suarez Naupo kami muli sa table matapos niya akong isayaw. Ilang minuto rin binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa nang makaisip ako ng bagay na pwede naming gawin. Masyado pang mahaba ang gabi para tapusin ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at kinuha ko ang dalawang bote ng wine na nasa table kung nasaan nakahilera ang mga pagkain. Tinignan ko kung ano’ng brand ito and woah! It’s a Chateau Margaux 2006 wine. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ito. Isa ito sa pinakamamahaling wine sa buong mundo. In Philippine peso it cost 66,000 to 70,000 per bottle. Tapos iinumin lang namin para sa isang laro? May nakita akong isang waiter na malapit sa kinatatayuan ko at agad ko itong tinawag. “Kuya, may ibang wine pa ba kayong nakahanda maliban s

