Chapter 5-Lucky Three

1512 Words
Bubbles! Andaming bubbles! iba't iba ang sukat. Habang nakapaligid saakin ang mga higante ay nagliparan naman ang libong mga bula mula sa kawalan. Nagulat ako nang biglang isang malaking foamy object ang dumikit sa buong katawan ko. Muntik akong malunod nang sakupin nito ang buo kong katawan. Napatili ako. Pagkatapos akong balutin ng mamasamasang kumpol ng bula na iyon ay namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng isang higanteng bula. Natumba pa ako at napahiga sa higanteng bula nang bigla itong umangat at tila pataas ng pataas. Nililipad ako ng higanteng bula. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makakaligtas na ako sa mga higanteng bato o matatakot dahil sa di ko alam kung san nanggaling ang mga bulang iyon. Nasa tatlumpong talampakan na ang taas ko nang marinig ko ang matinis na boses ni Amber. "Lara!" sigaw nito mula sa aking likuran. Nakasakay ito sa isang higanteng walis na parang ginagamit ng mga witches na gaya niya. Napakagandang mangkukulam naman nito. Naisip ko. "Amber! Salamat at ligtas ka... I mean salamat at niligtas mo ako!" Nakadapa kong sabi habang binabalanse ko ang aking sarili sa loob ng higanteng bula. "Huwag kang mag-alala Lara, hindi mababasag yan. Gawa yan sa isang malakas na spell making the surface as hard as metal but as light as dust." Proud na sabi ng bago kong kaibigan. "Wow! Amazing. Ang galing!" "I know right!" Napahagikgik pa ang magandang si Amber habang pinupuri ang sarili. "So hanggang kailan ako dito? You have any idea?" Wala sa sarili kong nabanggit habang unti-unti nang natutunang balansehin ang sarili sa loob ng malaking bubble. "Malapit na tayo sa dulo ng trail na 'to. Nandun ang lagusan patungong safe base. Which means tapos na ang pagsusulit. " "Talaga?" Hindi ko alam kung kanino ako unang magpapasalamat. Hindi ko malaman kung bakit ako nakaligtas sa napakadelikadong trail na 'to. Sa kabila ng aking galak, naisip ko ang magkapatid na Laurent at Miranda. Ligtas kaya sila? Sana. Daing ko. "Parang ang lalim ng iniisip mo?" Siguro ay napansin ni Amber na biglang natahimik ako at napaisip. "Ah m-may nakilala lang ako sa kagubatan. Niligtas nila ako mula sa mga lobo at higante tapos nagkahiwa-hiwalay kami sa gitna ng g**o. Hindi ko alam kung ligtas sila." nasambit ko. Sa pagbagsak ng higanteng bula sa lupa ay agad din itong nabasag na parang ordinaryong bula. Nasa tabi ko si Amber nang tahakin namin ang lagusan patungong safe base. Ang lagusan ay parang isang tulay na gawa sa pinagdikitdikit na bato. At sa baba nitoy isang misteryosong ilog, dumadaloy ito pero walang tunog ang pag-agos ng tubig. Pinamumugaran na ito ng mga higanteng lumot at tinubuan na rin ng mga ligaw na d**o, wild flowers na halatang hindi na dinaanan ng mga ilang taon. "Wow" Amber cried out. Gaya ng dati wala parin itong takot. "Nakakatakot naman yang tulay na yan. Mukhang may nakatira sa paanan ng ilog." Kinakabahan ako habang pinagmamasdan ang lagusan. Alam kong hindi lang dun nagtatapos ang pagsusulit. Sa itsura ng lagusan, alam kong may mga nakatago pang sikreto ito na maaring gumimbal saamin ni Amber. "Let's go! This is it!" excited na sabi ng dalaga. Hila-hila ako ng dalaga at pahakbang na kami sa lagusan nang- "Stop!" Isang boses lalaki ang pumigil saamin tahakin ang lagusan. Kilala ko ang boses na yun. "Laurent?" Nag-atubili ko pang sabi. Nang linngunin ko ang pinaggagalingan ng boses na yun ay hindi ako nagkamali. Si Laurent nga. Pero nasaan si Miranda? "S-si Miranda?" Tila wala itong narinig. Mistula naman akong napipi sa pagkapahiya. "Ang lagusang yan ay hindi basta-basta lagusan. Hindi pa ito ang katapusan ng pagsubok sa kagubatang ito. Hindi kayo ganun kaswerte." Napansin konbg kumunot ang noo ni Amber. "What do you mean? At teka, sino ka?" Tila isang sirena ang tanong na 'yon ni Amber. Hindi ko pa pala naipapakilala Si Laurent sa kanya. Pinutol ko ang komosyon. "Ah, siyanga pala Amber si Laurent. Siya yung sinasabi kong nagligtas saakin sa mga lobo't higante." Napansin kong umismid si Laurent. "Oh?" takang tanong ni Amber. "Nasaan yung kasama niya? Diba sabi mo dalawa sila?" "Ah eh k-kwan-" pinutol ni Laurent ang sasabihin ko. "Ang mabuti pa'y magpatuloy na tayo. O kung gusto niyo'y kayo na lang at gagawin ko na kung anong gusto kong gawin. Baka mapahamak pa ako sa kapalpakan niyo." "Excuse me?" medyo tumaas ang boses ni Amber. Halatang nainsulto ito sa sinabi ni Laurent. "Hayaan mo na..." bulong ko sa kaibigan. "S-sasama na lang kami sayo. Yun ay kung okay lang?" kako. "May magagawa pa ba ako?" anito na nagpatuloy na sa paglalakad patungo hindi sa lagusan kundi sa palayo dito. "Teka, heto ang lagusan oh! Hindi diyan!" Amber reminded him. "Alam ko. Hindi yan ang totoong lagusan. Kapag sinubukan niyong daanan yan, mabubuhay ang mga batong pinagkumpol-kumpol diyan." "At bakit kami maniniwala sayo?" Mataray na tanong ni Amber na nooy nakapamewang na. "Try it. Isama mo na yang bestfriend mo." Hamon ni Laurent. May pagkasuplado talaga at antipatiko ang lalaki nung una pa lang na nakausap ko ito kasama si Miranda. Umiikot parin sa utak ko kung nasaan si Miranda habang nagtatalo ang dalawa kong bagong kakilala. Dinakip kaya ito, bumalik sa pamilya nito o baka may nangyaring masama dito? Huwag naman sana. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang nagising ang ulirat ko sa kasalukuyan dahil sa malakas na sigaw ni Laurent. "No!" Sinundan iyon ng matinis at malakas na tili ni Amber na nakita kong nasa paanan na ng lagusan. Lumindol ng bahagya sabay paatras na nagtitili si Amber. Nawasak ang tulay na gawa sa bato. Totoo nga ang sinabi ni Laurent. Naging mga higanteng bato ang tulay. Hindi lang lima kundi higit sa labing limang GIANT STONE OGRES! "Lara! Takbo!!!" Ani Amber habang sinubukang paslangin ang mga bato gamit ang kanyang blue energy ball. Tila mga bulang nawasak lang ang energy ball na tinapon ni Amber sa unang higanteng malapit sa kanya. Hindi ito umubra. "Hoy babaeng namumuti ang buhok! Tumakbo ka na dito!" Narinig kong sigaw ni Laurent kay Amber habang tumatakbo naman ako patungo sa kinalalagyan ng lalaki. "Lara! Takbo!" Dinig kong sabi ni Laurent nang mapansin nitong tumigil ako para antayin si Amber. Mabilis ang mga naging pangyayari. Mabilis na nakaangat mula sa ilog ang mga higante at agad kaming hinabol. Sa kabilang sulok ng lagusan kung saan nakatayo si Laurent ay may isang lihim na lagusan sa ilalim ng lupa. Yun ang tinutukoy ni Laurent. Pinapasok niya ako at kasunod si Amber bago ko napansing nagtapon pa ito ng isang malaking energy ball sa higante. Ang pagsabog nun ay nagdulot ng pwersang naging dahilan ng bahagyang pagyanin ng lupa. Madilim sa ilalim ng lupa. Agad namang nakagawa ng liwanag ang magic wand ni Amber. Namangha ako habang ramdam namin ang pagyanig ng taas na bahagi ng hukay. "Oh diba, parang lusis." Ani Amber na parang hindi hinahabol ng higante. "Hindi ito ang panahon para maglaro." Nagulat kami nang biglang nagsalita si Laurent mula sa aming likuran. "Any moment from now ay huhukayin ng mga higante ang hukay na 'to o yayanigin ang ibabaw na bahagi para malibing na tayo ng buhay dito. Kaya kung pwede bilisan niyong maglakad pasulong." "Ah! Okay!" sabi ni Amber na napansing isa pala talagang lagusan ang hukay na 'yon. Isang tunnel and dinaanan namin. Nakakailang hakbang pa lang kami ay bumigay na ang lupa sa aming likuran. Tama nga si Laurent. Kung hindi kami huhukayin ng mga higante ay ililibing kami ng buhay ng mga ito. Lalong bumilis ang aming takbo sa ilalim ng lupa habang sinusundan ang bawat hakbang namin ng gumuguhong lupa. Magkahalong pagod at takot ang nasaakin. Hinahabol ko ang aking paghinga dahil sa limitadong supply ng hangin sa ilalim ng lapa. Ilang minuto rin ang pagtakbo at paggapang namin sa lagusan. "Ahhhhh!" Napasigaw ako nang maramdaman kong natabunan ng mabigat na lupa ang kanan kong binti. Nadapa ako, hanggang sa pati kaliwang binti ko'y natabunan na rin. Mukhang malilibing na ako ng buhay. "Lara kapit!" Naramdaman kong may humawak sa magkabila kong braso. Natabunan ang buo kong katawan pero maswerte parin ako dahil malakas ang paghila saakin ni Laurent. Kinarga ako nito palabas sa lagusan. Hindin ko akalaing ganun naging kabilis ang pangyayari. Nakaligtas ako sa Garon forest nang walang kapangyarihan? "Lara, I'm glad you're fine." Bulong saakin ni Amber habang papalabas na kami ng lagusan. Maliwanag! Nakakasilaw! Wala kaming maaninag nang lumabas kami sa ilalim ng lupa. Napapaligiran kami ng mga ilaw at hindi namin maaninag kung nassan kami. May naghihiyawan, nagpapalakpakan pa ang ila pero mas natabunan iyon ng mga hiyawan. Malakas. Maingay! "Surprisingly we have three survivors from the straight path Wow!" Yun ang narinig ko na marahil ay narinig din ni Laurent at Amber. Tila nasa gitna kami ng isang malaking arena at hindi lang kaming tatlo ang nasa lugar na iyo, hindi lang ang mga abducted kundi maraming tao. Maraming marami... Katapusan na ba ng mga pagsubok o ito'y hudyat pa lamang na nagsimula na ang tunay na hamon ng kapitolyo... ng Cairos. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD