Valeen's POV Halos di na ako makatingin kay Dave pagkatapos niyang sabihin iyon. Si Inay ay tinataasan ako ng kilay na parang sinasabing "Anong ibig sabihin nito? Magpaliwanag ka!" Pero umiiling lang ako at iniiwasan ang tingin niya. Sina Vincent at Kylie naman ay panay ang tukso sa akin. Pumikit ako ng mariin at saka tumayo para magpaalam na pupunta sa CR. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakasunod ang tingin ni Dave sa akin. Sinadya kong magtagal sa CR. Parang ayaw ko nangang lumabas dahil sa kahihiyan! Humarap ako sa salamin. "Anong ibig niyang sabihing manliligaw siya agad pag pumayag si Inay?" Para akong ewan na kinakausap ang sarili ko sa salamin. "Umiwas siya na hindi ko manlang alam ang dahilan tapos umalis pa siya at hindi manlang niya ako naisip na kamustahin sa loob

